Ch. 78: Something is wrong

7 3 0
                                        

Steph's POV

Pag-alis nilang lahat ay parang naikot ko lahat dito sa loob ng mansion dahil sa kakaibang feeling na kanina ko pa talaga nararamdaman—and yes, nag-aalala ako kung ano mang iyon at kahit gusto ko mang maging positive ay di ko naman magawa

'Is it because of Briana? O Christian? O.. ewan?'

Napa-iling nalang ako hanggang sa mapansing nasa kitchen na pala ako kaya uminom agad ako ng tubig para kumalma. Wala ding maids dito at pina-alis ko muna para may privacy naman. Guards lang yung nandito pero nasa labas lang

Paikot-ikot lang ako ng lakad hanggang sa mapunta ako sa sala kaya umupo agad ako sa couch at napasandal don. Pipikit na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang nasunog na garage ko

'D*mn! Mukhang may mapapatay talaga ako ah!'

Napa-iling nalang ako para pakalmahin ang sarili at pumikit hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako

"KATE!" agad akong napamulat nang may sumigaw sa mismong tenga ko

"Tangna! Ano—" natigilan ako nang makita kung sino ang mga nandon

"Hi!" Bati ni Christian habang nakangiti at kumakaway pa

"Ba't ka nandito!?" Tiningnan ko sila isa-isa

"Well, he insisted" kibit balikat na sabi ni Bri

"Wala naman akong sinabi na dito siya dalhin ah!?" kunot noo kong sabi pero binaliwala lang nila ako at umupo sa isa pang couch. Sila Bri, Liya, and Chris palang pala yung nandito

"Nasan na yung iba?" Tanong bigla ni Chris, binaliwala ko naman siya at napasandal nalang, pero napatayo din agad at dumeretso sa CR at napatingin sa salamin

'Hayst! Akala ko ay may laway ako'

Nakahinga ako ng maluwag—

'Wait! Ba't ganito ako mag-isip!? Is it because of Chris' preseance—No wayyy!'

Pinagsasampal-sampal ko ang mukha ko para mawala tong kaartehan sa katawan ko at bumalik na sa sala at umupo ulit sa inupoan ko kanina

"What's wrong?" Tanong bigla ni Chris pero binaliwala ko lang siya at pumikit at sumandal

10 minutes na yata ang lumipas at ganon parin ang pweso ko, nakapikit at nakasandal parin. Ang kaibahan nga lang ay di ako makapag pahinga dahil sa ingay nong tatlo! Di ko naman sila masaway dahil mukhang umurong yung dila ko sa di alam na dahilan tss

BOSHH!

Di na ako magtataka kung si Noona yun dahil di uso sa kanya ang katok tss

"Noona! Buti at nandito na kayo!" Bati agad sakanya ni Liya

'Tss. I told you'

"Sakin? Wala bang babati sakin?" Sa tono ng pananalita ni Paul ay mukhang nakanguso ito

"Di ka naman importante eh" pang-aasar sakanya ni Liya

"Tss. Whatever!" Singhal ni Paul at mukhang umupo na din sa couch

"Where's Vohn and the others?" Tanong naman ni Bri kaya don na ako napa mulat ng mata at agad na napatingin kay Noona na bumuntong hininga naman

The Gangster Love Story (EDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon