Ch. 55: Fainted

18 3 0
                                    

Steph's POV

"Steph.."

"Steph!"

"Huy! Steph!" Bigla akong natauhan sa sunod-sunod na tawag saken nang sino man yun kaya napatingin ako sa harapan ko at nakitang may nakaharang na lalaki dun

"Huy! Ano ba!? Kanina pa kita tinatawag ah. Anyare sayo?" Tss si Chris the ugok pala!

"Tss! pake mo?!" Taray ko at tumayo sa kinauupuan ko. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla itong bumukas

"Hey, Ms. Principalll!" Sigaw ng mga kaibigan kong gago—pero love ko!

"Oh, Ano nanaman ginagawa niyo dito?" Tanong ko, palagi kasi nila akong dinadalaw kahit ayaw ko. Syempre, gusto ko pero nagaalala lang ako sakanila. Nagkacutting pa sila dahil pag may pasok na ang mga students ay dun lang ako vacant. Madalang lang sa recess at lunch

"Wala! Oh, eto" abot sakin ni Jacky ng berryknots with water

'Kala ko ba wala? Tss!'

Tinanggap ko na lang yun at nilagay sa desk ko at humarap ulit sakanila

"Diba may pasok pa kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Kunyaring nagtataray kong tanong kahit deep inside ay natutuwa ako

"Wala. Miss ka lang namin" ayy! Ang pranka neto ni Crystal—Wait!

"Oh, Buti naman at nagparamdam ka na ulit? San ka nanaman ba galing?" Ngayon ko nalang ulit siya nakita eh

"Kahit saan lang" sabi niya at kinindatan ako

"Ano nga palang ginagawa mo?" Tanong ni Kheena at tumingin sa likod ko "I mean niyo?" Nagtaka naman ako

'What? Anong niyo—'

"Ehem" biglang may umubo sa likuran ko kaya lahat kami napatingin dun, napataas naman ako ng kilay "What?" nakangiting tanong sakin ni Chris

"Bakit andito ka pa?!" Nakakunot noo kong tanong

"Eh nakaharang kayo sa daanan eh" tumingin ako sa kinatatayuan namin at tama nga.. nakaharang kaming lahat. Sa sobra naming dami ay wala ng space o madadaanan palabas o papasok ng Office dahil lahat kami ay nakaharang sa door!

"Tss! Ede magsalita ka. Wag puro ubo para mapansin ka namin" Taray ko

"Sungit mo talaga, Ms. Principal" natatawang sabi ni Chris, napakunot noo naman ako

'Wtf is funny?!'

"Hahahaha! masungit pala ahh" asar nong mga kaibigan ko pero binaliwala ko lang sila

"Umalis ka na nga dito. Nakakairita kang ugok ka!" At padabog akong lumabas ng Office. Narinig ko pa nga ang pagtawag saken nila Noona pero binaliwala ko ulit yun

Chris POV

"Sorry ah. Masungit talaga yun" sabi sakin ni Alliah

"Yeah. Buti nakaya niyo siya" sabi ko

"Huh?" Napakunot noo sila

"Eh syempre, matagal niyo na siyang kilala at ganun pa yung ugali niya. Di ba kayo nasasawa o naiirita?"

"Hindi naman" sagot ni Eris na kanina pa tahimik

"Sanay na kami" sabi naman ni Briana

"Hindi naman talaga siya ganyan dati eh" napalingon ako kay Kheena na seryosong nakatingin kay Steph na palayong-palayo na

"What do you mea—"

"STEPHHHH!!" napatakip ako sa tenga ko ng biglang sumigaw si Alliah

"Aray ko naman, Liah! Kainis naman yang boses mo!" Angal ni Kyla

"Pake mo ba! Di kita pinapakialaman diyan ah!" Taray ni Alliah

"Wala akong pake alam sayo!" Sigaw ni Kyla

"Maslalo ako!" Sigaw din ni Alliah. Natatawa nalang ako sa mga ginagawa nila hahaha! parang may naalala ako—

"Yanyan! Huy, yanyannn! Wuhooo.. Hiiii! hehehehe"

'Shit ano yun? Sino yun? Bakit may naririnig akong boses ng babae? Boses bata? Sino yun? Sinong Yanyan? Sino—'

Nakaramdam ako ng paghihina ng mga paa at biglang natumba

"CHRISTIANN!" narinig ko ang pagtawag nila saken bago ako tuluyang mawalan ng malay

Briana's POV

Napapaface palm nalang ako sa mga kaibigan kong to! Ano ba yan! Bakit May kaibigan akong tulad nila.. jokeee! Hahaha! syempre I'm blessed! without them, wala akong happy pill at boring mundo ko hahaha—hala! Bakit parang nanghihina si Chris? Bakit namumuti yung bibig niy—shit!

"CHRISTIANN!" lahat kami ay napasigaw. Lahat din pala kami nakatingin sa kanya ng mga oras na yun

"Shit! Anong gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Jacky

"Call the guards to help us carry Chris then dalhin niyo sa Clinic. Briana, come with me. Hanapin natin si Kate to acknowledge her about this" seryosong sabi ni Noona kaya sumunod nalang ako

"Okay. I'll call the nurse" sabi naman ni Eris

"Then I'll call the guard" sabi naman ni Jacky

"Kami nalang muna magbabantay dito. Bilisan niyooo! Baka pagkamalan pa kami ang gumawa nito kay chris" Gusto kong matawa sa sinabi ni Alliah pero nangingibabaw parin ang takot at pag alala ko

'Ano to? Bakit ganito nararamdaman ko?'

***
Anong nangyari kay Steph? Ano kayang nangyari kay Christian at nahimatay ito? Sino kaya yung batang babae na narinig niya o sadyang naalala niya? Ano kayang nangyayari kay Briana at nararamdaman niya ang takot at pagalala kay Chris? Malalaman niyo yan sa next chap. So maghanda-handa na kayoooo

***

Author's Note

Eyy, babiesss. Misskonakayoooo! Sorry ngayon lang. Busy si Pama niyo ehh. Daming requirements sa school dahil sa clearance huhuhu. Sinipagan ko tong gawin kaya sana magustuhan niyo. Thankyou sa patuloy na pagsuporta at Pag hintay sa story ko. Iloveyouall. Bawi ulit si Pama niyo mwahhh!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon