Marge's POV
KRIIINNG
"Okay class dismiss." Sabi ni Ma'am at umalis na sya.
Sa wakas. Makakaalis na nga, masyadong mainit at masikip sa lugar na to.
"Margemallows!" sigaw ni Ella kasama nito si Alyssa.
"O?" saka ako lumapit sakanya.
Binigyan nya naman ako ng isang makahulugang tingin.
"Wag mo akong bigyan ng ganyang tingin Ella"
"What? Ano bang ginawa ko?"
"Magkakaila ka pa."
"Jih, di ba may gig ka mamaya sa Allys?"
"Oo, bakit Gizelle?"
"Samahan na kita, wala di naman akong gagawin mamaya eh tsaka gusto kong Makita ka. Ako nalang ang magsusundo sayo mamaya at maghahatid sayo after ng gig mo."
"Naku, wag na Gi, may sarili naman akong car eh."
"No, I insist. So ano?"
"Ikaw, kung mapilit ka talaga."
"Great. I'll be there in 7, ahm sabay na tayong pumunta ng cafeteria??"
"S-sure" sabi nito at umalis na sila.
"Oy!Nagseselos!"
"Nagseselos?Sino? Ako?Hindi noh?"
"Wag mo ng itanggi. Wag kang mag-alala, ako lang ang nakakaalam." She said mischievously.
"Ano? May plano pa ba kayong kumain? Gutom na ako eh" Valdez
"Ayy oo nga pala, tara na Tejada. Sundan na natin sya" Napailing na lang ako.
SA CAFETERIA... kanya- kanya kaming upo. May mga sariling mundo na naman. Ano pa nga ba? Ngayon kasama ko sina Valdez at Ella. As usual nagpapalibre nanaman itong si Ella. Ewan ko ba dyan kung saan napupunta ang allowance ng isang to. Baka mamaya nyan eh mabalitaan ko nalang na mas mayaman na sya samin dahil sa pagtitipid lang. I just wondering, kahit isang impormasyon tungkol sa kanya eh wala akong alam, well except sa birthday, pangalan at edad nya but anything about her family or status nila sa life, well in fact, alam kong mayaman sila eh mga mayayaman lang naman kasi ang napapasok sa extraordinary class, kung sa ordinary siguro oo. Napansin ko sa isang sulok ng mga mata ko si jirah na pinagsisilbihan ni Tan. Ewan ko kung makatatagal si Gizelle sakanya.
"CR muna ako ha?" sabi ni Ella at natira naman kaming dalawa ni Valdez.
"Valdez?" tumingin sya sakin
"Ano pang alam mo?" Napataas naman ang kilay nya sa tanong ko.
"Ano pang alam ko?"
"Ano pa bang alam mo kay Ella? Sa bestfriend mo?"
"Bakit mo naman natanong ang bagay nay an?"
"Kasi 3 years ko na syang nakakasama ay hanggang ngayon pangalan at birthday nya palang ang alam kong impormasyon sa kanya. At bukod na sa isa syang mabait at jolly na kaibigan ay wala na." nakita kong parang nag-iisip sya. Di kaya?Parehas kami?
"Sa totoo lang kokonting impormasyon lang din ang alam ko tungkol sa kanya. Ang parents nya, ang pagkakaalam ko ay hiwalay na. Wala akong alam kung saan kung saan sila nakatira. Eh kapag nag oovernight naman kami, palaging sa bahay o di kaya sa favorite spot nya, sa rooftop. Alam mo naman kasi yung Ella, napakamasekretong tao. Kung alam nyang wala kang kinalaman o masasaktan ka lang, itatago nya iyon. Kahit na sya ang masaktan okay lang. Wala din naman syang nakwekwento masyado sa personal na mga bagay. Actually ngayon ko lang narealize na 5 taon na kaming magkakilala, pero wala pa akong gaanong alam sakanya.siguro kasi nasanay nalang ako na ako lagi ang iniintindi nya. Nakakalungkot lalo na ngayon na malapit na tayong grumaduate, ngayon ko lang narealize na wala pa akong naggagawa to thank her. Napakaselfish ko palang bestfriend." Valdez. I heard her sigh. Pareho nya, I just now realize na may isang kaibigan/ tao akong hindi nabibigyan ng pagpapahalaga. Na kahit sinusungitan ko sya o anu paman, nandyan parin sya sa tabi ko. Hindi matutumbasan ng camera ang presensya nya sa lahat ng oras na kailangan ko ng isang tunay na kaibigan na makakapitan .
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
