Ch.45: It's not a dream

24 4 0
                                    

Steph's POV

"Kate, gising na.." sabi nang familiar na boses

"Mmm?" Ungol ko kahit nakapikit parin dahil sa sakit ng ulo

"Andito na tayo sa Bahay mo" sabi pa niya kaya napamulat ako

"Bakit *hekup* nandito tayo sa Bahay *hekup* ko?!" Naiinis kong sabi at umupo, nilingon ko naman ang tabi ko, si ate Christine pala. Napagtanto ko ring nakatulog ako at ginawa pang unan ang paa ni Ate Christine kaya napalunok ako sa kahihiyan

"Para makapagpahinga ka na" sabi niya pero hinawakan ko lang ang ulo ko dahil sa sakit nito

"Ehh *hekup* ayuko munang umuwiii!" Pagmamaktol ko

"Steph, lasing ka lang" narinig ko namang sabi nung nasa drivers seat kaya nilingon ko ito

"Oh, Bakit nandito *hekup* ka Chris?" Napakunot noo ako

"Tss! Tara na nga, kailangan mo ng magpahinga" sabi pa niya at lumabas na sa kotse at inopen yung pinto sa inuupuan ko at hinila ako palabas

"Ayaw ko! At fyi, Di ako *hekup* lasing!" Sigaw ko

"Kate, Tara na" sabi naman ni ate Christine at hinila na nila akong dalawa. Kanina ko pa sila pinipigilan pero mas malakas sila saken kasi dalawa sila or dahil lasing lang talaga ako tss!

'Kaya ko kaya sila kahit sampo pa sila tss!'

Nagdoor bell na si Chris at ilang minuto ay bumukas ito

"Oh, ano po'ng nangyari kay Ma'am?" Tanong ni yaya Glor

"Ehh.. nalasing po—"

"Hindi nga ako *hekup* lasing ehh!" Pagmamaktol ko at sinuntok si Chris sa may mukha

"Aray!" Sigaw niya, nagulat naman si yaya Glor at ate Christine pero tumawa lang ako

"Opss! sarehh wahahaha!" tawa ko

"Tss! wag ka na ngang malikot! Lasing na lasing ka na oh—" kinurot ko yung ilong niya ng malakas at tinawanan ko siya kaya napasigaw ulit siya

"Stephhh!!" Saway niya

"Ahh.. ehh, p-pasensya na po, S-sir" natatarantang sabi ni yaya Glor

"Okay lang p—" Di niya natapos sasabihin niya kasi hinila ko naman yung tenga niya ng malakas kaya napatili siya ng malakas

"Steph, stop it!" Sigaw niya pero tumawa lang ako at hinila-hila parin yung tenga niya. Tinulungan naman siya ni ate Christine at yaya Glor na suwayin ako

"Sige po, ipasok niyo na po muna si Ma'am sa kwarto niya, alam ko namang ikaw lang yung pinapapasok ni Ma'am ehh.. bawal po talaga kaming pumasok dun" sabi ni yaya Glor kay Christian

"Eh? bakit po?" Tanong ni ate Christine kay yaya Glor

"Uhmm" sabi ni Chris na para bang natutuliro

"Hindi ko nga po alam eh" napakamot nalang ng batok si yaya Glor

"Ahh, sige po, kumuha nalang po kayo ng tubig at towel" sabi ni ate Christine at nagnod naman si yaya Glor

Hinila na ulit nila ako papunta sa kwarto ko, nagpupumigil parin ako pero mas lalo nilang nilalakasan yung pagkahawak ng braso ko kaya wala akong nagawa kundi singhalan sila

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon