Ch.20: Walkout

27 7 1
                                    

Christian's POV

'Ano ba yan! ang aga-aga kong nagising! Bakit kaya? Baka dahil kahapon? What the! Hindi noh! joke nga lang yun! fake lang yun, sabi pa ni madam tss!'

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay wala na akong maintindihan dahil pati sa pagkilos ko ay nagsasarili na din ang mga kamay ko tss! Bumaba na lang ako at saktong nagluluto na pala si Yaya

"Good morning, sir"

"Good morning, Yaya" nginitian ko siya at umupo sa table

"Malapit nang matapos to" sabi niya pa kaya ilang minuto pa bago ito natapos at pinagsilbihan ako. Agad ko namang kinuha at kinain ng mabilis ang mga ito

'Tss! ano bang nangyayari sakin at mukha akong nagmamadali!?'

Nong natapos na akong kumain ay nagmadali akong magtoothbrush na kinagulat ko din dahil sa pagsasarili ng katawan ko

"Oh ijo, bakit ka nagmamadali?" tanong ni Yaya, napansin din pala niya

"Di ko din nga alam kung anong nangyayari sakin eh" tumalikod ako sakanya at kinuha kaagad ang mga gamit ko at nagpaalam bago umalis

Pagdating ko sa School ay 6:21 am pa lang kaya nagulat ako. Maaga ba talaga akong pumasok o sadyang sira lang ang relo ko tss!

Dumeretso ako sa Room at agad na umupo sa upuan at nilapag ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nilibot ko ang paningin ko hanggang sa mamataan ko si Kristoffer

"Wow! Ang aga mo naman, bro" sabi ni Kristoffer

"Good morning, Kristoffer"

"Haha! Kristoff na lang" sabi niya

"Ah.. by the way, ang aga mo palang pumasok, inspired noh?" asar ko

"Hahaha! palagi lang talaga akong maaga pumapasok, kayo tong mga late kung pumasok eh hahaha!" biro niya sabay tawa kaya tumawa na din ako

"Loko! Eh bakit di kita nakikita?" Di ko kasi talaga siya nakikita o napapansin pag nagkaklase eh

"Basta" sabi niya

"Wag mong sabihing.. multo ka?" biro ko at tumawa kami

"Gago! ang gwapo kong multo hahaha!" nagtawanan kami pero bigla ding natapos ng magpaalam akong babalik na sa upuan ko dahil nakaramdam ako ng antok kaya umidlip muna ako..

"Huy, gumising ka nga diyan!"

'Aray! Ang tinlis naman ng boses nun ah! Sino bang may karapatang pumasok sa kwarto ko!? Nakakaistorbo tss!'

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat ng makita si Steph

"S-steph?" sabi ko at umayos ng upo at tiningnan kung nasaan ako at dun ko lang naalala na nasa School na pala ako, nasa Room na for exact

Napahinga naman ako ng maluwag at wala pang masyadong estudyante at di pa nagkaklase hayst! nakalimutan ko kasing nandito na ako sa room kanina kaya napasarap tulog ko tss!

"Oh, bakit ka natutulog diyan ha!?"

'Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito eh'

"Bakit ba!" Umiwas ako ng tingin sakanya at sumandal ulit sa mesa

"Yahh!! Don't you dare yell at me!"

'Wow pag ako sumigaw bawal, pero pag siya pwede? Ang saya!'

"Tss! Whatever!" Tinarayan ko siya. Gusto kong matakot tulad ng dati kong nararamdaman simula nong nakilala ko siya dahil sa kwento ni Kristoff pero bakit ngayon ay di ko na maramdaman?

"What did you say!?" Umuusok na siyaaa! gusto kong magtago at tumakbo pero ayaw ng katawan ko dahil ang gusto nito ay asarin lang siya at pagtawanan

'What happened to me?!'

"Sige ka! Di na kita tutulungan!" Di ko alam kung saan galing yung sinabi kong yun pero bigla nalang lumabas sa bibig ko. Bigla tuloy siyang nanahimik

"Tsk! Whatever!" Nagearphone na lang siya

~LUNCH~

Pumunta ako sa tambayan nila Steph para asarin siya, hindi ko alam kung pano nangyaring naging komportable akong asarin siya kahit dati rati ay natakot ako sa kanya pero ito talagang katawan ko eh! nakakapanibago! sinaniban ba ako?

"Hi, Steph!" Tawag ko sakanya, bigla naman siyang lumingon at tinaasan ako ng kilay

"What the hell are you doing here!?" mataray niyang sabi habang nakacross arms

"Hey! What did I tell you!" banta ko kaya bigla siyang nagtaka at mastinaasan ako ng kilay

'Ang taray talaga nitong amazona na to ah'

"What do you mean?" nakakunot noo niyang tanong

"Do you want them to know about yesterday?" Tinaasan ko din siya ng kilay, nangaasar

"Don't you dare!" Ayun galit na siya pero nagtaka ako dahil di na ako natatakot kahit nagagalit siya dahil natatawa na ako ngayon wahahaha!

"Uy, ano yun?" Narinig kong tanong nung kaibigan ni Steph sakanya

"Share naman diyan?" Sabi naman nung matangkad

"Ayiieee sumesecreto pa sila ah~" asar naman nung babaeng nasa tabi ni Steph

"Uy silaa~" asar naman nung babae

"Huy ano yan ha?" tanong ni Crystal

Si Crystal lang kilala ko ah, yung iba classmate namin, at ang iba di ko na kilala hehehe!

"SHUT UP!" Ayun tuloy nagkatinginan lahat ng estudyante samin at nagbulungan dahil sa sigaw ni Steph

"Sorry.." sabi ko nalang at nakitang napayuko ang lahat kaya yumuko na lang din ako. Naramdaman ko na lang ang biglang pag-alis ni Steph, nagwalkout yata..

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon