Steph's POV
Nagising ako ng maaga, kaya naligo kaagad ako at nagsuot ng uniform. Pagkababa ko, binuksan ko yung cabinet at kinuha yung cereal at pumunta sa ref para kunin ang milk. Pagkatapos kong magbreakfast, nagtoothbrush na ako at nagayos ng sarili at mga gamit ko. Pumunta ako sa garage at hinanap yung bago kong kotse. Sumakay kaagad ako nung makita ko yun at pinaandar kaagad papuntang school
Exacto 7 am na pala pagkarating ko sa room namin. Kaunti pa lang ang mga tao dito kaya naglibot-libot muna ako
"H-hello, K-kate?" sabi nung lalaking may dala-dalang carbonara sakin, tinaasan ko naman siya ng kilay
"What do you think your doing?" kunot noo kong taray
"S-sorry kung n-naistorbo kita pero para sa project namin eh" nahihiya niyang sabi, tss! Mahiya talaga siya sa ginagawa niya
"So!?" Tinaasan ko siya ng kilay at ayun nanaman, ang raming studyanteng nakatingin samin, palagi naman eh tss!
"P-pwede mo ba--" binuhos ko sa mukha niya ang carbonara na kinagulat niya, pati na rin ng mga students sa ginawa ko
'Tss! di ba nila ako kilala? walang pwedeng makalapit sakin kung di ko naman close!'
Umalis na kaagad ako dun. Aga-aga pinapainit kaagad nila ulo ko tss!
Habang naglalakad, biglang may humawak sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay nung hinarap ko siya, anong karapatan niyang hawakan ako!?
"What the fuck are you doing?!" Tinaasan ko siya ng kilay
"Di mo dapat yun ginawa sa kanya" sabi nung lalaki
"So what?!" Sigaw ko. Lahat ng studyante ay naka tingin na ngayon saamin at nagbubulungan pa tss!
"Mali yung ginawa mo!" Suway niya sakin na nagpasinghal sakin dahil sa sobrang tapang niya na sabat-sabatan ako!
"Ano naman?" nakangisi kong sabi, naaasar na sa mga sinasabi niya
'Tapang mo brad ah, tss!'
Bigla niya akong hinila na mas lalong kinaasar ko!
'Grabe, first time kong hinila-hila ng di ko close ah!'
"Anong karapatan mong hawakan ako?! Saan mo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko. Naguguluhan naman at nagugulat ang mga students sa ginagawa niyang paghihila sakin, yung iba naman natakot at kinakabahan tss!
"Sa Principal office" seryoso niyang sabi na kinangisian ko
"Pft! Hahahha!" Tumawa ako ng malakas na kinagulat niya
"Bakit tumatawa ka?" Nakakunot ang noo niyang tanong
"Wala"
'Tss! sabi na nga ba! Newbie yata tong kaharap ko eh hahahaha kaya pala di niya pa ako kilala tss!'
Pinabayaan ko nalang siya sa ginagawa niyang paghihila sakin para maganda ang gagawin ko pag nalaman na niya kung sino ako hahahaha!
Yung mga students naman na nakakakilala sakin—lahat naman talaga ng estudyante pati na din sa mga staffs ay nagbubulungan at naguguluhan habang hinihila ako nitong newbie na to. Syempre magtataka yung mga peps dahil hinahayaan ko lang tong newbie na hilain ako, bago yun eh
"Di ba niya kilala si Steph?!" Narinig kong sabi nung mga peps
"He's gonna die" sabi naman nung isa
"Omo! Sayang ang pogi pa naman niya" sabi naman nung isa pero dahil nakikita ko na ang Principal's Office ay binaliwala ko na lang sila at dahil hindi ko na mapigilan ang tawa ko ay tumawa ako hahahaha! Tinaasan niya naman ako ng kilay habang nakakunot noo
'Newbie feels like hahahaha!'
Kumatok siya sa pinto ng Principal's Office
"Come in" narinig kong sabi ni Mamita, Principal namin at grandmother ko nyehehe!
Pagkapasok pa lang namin ay napatingin kaagad sakin si Mamita at nagsmile, tiningnan ko naman yung lalaki na nakakunot na ang noo ngayon!
"Oh, anong kaylangan mo Stephanie?" Tanong ni Mamita sakin, nakangiti parin
"Wala naman, MAMITA" pagdidiin ko at natawa sa reaksyon nung newbie, biglang nilingon ni Mamita si newbie
"Anong kaylangan mo, iho?"
"Uhm.. A-ano niyo po siya?"
'Curious? Hahahaha!'
"Ahh.. Ikaw ba si Mr. Lee? yung newbie, right?" malayo ang sagot ni mamita sa tanong niya hahaha
"Opo"
"Kaya pala di mo pa siya kilala"
"Po?" nagtataka niyang tanong. Tumingin muna sakin si Mamita at nag 'sasabihin-ko-ba-look', tumango naman ako
"Uh.. Siya si Stephanie Kate Lopez, apo ko siya kaya Mamita tawag niya sakin. At syempre ginagalang siya dito sa paaralan na to, hindi dahil apo ko siya kundi dahil siya ang mayari ng school na to" natahimik yung lalaki at tumingin sakin
"What?" Nagsmile ako sakanya, nangaasar na smile wahaha!
"Bakit, Mr. Lee? May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Mamita
"A-ah w-wala po, Tara na nga" hinila nanaman niya ako!
Aalis na sana kami ng biglang magsalita si Mamita
"Mr. Lee, nakalimutan ko pa lang sabihin sayo kung anong section ka. Sumama ka nalang kay Stephanie, same lang kayo ng section"
"WHAT!?" Sabay naming sabi at tumingin sa isa't-isa
"Sige na, pumunta na kayo sa room niyo. Baka malate pa kayo"
Umalis na kaagad ako dun, di ko na hinintay yung gagong yun hanggang sa maramdaman kong may sumusunod sakin, pagtalikod ko, yung newbie kaya tinaasan ko siya ng kilay at nagtuloy sa paglalakad
Pagdating ko sa classroom, ang iingay nila. Di nila napansin ang pagdating ko kaya napasigaw ako
"Damn! Why so loud?! Shit!" nagulat sila at nagmamadaling umupo sa mga upuan nila at nagayos. Tiningnan ko naman yung newbie na nasa tabi ko na pala at nakanganga! binaliwala ko na lang siya at umupo sa upuan ko, Wala akong naramdaman sa tabi ko
'Wala pa si Paul?'
"Huy, bakit mo ginawa yun?" nabigla ako sa gagong newbie kaya tinaasan ko siya ng kilay
Sakto naman at dumating yung teacher namin at biglang nilingon si gagong newbie
"Uhm.. Ikaw ba yung newbie?" tanong ni Sir Cruz kay gagong newbie, tumango naman siya "Please introduce yourself"
"Sure" nagsmile yung gago at pumunta sa harap "hey guys, I'm Christian Lee, I'm the newbie here so please take care of me from the danger" nong sinabi niya yung huling salita ay nakatingin siya sakin na parang nangaasar! tiningnan ko naman siya ng masama
"Okay then, duon ka umupo sa.." Nilibot ni Sir ang paningin at huminto sa tabi ko!
'Don't tell me—Ugh!'
"Doon sa tabi ni Ms. Lopez"
'The hell!'
"But sir, si Paul dito!" Sigaw ko
"Eh dun na lang siya sa hulihan" pagbabaliwala ni Sir sa sigaw ko
"Pwede naman siya nalang sa huli!" turo ko sa newbie
"Ms. Lopez..." Saway niya kaya wala akong nagawa kundi padabog na sinuntok ang table!
'Tss! buti nalang at close kayo ni Mamita kung hindi! tss!'
Tumakbo kaagad yung gago at umupo sa tabi ko. Tumingin siya sakin at nagsmile
"Hi!" nagpanggap akong walang narinig at kinuha yung phone ko at nagear phone
'This is not.. funny!'
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Ficção AdolescenteEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...