Ch.34: Cute Boy

24 4 0
                                    

Steph's POV

Nakarating na kami sa Hotel pero ni isa samin ay walang nagsalita hanggang sa bumaba kami ng kotse at naglakad papunta sa kwarto ni Kyla. Hindi ako sanay na hindi kami nagkikibuan

"Kyla magpahinga ka muna ahh" sabi ni Noona

"Gusto mo bang dito muna kami? Babantayan ka namin" nagaalalang tanong ni Alliah

"Hindi.. o-okay lang ako" sagot ni Kyla

"Oh sige. Tawagan mo nalang kami kung may kailangan ka, ha?" sabi ni Noona, nagnod lang si Kyla

"Sige, bye. Pahinga ka muna" sabi ko at umalis na kami. Pumunta na silang lahat sa mga kwarto nila maliban sakin dahil doon ako ngayon magiistay sa bahay ko

Malapit na'ko sa Parking Lot ng Hotel ng biglang may tumawag sakin

"Kate!" Napahinto ako at nilingon siya

"Oh, may nangyari ba Noona?" nagaalala kong tanong

"Ah.. wala naman"

"Eh, anong kailangan mo?"

"Ah.. wala naman" nangunot ang noo ko dahil sa ganitong pananalita ni Noona ay alam kong may gusto siyang sabihin pero binaliwala ko nalang

"Ah, sige Noona. Aalis na muna ako, may aasikasuhin pa kasi ako sa Bah—" naputol yung sasabihin ko

"Kailangan nating magusap"

'sabi na nga ba..'

"Bakit?"

"Kasi naguguluhan na ako" nangunot ang noo ko

"Sa ano?"

"Parang nagbago ka na" nagulat ako

"A-ano? Di kita gets, Noona"

"Parang hindi ikaw yung Kate na nakilala ko eh" nagtaka ako

"Eh sino ba si Kate na nakilala mo?"

'Ako pa kaya to. Bakit? Namatay ba'ko? Eh hindi naman ako naaksedente ahh tss!'

Biglang may luhang lumabas galing sa mga mata ni Noona na maslalong ikinataka ko pero may halong pagaalala

"Noona.. why are you crying?" Lalapitan ko na sana siya kaso pinigilan niya ako

"No. Wag kang lalapit" sa lahat ng ayaw ko ay yung umiiyak ang mga kaibigan ko, especially si Noona dahil hindi siya palaiyak kaya maslalo akong nagtaka dahil ako ang nagpaiyak sakanya

"Noona.." gusto ko siyang lapitan pero pinipigilan niya ako "What's wrong? May ginawa ba akong masama?"

"Hindi ko alam.. parang bumabalik nanaman yung Kate na 9 years ago. Yung inuuna yung mahal niya kesa sa mga kaibigan niya" Di ko maintindihan ang mga sinasabi ni Noona, napaluha nalang ako

"A-anong ibig m-mong sabihin?"

"Alam kong may iba kang pinuntahan kanina at di mo kami inuna. Noon pa ako natatakot na magkaroon ka ng boyfriend, Kate. Kaya ayaw kong may magustuan kang lalaki dahil masinuuna mo sila kesa sa amin. Alam mo ba yung feeling na yung bestfriend mo ay maspinapriority yung boyfriend niya o yung taong mahal niya kesa sa amin!? Alam mo yung feeling na yun ha!? Hindi diba! Hindi!" napapaiyak nalang ako sa mga sinabi niya

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon