Ch.33: Why do i care!?

28 4 0
                                    

Briana's POV

"Haystt.. nasan na ba si Kate?" sa tuno palang ni Noona alam kong nagaalala siya sobra kay Steph. 2nd subject na ngayon sa hapon. Lumipas na yung lunch, di pa namin nakikita si Steph pati na din si Christian kaya inaasahan nalang namin na magkasama na sila ngayon

"Isipin nalang natin na baka magkasama na sila ngayon ni Christian" malungkot na sabi ni Kyla

"Oo nga. Alam kong mahahanap ni Christian si Kate" malungkot ding sabi ni Eris

"E-ehh.. g-guysss.." parang di mapakaling sabi ni Alliah

"Oh, ano?" Lahat kami ay nilingon siya

"Mwoga munje ya?" Alalang tanong ni Noona

(Mwoga munje ya? = what's wrong?)

"Eh kasi N-noona.. b-baka kasi ano eh.." nagaalinlanging sabi ni Alliah, kinakabahan siya na ewan

"Ano yun?" Tanong ni Jacky

"P-pano k-k-kung n-nawawala s-silang dalawa o d-di kaya k-kinidnap.." nakayuko sabi ni Alliah

"Ano ba yang sinasabi mo, Liya!?" Naiinis na sabi ni Noona dahil tinawag siya nito sa nickname niya, that means kabahan ka na pag-isang Kheena Medrano ang tawagin ka sa palayaw mo dahil siguradong maiiyak ka sa mga dugong niluluha mo! "Wag kang magsalita ng hindi sigurado!" maawtoridad niyang sabi, bakas ang pagkainis, pagalala at takot sa mukha niya

"N-noona.. m-mianhaee" nagaalalang paumanhin niya kay Noona pero nagulat kaming lahat ng pangiliran si Noona ng luha, nagulat kaming lahat. Hindi kasi masyado palakita ng emosyon si Noona, maslalo ang umiyak o lumuha lamang kaya maslalo kaming nagulat

(Mianhae = sorry)

"N-noona, wag ka ng umiyak. Alam ko namang okay lang sila at ligtas sila. Babalik din yun.." pagpapagaan ko sa loob ni Noona

"O-oo nga, Noona. Wag ka ng umiyak" sabi naman ni Eris kahit bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkataka sa pagiging emosyonal ni Noona, lahat yata kami ay iisa lang ang iniisip. Ang pagkagulat at pagtataka kung bakit ganun na lang ang pagiging emosyonal niya

"Yahh.. don't cry, Noona" sabi naman ni Kyla "omaygawtt.. I'm such an english person hahahaha!" tumawa siya kaya nagtawanan kami dahil sa kakaiba niyang tawa na siya lang nakakagawa "I'm such a good person.." dagdag niya pa at tumawa ulit

"So ngayong happy na tayo. Think positive lang! Group huggggg!!" Sigaw ko kahit may teacher sa unahan, wala kaming pake eh hahaha!

"Oh, anong emo yan? hahaha! ang papangit niyo" nagugulat kaming napahinto sa paggogroup hug ng marinig ang familiar na boses na iyon kaya walang alinlangang nilingon namin siya

"K-kate!?" di namin maisatinig kung magugulat ba talaga kami, sasaya ba, magagalit ba o ano basta agad nalang namin siyang sinunggaban ng yakap na agad kinakunot ng noo niya

"Ang O-OA niyo, alam niyo ba yun?" mataray niyang sabi pero wala yun samin!

"Omooo! Is this true na ba talaga? Suntukin niyo nga ako kung toto—Aray! Ang sakit naman!" Binatukan nga namin si Kyla pero ang masmalakas ay kay Steph kaya natawa kami sa reaksyon niya

"Atleast, nalaman mong totoo tss!" Taray ni Steph

"Mabuti di ka nakidnap" sabi naman ni Alliah na kinataas ng kilay ni Steph

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon