Ch. 77: Vohn

4 2 0
                                    

Kheena's POV

Nakarating kami agad sa hide out at wala na sila Kiko at yung mga mayayabang na mga higanteng adik sa sahig, kung saan namin sila iniwan kanina pagkatapos ng mayayabang na salita nila tss

"Are you ready?" Tanong ko kay Paul habang nakatingin ng diretso sa main door ng hide out na mukhang di na hide out dahil parang normal nalang ito na bahay pero malaki naman ito at sigurado akong malawak parin sa loob tulad noon.

"Oo naman" sabi niya habang nagwawarm up pa

"Tss" naparolled eyes nalang ako at inunahan na siyang maglakad palapit don. Di ko na kinailangang kumatok at agad na sinipa ang pinto ng ilang beses bago ito bumukas "Tss. Ang cheap ng door" sabi ko pa bago tuloyang binuksan iyon ng malaki at natawa nalang sa nadatnan. Lahat kasi nang nandon ay nakatutok samin ng iba't ibang armas

"Oh, come on! Ilabas niyo na ang mga baril niyo at sigurado akong meron kayo!" Sabi naman ni Paul. Kanina ko lang din napansin sa labanan namin kanina na wala silang baril na ginamit, but I know na meron sila at mukhang nirereserba lang nila iyon

"W-wag kayong lalapit! Marami kami at dalawa lang kayo!" Sigaw nong isa na mukhang kasali din sa kaninang labanan

"Tss. Kahit dalawa lang kami ay di niyo kami matatalo. Do you want to try?" Nginisian ko siya na kinalaki ng mata niya

"Mukhang mga bago" bulong ni Paul, tumango naman ako "Pero mukha lang matanda hehe" biro niya pa kaya napa-iling nalang ako dahil yun ang gesture ko pagmedyo akong natawa—medyo lang

"May gusto lang kaming hanapin" sabi ko at nilibot ang paningin ko "Where's Vohn?" Tanong ko pa pero walang nagsalita "Di ba kayo magsasalita?" Tanong ko pa at mukhang natakot naman sila

'Tss! Ba't pumasa ang mga to sa gang eh mga takotin naman!? May kakaiba talaga akong napapansin tss'

"Huy! Nganga nalang tayo, mga pre!?" Biglang sigaw ni Paul na kinagulat nila

'Tss. May kakaiba talaga eh..'

"W-wala kaming k-kilalang V-vohn" sabi nong isa na kinakunot ng noo naming dalawa ni Paul

"Huh? Bakit?" Tanong sakanila ni Paul

"E-eh sa walang Vohn d-dito eh" sabi naman nong isa

"Nasan sina Kiko?" Tanong ko naman kaya lahat sila ay napatingin sa akin "Di kayo magsasalita!?" Pinatunog ko yung kamao ko, napasinghap naman sila

"U-umalis na k-kanina pa" sabi nong isa na nasa malapit sakin, nangunot naman ang noo ko

"Call him" seryoso kong sabi sakanya, nanlaki naman ang mata niya pero agad din namang gumalaw nang tiningnan ko siya ng mas seryoso. Lumapit siya sa isang telepono at pumindot doon. Binantayan naman siya ni Paul.

Habang naghihintay ay nilibot ko muna ang paningin ko. Malawak parin ang loob kagaya dati, but ang kaibahan lang ay di na magulo at marami na ang mga gamit ngayon. Parang bahay lang talaga siya pero pagtingnan mo ang mga tao dito ay mapapa-isip ka nalang na mukhang bahay to ng masasamang tao at mga adik tss

Napatingin naman ako sa isang malaking pintoan na nasa gitna. Alam ko kung ano ang meron don pero di ko lang alam kung ganon parin iyon. Sa loob kasi non dati ay mga training grounds, illegal things and drugs na sina Kiko ang nagaasikaso, mga illegal gumbling, and many more. Ganito kalawak dito kahit hanggang second floor lang

"Kheena, oh" napatingin ako kay Paul na nilalahad sakin yung telepono. Kinuha ko iyon at agad na nilagay sa taenga ko

[Hello? Sino nanaman ang nandyan!?] sigaw ni Kiko sa kabilang linya

"It's me, Kheena" sabi ko, narinig ko naman ang pagsinghap niya ng hangin na mukhang nagulat

[A-ano nanaman ang kailangan niyo!?] napa-iling nalang ako dahil sa pagtapang-tapangan niya, pero wala akong balak na makipagchismis sakanya at magpaligoy-ligoy

"Where's Vohn?" Narinig ko nanaman ang pagsinghap niya

[B-bakit?] ramdam ko ang iba't ibang emosyon sa boses niya na naghalo-halo

"Just answer mg question!"

[H-hindi ko alam! Matagal na silang hindi nagpaparamdam sa amin!]

"Alam mo ba kung nasan sila?"

[Hindi! Kahit saang lupalop naman sila lumulusot eh!] napapikit nalang ako para magrelax kahit naiinis na ako sa pagsigaw niya! But alam ko ding hindi makakatulong ang inis

"Wala ka bang alam na tinutuloyan nila o pinupuntahan?"

[Ewan! At kung meron man ay hindi ko sasabihin!]

"Aba—" natigilan ako nang biglang binabaan niya ako ng tawag

'Tangna naman oh! Pagmakita talaga kita ay papatayinna talaga kita!'

Agad kong hinahis yung telepono kung saan at kunot noong lumapit kela Paul

"Anong sabi?" Tanong niya pero binaliwala ko lang siya at nilingon yung lalaki kanina na tumawag kay Kiko

"Pagtumawag ulit si Kiko, sabihin mong wag siyang magpakita sakin at papatayin ko siya!" Sigaw ko na nagpatahimik sa paligid "Gaja!" Sigaw ko pa bago tumalikod at lumabas, naramdaman ko naman ang pagsunod ni Paul hanggang sa makasakay na kami sa kotse

"Anong nangyari?" Tanong naman niya

"Binabaan ako eh" sabi ko lang at pinaandar na yung sasakyan "Close mo ba sila Vohn?" Bigla kong tanong pero sa daan parin ako nakatingin

"Yung mayabang na pula ang buhok yang Vohn na yan diba?"

"Tss. Hindi yun mayabang, sadyang nagsasabi lang talaga siya ng totoo tss"

"Pariho lang yun noh! Pero di kami close non, ang yayabang kaya nilang lahat tss!"

"Oo at hindi lang kasi dapat ang isagot mo. Ang dami pang sinasatsat tss"

"Ede wow! Saan naman na tayo pupunta?" Pagchichange topic niya kaya naparolled eye ako ng palihim

"Babalik na sa bahay ni Kate, may kailangan siyang malaman" naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko habang iniisip ang mga kakaiba kong naramdaman kanina

"Correction, mansion! Pero ano yung kailangan niyang malaman? Sigurado ka ba dyan? Pwede mong sabihin sakin at baka may matuklasan tayo pariho. Ako to, si Paul Intal, ang di man kasali sa gang niyo pero ang kaibigan niyong magaling magdugtong-dugtong ng mga nalalaman niyo—wow! Rhymes ba yon? Hahahaha! Galing ko noh—aray!" Sinapak ko kasi siya kahit nakatingin parin ng diretso sa daan

'Ang ingay kasi! Ba't ba kasi siya pa ang pinasama sakin!? Tss!'

"Pwede bang tumahimik ka! Mamaya na yang dugtong-dugtong talent mo!" Inis kong sabi

"Tss! Fine!" Napasulyap naman ako sakanya at binalik din agad ang tingin sa daan

'Nagpout pa ang muntanga tss! Haha—ba't ako natatawa? No way! Serious lang dapat, Kheena!'

Napa-iling nalang ako at nagfocus sa daan, pero aaminin ko ding magaling talaga si Paul sa mga dugtong-dugtongan na yan. Yun lang tss

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon