Ch.2: Worry

79 10 0
                                    

Steph's POV

"Steph..." Tawag sakin ni Kyle "A-anong n-nangyari kay C-crystal?" Gulat na tanong niya

"Hindi mo ba nakikita!? Kasalanan mo to!" Sigaw ko, patuloy parin sa pagaagos ang mga luha ko. Tiningnan ko siya ng masama at hinawakan sa kwelyo "Diba sabi ko pag may nangyari sa kanya pagbabayaran mo!" Sigaw ko ulit sa kanya at pinabayaan ang mga taong nandun at nanunuod.

"S-sorry talaga.. Paggising niya hindi na ako magpapakita, promise.." biglang tumulo ang luha niya "For her safety.. I'll do anything just for her to live..." nababasa ko ang pagsisisi sa tono niya kaya binitiwan ko siya at pinakalma ang sarili para hindi ko siya masaktan

"Tss! Gawin mo, wag mong ipangako!" seryoso at pigil ang galit kong sabi sa kanya

~HOSPITAL~

"Crystal, g-gumising ka na... M-miss na agad  kita, miss ko na ang a-asarin ka" pilit ang biro ko kahit kada salita na sasabihin ko ay mga luha ang susunod na lalabas

Kyle's POV

Nakikita ko sa mga mata ni Steph na galit na galit siya sa sarili niya at sinisisi niya ang sarili nya kahit hindi niya naman kasalanan kundi ako. Yan kasi ang ugali ni Steph. Kahit leader siya ng mga gangster, siya din ang may responsibilidad sa lahat ng kaibigan at pamilya niya kaya lahat na nangyayaring masama ay sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pangakong hindi niya pababayaan ang isa sa mga myembro ng grupo at pamilya niya na may mangyaring masama. Kung pwede nga lang ay tinurture niya na ang bumangga kay Crystal kaya lang tumakas agad yung driver at yung kotse nalang ang natira tss!

"S-steph... Sorry talag—" di ko natapos yung sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto. Pitong lalaki Ang sumalubong saamin at dumeretso kay Steph

"Hey, Kate. What happened to Ge?" Sabi nong lalaking parang masmatanda lang samin ng ilang taon.

"Tss! Don't asked me! ask that guy!" Taray niya sa mga kausap at sigurado akong galit parin siya sakin. Napalunok naman ako ng tingnan ako ng mga lalaki from head to toe.

"Hey man! What did you do to our Ge!?" Sabi nong lalaki na kasing edad ko lang yata habang nakataas ang kilay

"Yah man! Di mo ba alam na importante samin si Ge!" Sabi naman nong isa

"S-sorry talaga" sabi ko habang naka yuko

"Tss! Just get away from her life, you jerk!" galit paring sabi ni Steph sakin

Lumabas nalang ako para di ako makadamay pa kahit damay naman talaga ako at malala pa!

"Tss! Ano bang ginawa ng lalaking iyon kay Ge?" Narinig kong sabi nong isang lalaki kaya huminto ako at nag eves drop

"Tsk! Marami! Siya ang nagbibigay ng kapahamakan sa buhay ni Ge, sabi niya nung una palang" napabuntong hininga ako sa narinig

"Eh anong pangalan nya?" Sabi naman nong isa

"Kyle Renzo Arniño" bigla akong nangilabot nang banggitin niya ang pangalan ko. Mukhang kaylangan ko munang lumayo..

'Sorry, Crystal.. Sorry, Steph.. I'll fix this mess I made. I'll be back..'

Steph's POV

"Steph anong nangyari kay Crystal?" Nagaalalang tanong ni tita Clare, mommy ni crystal habang umiiyak

"Sorry tita, di ko siya binantayan ng mabuti" sabi ko ng may pagsisisi

"Stephanie, ija. It's not your fault" pagpapaintindi niya

"Thank you tita, pero sinisisi ko parin ngayon ang sarili ko dahil di ko siya nabantayan ng mabuti" tumulo na ang kanina ko pang tiatagong luha

"Ija.. Don't worry, it's not your fault. Hindi mo ginusto ang nangyari" pinunasan ni tita ang luha ko kaya bigla akong nakaramdam ng hiya dahil ang OA kong umiyak, eh hindi naman ako ang ina. Pero alam kong responsibilidad ko siya, lahat ng kaibigan ko na nagsign ng contract

"Cge tita, I'll give you two some privacy" nagnod lang si tita kaya lumabas na ako.

Bigla namang nagvibrate yung phone ko mula sa bulsa ko. Nabawasan naman bigla yung nararamdaman ko ng makita ko kung sino ang tumatawag

"H-hello?"

[Kate, what happened? Anong nangyari kay Crystal?] nagaalalang tanong ni ate Christine nang biglang may nagsalita [Ano daw ang nangyari kay Crystal?] Sabi ni Alex?!

"W-wait! Bakit magkasama kayo ni Alex!?" tss! Ba't sila magkasama?!

"Uhm.. Pupuntahan ka namin diyan ha? Wait for us!" bago pa man ako magreact ay inend call niya na

'Tss! Ano nanaman kayang da-moves na ginagawa ni Alex kay ate Chris tss!'

Biglang nagvibrate ulit yung phone ko, but this time unknown number yun kaya rineject ko baka kasi kung ano-ano lang sabihin at baka masapak ko pa yun kahit sa cellphone ang pagitan namin tss! Nagvibrate ulit nang nagvibrate nang nagvibrate nang nagvibrate nang nagvibrate hanggang sa isang daan na ang missed calls joke! tss! bente-singko pa lang naman eh kaya okay lang yun--nagvibrate ulit, but this time nagtext na siya. Idedelete ko na sana ng mabasa ko agad yung unang message niya na kinagulat ko dahil sa pangalan niya

'Siya ba to? o baka iba to?'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon