Ch. 79: Plan

10 3 0
                                    

Kheena's POV

Nakinig lang kami sa plano ni Kate. Aaminin kong may kaba akong nararamdaman para sa laban na to. Matagal na kaming tumigil sa pakikipaglaban at mukhang mapapasabak pa kami ng gyera sa labanang ito. Aaminin ko ding hindi ito madali dahil may kulang talaga sa mga nalalaman namin. May kulang na hindi ko masabi tulad nang kay Paul

"Kate, may sasabihin din pala ako" sabi ko, napatingin naman silang lahat sakin

"What is it?" Tanong naman niya

"Nong nasa hide out kami kanina ni Paul para hanapin sila Vohn ay may kakaiba akong napansin. First, yung about sa mga gangsters. Bakit nila pinapasali ang mga ganong klaseng tao na mahihina?" Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang pagtataka sa mga mukha nila

"Well, napansin ko yun. But baka may iba silang rason—" agad kong siningitan si Bri at nagsalita

"Olh-eun!" Sabi ko na nagpakunot lalo ng mga noo nila "They have another reason, at alam niyo ba kung ano yun?" Tanong ko, napa what-look naman sila

(Olh-eun = correct)

"Para paghandaan" napatingin kaming lahat kay Paul "They want to test us at para makapaghanda sila sa gagawin natin. Myembro parin sila ng gang na sinalihan niyo at alam kong alam nila ang takbo ng isip niyo na susugod kayo agad sakanila. Alam ko ding plano nila iyon para makita ang kaya niyo pang gawin at ang mga galawan niyo" lahat kami ay nakuha naman ang ibig niyang sabihin kaya napatango kami

"Lahat ng ginawa nila kanina ay on act lang" sabi naman ni Kate kaya lahat kami ay napatingin sakanya "They weren't weak. Sadyang kailangan lang nilang magpanggap para libangin tayo. If I know, sigurado akong lumakas sila lalo na't may mga natuklasan din silang ibang armas"

"You're right. Ang pangalawa ko namng napansin ay yung sa loob" sabi ko naman, lahat sila ay nagtaka sa sinabi ko "Marami ngang nagbago. Luminis at dumami ang mga gamit. But alam niyo ba talaga kung anong napansin ko?" Napakunot naman ang noo nila at napa what-look "It was clean. I know na it's normal, but for them ay hindi. As you can see, ayaw na ayaw nila Kiko nang malinis, kaya nong pinalinis natin yung ibang myembro ay nagalit siya at nakipagbugbogan diba?" Tumango naman sila "And I think that something is really going on with them. Parang may kulang talaga—"

"Their new leader" biglang singit ni Kate, lahat naman kami ay napalingon sakanya nang may pagtataka at pagkagulat

"What do you mean?" Tanong ni Eris

"Eh si Kiko na diba yung leader nila?" Tanong naman ni Jacky

"Yun ang ipinapakita nila" sabi ni Kate "Pero kung si Kiko talaga ang leader, eh pano sila nakakakuha ng malaking pera para sa pagpa-ayos ng bahay at paggawa o pagbili ng mga armas? They can't even afford a slice of pizza tapos magiging ganon yung bahay at magkakaroon sila ng mga ganong armas? Do you get my point?" Lahat kami ay napatango sa sinabi niya

"You're right. But the question is, sino?" Tanong ko, lahat sila ang napatingin sakin

"How about Vohn? What if nagsisinungaling din lang pala sila na hindi nila siya kilala at yung iba?" Kay Briana naman kami napatingin

"I don't know, mukhang hindi naman talaga nila kilala sila Vohn" sabi ni Paul

"But hindi din malayo na nagsisinungaling lang sila diba?" Napalingon naman kami kay Alliah

"She's right" sabi ni Kate at tumayo, napatingin naman kami sakanya "Gather all informations about Vohn and the others. Isali niyo nalang din sila Kiko at baka may mahanap kayo at mapansin kung sino ang bagong leader nila. We can't trust anybody kaya dapat tayo mismo ang maghahanap ng sagot. I think their new boss have a high position" sabi niya pa bago naglakad pa-alis, pero bago tuloyang maka-alis ay pinigilan ko agad siya

"May isa pa akong napansin kanina" sabi ko habang nakatingin sa likod ni Kate, natigilan naman siya at napa harap sakin nang may pagtataka

"Mwo?"

"Parang may kakaiba akong naramdaman don sa pintoan kung saan tayo nagtetraining dati. Diba yung door na nasa gitna, yung malawak ang loob, still remember?"

"Why should I forget about it? Maraming illegal sa loob na yon at hindi lang training ground" kunot noo niyang sabi

"I think we need to see what it looks like. Hindi malabong nagbago din yun. Kailangan nating malaman kung ano ang nandoon"

"Okay then" sabi niya "But kailangan nating hatiin ang grupo" sagdag niya pa habang isa-isa kaming tiningnan "You will come with me, Alliah and Noona. Tayo ang pupunta sa hide out" tumango naman kami ni Liya "Eris and Paul, kayo sa informations" tumango naman yung dalawa "Briana, Kyla, and Jacky, kayo ang magbabantay dito" Tumango naman yung tatlo "Sige, matulog na kayo agad at bukas na natin yun simulan. Remember the plan, arasseo? At kung maari ay kailangan nating mahanap sila Vohn" dagdag niya pa

"Nae!" Sigaw naman namin at tumango pa, tumalikod na ulit si Kate at naglakad na pataas

"Buti naman at iba na ang kasama ko. Ang boring kasama ng isa dyan eh" pagpaparinig ni Paul, palihim naman akong naparolled eye

"Why?" Tanong sakanya ni Eris "Noona is way cooler than me kaya"

"Tss. Don't say that, kaya lumalaki ang ulo ng isa dyan eh" pagpaparinig nanaman niya

"Let's sleep na, guys. Marami pa tayong aasikasohin bukas" pagbabaliwala ko sa pagpaparinig ni Paul at naglakad na paalis, naramdaman ko naman ang pagsunod nila

"Saan pala kayo matutulog? Don din ba ako?" Lahat kami ay napalingon kay Paul nang sabihin niya yun "What? I'm just asking" sabi niya

"Dyan ka matutulog sa couch" sabi ko naman, nanlaki naman bigla ang mata niya

"What!? Ang dami kaya ng guest room dito!" Angal niya pa

"Well, walang bakante eh. Tig isa-isa kasi kami ng guest room kaya wala kang magagawa" pagsisinungaling ko

"Ano!? Unfair—" di ko na siya pinatapos sa pagaangal at naglakad na pataas

'Bahala ka sa buhay mo tss'

"Ba't ka nagsinungaling?" Natatawang bulong ni Kyla sakin

"Pabayaan mo siya. Mayabang na nga, pangit pa tss" tumawa naman sila pero tumigil na din nang makapasok kami sa isa sa mga guest room at nadatnan sila Crys na natutulog—correction, nagtutulog-tulogan

"Tss. Get up. Alam kong di pa kayo tulog" sabi ko bago niyugyog yung double deck kung saan nakahiga si Crys at Alex, at sinipa ko naman yung isa pang double deck kung saan nakahiga si Chris

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon