Ch.11: He knows

39 10 0
                                    

Christian's POV

'Yey! Katabi ko yung may may-ari 'DAW' ng school na to. Tss! kaya ba natatakot sila sakanya dahil may-ari siya ng school na to? tss! Eh ano naman kung siya ang may-ari ng school na to? may iba pa bang rason? tss!'

"Hi" sabi ko pero parang hindi niya narinig at kinuha nalang ang phone niya at nagear phone nalang

'Anong problema neto?! nagkaklase tapos nakaearphone? tss!'

Tinitigan ko lang siya.. Este tinitingnan ng biglang lingunin niya ako at tinanggal ang earphone sa tenga niya at tinaasan ako ng kilay

"What!?" Mataray niyang sabi

'Kahit kaylangan ang taray niya, tss! ang cute niya pa naman'

"Bakit ang taray mo?" Tinaasan niya ulit ako ng kilay

"So!?"

'Grabe! nakakatakot talaga siya!'

"U-uh.." Di tuloy ako makapagsalita tss! Umiwas na lang ako ng tingin at hinintay ang oras ng recess

Nakita ko naman siyang tumayo kaagad at umalis. Sinundan ko naman siya ng palihim hanggang sa makarating sa canteen. Huminto siya sa malaking table

'Parang private yun ah. Yun lang kasi ang nasa kakaibang area at design. Baka sa mga teacher yun ah! bakit kaya siya pupunta dun? eh mukhang bawal yata dun ang mga students eh!'

Lalapitan ko na sana siya nang biglang may humablot sakin

"Sshh" sabi nung lalaki. Kinunotan ko naman siya ng noo

"What do you think your doing?" nagtataka kong tanong

"Ikaw dapat ang tanongin ko, bakit mo siya sinusundan?" Tanong niya

"Bakit, bawal ba?"

"Oo"

"Eh andoon siya sa private yata na table eh, baka ano pang gawin nun"

"Oh.. I get it.. newbie ka, right?"

"Yes"

"Kaya pala di mo pa siya kilala"

"Kilala ko na kaya siya. Ano naman kung siya ang may-ari ng School na to? pake ko kung lola niya ang Principal" tinaasan ko siya ng kilay pero tumawa lang siya na kinataka ko

"Pft! Kulang pa yang nalalaman mo hahaha!" tumawa siya, kunot noo naman akong tumingin sa kanya

"Eh bakit ba?"

"Gusto mong malaman?" tanong niya, nakangisi pa

"Oo"

"Oo, Lola niya yung Principal. Oo, siya yung may may-ari sa School na to pero napapansin mo namang ang daming takot sakanya, diba?" Kahit gusto kong magsalita ay shut up na lang ako at pinakinggan siya ng mabuti "Siya kasi yung number one bully dito. Oo, babae lang siya pero pagmagalit siya.. Bahala na kayong tumago. Siya ang leader ng mga gangsters. Di lang dito sa School natin siya kilala at ang grupo niya, duon pa sa ibang Schools. Sikat na sikat sila especially siya and of course, private table talaga yan para sa grupo nila yang table na yan, diyan sila umuupo. Wala pang nakakaupo diyan maliban sa kanila but kahapon may nakasama sila, si Paul at mga kaibigan nito kahapon, kaya lang nagkagalitan yung dalawa"

Napanganga ako sa kwento niya

'Kaya pala takot sila sakanya. Kaya pala maraming nagbubulungan nung hinihila ko siya papuntang Principal's Office. Shit! Lagot ako nito!'

Napalunok nalang ako at humarap ulit sakanya. Mukhang di nagsink in sakin ang iba niyang sinabi

"Any questions?" tanong niya

"U-uhm.. w-wala" utal kong sabi

Tumalikod na siya sakin pero bigla akong may naalala. Nakalimutan ko pa lang itanong ang pangalan niya, kaya tumakbo ako palapit sakanya

"Wait!" Sigaw ko, lumingon naman siya at ngumiti sakin na may tanong

"Oh? May kaylangan ka pa bang malaman?"

"Oo"

"Ano yun?"

"A-ano palang p-pangalan mo?" Nahihiya kong sabi

"Ah yun lang pala.. I'm Kristoffer Guetterez.. And you are..?"

"I'm Christian Lee" nagshake hands kami. Aalis na sana siya nang biglang lumingon ulit siya sakin

"Also.. We're at the same room" nagwink siya na kinagulat ko

'Yahh! Is he a gay? tss! So classmate pala kami? Wow ah, what a coincidence hahaha joke!'

Napalingon ako sa likod ko at diretso tumama sa private table ng grupo ni Steph. Marami na din sila ngayon at mukhang familiar..

Pinabayaan ko nalang yun at pumunta nalang sa room, baka may binabalak na yun sakin eh. Mahirap na, baka i torture niya pa ako tss!

Pagkapasok ko sa room lahat sila ay nakatingin sakin, Akala ko pa naman na ako pa lang ang nandito kasi syempre, recess eh. Maraming gutom!

Umupo na lang kaagad ako sa upuan ko at inadjust yung layo ng upuan namin ni Steph at natulog

'Gusto kong makalimot! kahit sandali langgg!'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon