#This will be the last...
"Juju, mauna na kami ha?" pagpapaalam ni Deanna sakin. napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Pauline Gaston na nasa may pintuan at naghihintay kay Deanna, kausap nito si Felicia Cui. Napabalik naman ako ng tingin sa kambal ko.
"Anong oras ka uuwi?"
"Bat kelangan mo pang malaman?"
"Ah kasi, ako ang kasama mo sa bahay at ako ang panganay satin?"
"Tss, nawala lang si Mommy, ikaw naman itong pumalit."
"Deanna..."
"Hindi ko alam okay? But don't wait for me to get home, sa labas na rin kami magdidinner ni Ponggay."
"Okay.... Deanna."
"Hmmm?"
"Get them safely home at kapag may nangyaring masama eh tawagan mo nalang ako."
"Don't worry, nothing will happen. Be safe twin." Sabi nito at nagsimula ng umalis. They off to go, habang ako naman ay inaayos pa ang mga gamit ko. Ako na nga lang ang naiwang mag-isa room namin, naengross kasi ako sa binabasa ko kanina kaya hindi ko namalayan na umalis na sila. Kung tinatanong nyo naman kung nasaan si Maddie? Ewan ko.... Isinakbit ko na ang bag ko at sinuot ng salamin ko, binuhat ko ang 10 librong hiniram ko sa library na ngayon ay ibabalik ko na. paglabas ko ng room ay nakita ko sya na kasama si Mary Remy Joy Palma ng Tamarraws, masaya silang nag-uusap habang dala-dala nito ang gamit ni Maddie. Nagshrug lang ako at tumalikod na sakanila nang makasalubong ko si Miguel de Guzman, isang Sagittarian.
"Hi Ji...." Masayang bati nito sakin.
"Migz..."
"bat parang nahuli ka atang lumabas? Nakita ko si Deanna kasama yung Gaston at Cui na yun."
"Ah, naengross kasi ako sa binabasa ko kanina. At may lakad yung tatlong yun eh. Ikaw san ka pupunta?"
"tinanong ko kasi kay Deanna kung nasaan ka at sabi nya na nandito ka pa kaya pinuntahan kita."
"Bakit nga?"
"Yayayain sana kitang magmeryenda eh."
"Hmmm..."
"Busy ka ba?" hindi naman ako makasagot, hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko eh. Kung papayag pa ba ako o hindi, para kasing may gagawin ako ngayon eh. Pero bahala na..
"Okay."
"Talaga? Teka, Mukhang nabibigatan ka na ata dyan sa dala mo, akin na tulungan na kita."
"Ah wag na Migz, kaya ko naman eh."
"Hindi, tutulungan na kita, hindi bagay sa isang katulad mo na nagbubuhat ng ganito kadami at kabigat." Sabi nya sabay kuha ng ¾ ng dala kong libro.
"Sigurado kang kaya mo." Napangiwi kasi sya nang buhatin nya iyon.
"Geez, Julia, ang bigat-bigat nito pero minamani mo lang? don't worry I've got this, I have muscles to carry this." Sabi nya sabay flex pa ng braso nya. napailing naman ako sa ginawa nya.
"Nasanay na siguro ako." I answered him. totoo naman, how many years I've been doing this, never naman akong napagod eh.
"So saan tayo?"
"Sa library muna,kelangan kong ibalik kasi tong mga hiniram ko last week."
"Ganun ba? Sige, tara na." sabi nya. papaalis na sana kami nang biglang dumating si Maddie."
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinihintay eh." Sabi nya sabay lapit sakin. tiningnan ko naman ang likod at gilid nya baka nandyan yung Palma para naman makatakas ako sakanya. pero wala, tss.. nubayan? "Ako na dito... pre, salamat sa pagtulong kay Jia." Seryosong sabi ni Maddie sabaay kuha ng mga libro na hawak ni Miguel. Napatingin naman si Miguel sakin, asking if he would let her so I slightly nooded my head, ayoko kasi ng gulo at gusto ko ng umuwi. So ayun, hinayaan nya nga ito.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
أدب الهواةmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...