Chapter 3:7.1

722 16 5
                                    

Chapter III: Flashing Back Memories
Lunch box of Rejection: Hot n' Cold

Mae's POV

"Ella!" tawag ko sakanya at agad na hinawakan ang braso nya. Tumigil sya at humarap sakin, isang napakagandang ngiti ang tumambad saakin.

"Bakit Mae?"

"G-gusto ko sanang.... Ella, mahal kita at g-gusto kitang ligawan." Halatang naggulat sya sa sinabi ko, pero panandalian lang yun at bigla syang nagbitaw ng isang ngiti, pero bakit may mali? Nakangiti ang kanyang mukha ngunit may nakikita akong lungkot saknyang mga mata. Naggulat ako nang hinawakan nya ang mga kamay ko. She held my cheek na agad ko namang hinawakan.

"Matagal ko ng gustong marinig yan sa mga labi mo, Mae.... Ang sabihin mong mahal mo rin ako.... Mahal din kita Mae, matagal na."

m-mahal nya ako? Di ba dapat maging masaya ako? Pero bakit ganun? Bakit kinakabahan ako? Bakit parang feeling ko mawawala sya sakin?

Pinagdikit nya ang mga noo namin at naggulat ako nang may luhang biglang tumakas sakanyang mga mata. Bakit sya umiiyak? Dahil ba sa saya? Hindi eh, hindi yun ang dahilan..... akala ko ba mahal nya din ako, pero bakit parang hindi sya masaya? Bakit parang feeling ko nahihirapan sya.

"Mahal kita Mae, pero hindi pwede.."

"Anong ibig mong sabihin? H-hindi kita maintindihan...." Naguguluhan kong tanong sakanya. ngumiti sya sakin.

"Mahal kita Mae, pero kapag ako ang minahal mo, masasaktan ka lang.... dahil sa huli ay mawawala din ako. I'm sorry." She said at bigla syang tumakbo.

"Ella! Sandali! Please, wag mo naman akong iwan.."

Nang biglang......

BOOGSSSHH!! CRASSSHHH!

"Ella!" agad akong napabangon sa higaan ko at sobrang hingal na hingal. Naramdaman ko rin ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Ano ba yung napanaginipan ko?

"Meeoow." Paglalambing ni Cepta sakin.

"Isang masamang panaginip lang pala." I said to myself.

Nabaling ang tingin ko kay Cepta, ang itim na pusang kinupkop namin ni Ella. Everytime na napapatingin ako dito ay gumagaan bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko alam, pero bigla nalang nagiging okay ang lahat para sakin. Agad akong tumayo at kinuha sya para sabay kaming pumunta ng kusina. Alas 8 narin pala ng umaga.

"Gutom ka na ba Cepta? Sandali at magluluto ako ng agahan natin ha?"

Nasa hagdan palang ako nang may bigla akong naamoy na masarap na nanggagaling sa kusina ko.

"Teka Cepta, parang may nangloob ata sa bahay natin." I whispered at kinuha ang baseball bat ko na nakadisplay lang. dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina ko, nang biglang tumalon si Cepta mula sa kamay ko at patakbong pumunta sa may kusina, agad ko syang hinabol at nadatnan ko syang pumunta sa may kusina at sa babaeng naroroon. Nakatalikod ito sakin, pero bigla kong naramdaman ang pamilyar na feelings. Naglambing sya dito at para akong nabuhusan ng malamig na tubig at biglang bumilis ang pagpintig ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon.

"Ayy siopao na pusa! Cepta naman eh, lagi ka lang sumusulpot..."

"Meoow..." dinampot nya ito at kninarga sa braso nya.

"Okay, wag ka nang magtampo, Good morning na.... gising na ba ang Dada mo?" she asked Cepta.

"Meoow." Naggulat ako nang bigla syang bumaling sa kinaroroonan ko. Kaya agad kong tinago ang hawak kong baseball bat. Ang nakangiti nyang mukha ay biglang napalitan ng gulat at pamumula ng pisngi at agad syang tumalikod.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon