Ch.62: Cyphers

9 3 0
                                    

Steph's POV

Nasa School na kaming lahat for the closing of our beloved intramurals hahayst!

'Bwesit! Buti nalang at matatapos na mamaya pagkatapos ng speech ko na pinilit pa ako tss!'

"Snacks, Miss TP?" Nakangiting sabi ni Jules habang inaabot sakin ang dalawang berry knots and fruit juice. TP means, Temporary Principal

"Nagabala ka pa ah" siniko ko siya ng mahina

"Okay lang—" naputol ang sasabihin niya ng biglang sumigaw yung dalawa

"Miss TP!" Tawag sakin nila Dianne at Maxine

"What?" Nakakunot noo ko'ng tanong

"Handa ka na ba sa speech mo?" Tanong ni Dianne

"Baka mautal ka ah" biro naman ni Maxine

"Gago. Di ako katulad niyo" nakangisi ko'ng sabi at nagtawanan naman kami

Simula din nong pinatulog ko sila sa Bahay then dun din sila nagbreakfast ay gumaan bigla ang pakikisama ko sakanila. I don't know kung ano nanaman ang mabuting espirito na sumapi sakin at naging mabait ako sakanila. Nagulat pa nga sila at first, lalo na si Dianne na siya ang pinakatakot sakin sa kanilang tatlo. Nagulat nga din yung ibang students at staff at officers kung bakit naging mabait ako sakanila. Kahit naman ako ay di ko din alam tss!

Nagaasaran kaming apat nang biglang dumating ang nakasimangot nanamang si Chris

"Oh, anyare nanaman sayo?" Tanong ko pero binaliwala niya lang ako at tiningnan nang masama si Jules na tinatawanan lang siya

"Ano ba'ng problema ng boyfriend mo sakin at palaging ang sama-sama ng tingin pagnakikita ako?" Natatawang sabi ni Jules sakin

"Gago. Di ko siya boyfriend noh. At ewan ko ba sakanya kung bakit ang sama-sama ng tingin sayo. Baka may ginawa ka'ng masama sakanya"

"Tss! Sigurado ako'ng nagseselos siya sakin. Eh ikaw kasi eh, lapit ka nang lapit sakin" nakangisi niyang sabi kaya napataas bigla ang kilay ko

"Wow! Ako ba talaga ang lapit nang lapit ah? Kapal ng mukha mo ah. Patingin nga" hinawakan ko yung mukha niya at inikot-ikot—"Aray!" Biglang hinila ni Chris yung kamay ko!

'Ano ba'ng problema nitong lalaking ito?!'

"Hahaha! Ayan nanaman silaaa!" Narinig ko'ng sabi ni Maxine habang si Dianne naman ay tawa lang nang tawa

"Ano ba'ng problema mo?!" Inis ko'ng sabi kay Chris pero parang sanay na siya sa inis ko kaya wala lang sakanya pagnaiinis lang ako

"Bro, don't worry. Hindi ko naman aagawin sayo si Miss TP—" di na natapos ni Jules ang sasabihin nang putulin siya ni Chris

"Talaga!" Matigas, seryoso at galit niyang sabi ng diretso kay Jules kaya natigilang si Jules. Bago pa kaming lahat makapagsalita ulit, umalis na si Chris

Biglang sumipol si Jules at tumawa ng mahina at humarap sakin

"I told you" sabi niya na tinutukoy yata ang pagseselos sakanya ni Chris

"Whatever" taray ko nalang at nagpractice ulit ng speech ko for the closing remarks

Natapos na ang closing remarks for this year intramurals. Daming kaekekan ang ginawa namin bago itapos yun. Mamayang gabi na din gaganapin ang Victory Ball para sa lahat kaya heto nanaman ako. Pinagsasabihan ang mga artist club for the designs tss!

"Easy, nahuhulog na yung kilay mo oh" biglang sulpot ni Jules na binaliwala ko lang at patuloy na sinasabi ang mga preparations for tonight

Pagkatapos ng isang oras na sermon at pagsasabi ay natapos na din kaya umalis na ako dun at dumeretso sa Principal's Office

"Need something?" Narinig ko nanaman ang boses ni Jules na kahit di ko siya lingonin ay nakasandal siya sa may pintoan habang nakacross arms

"What do you want?"

"Wala ako'ng sinabing meron ako'ng hihingin"

"Tss!" Pumikit nalang ako para malaman niyang ayaw ko'ng maisturbo. Kaya lang biglang nagvibrate phone ko kaya naisturbo na talaga ako!

Kinuha ko mula sa bulsa ko yung phone ko at nakita ang name ni Noona kaya binasa ko agad yun

Noona: Yeogiwa

(Yeogiwa = come here)

Napakunot noo ako nang mabasa ang text niya kaya napatayo ako at agad na naglakad papunta sa tambayan, nakalimutan ko na nga si Jules eh. Pagkarating ko sa tambayan, agad ko yung binuksan at nakita agad ang mga problemado nilang mga mukha habang nakaupo sa sofa, except for Noona na naglalaro ng billiards habang nakakunot ang noo sa pagtira

'There's something wrong..'

Alam ko'ng merong nangyari kaya agad ko silang nilapitan. Kompleto kaming lahat dito, even Paul is here. Wala sila Crystal at yung mga friends ni Paul kaya I'm sure this is serious

"What's happening?" Seryoso ko'ng tanong sakanila

"Kate, the Cyphers are back on the road" seryosong sabi ni Paul na kinagulat ko

"The heck? Ano nanaman ang kailangan nila satin?! Di pa ba sapat ang binigay ko sakanila?!" Sigaw ko dahil sa inis

"Kate, calm down" sabi ni Noona habang tumitira parin

"What do they want?" Seryoso ko'ng tanong, nagkatinginan naman silang lahat na kinakunot ng noo ko at lalo na nang sabay-sabay silang tumingin sakin at sinabing..

"YOU"

***

Sino o ano kaya ang Cyphers na tinutukoy nila? Ano kaya ang kailangan nila kay Kate? At ano kaya ang mangyayari at masmangyayari pa? Let's find out next...

***

Author's Note:

Ohhh, nakabawi na ako ahh. Just busy at School ehh at nakatsamba sa cellphone ;) thankyou, babies for waiting. Vote and comment. Mwahh!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon