Ch. 90: Uncontrollable Emotions

7 2 0
                                    

Christian's POV

It's already passed midnight at wala pa sila Steph. Nasa sala parin kaming lahat kaso mga tulog na ang kasama ko at kanya-kanya pwesto sa sofa dahil malaki naman at mahaba yon kaya kasya sila, nakaupo naman ako sa floor at nakatingin lang sa pinto. Kahit ang isip ko ay sinisigaw ang antok ko ay masmalakas parin ang pagtutol ng puso ko at hintayin lang si Queen Panda

'Nasan na ba kayo? Ba't ang tagal niyo? Di pa ba kayo uuwi? I already  miss you, Steph. Hindi mo man lang ba iniisip na nag-aalala ako sayo at hinihintay kita ngayon? Well.. i know that you don't know at alam ko ding hindi mo ako iniisip ngayon. Pero sana, okay ka lang—kayong tatlo at sana umuwi na kayo'

Napabuntong hininga ako at napayuko habang ang dalawang kamay ko na magkahawak ay nakapatong sa magkabilaang tuhod ko

'Papa God, please guide them and help them to be safe. I'm sorry for asking You a favor kahit alam kong You're busy with other people's problem at kahit alam kong You're busy helping other people na mas dangerous pa ang buhay ngayon ay I hope na mapagbigyan Mo ang favor ko. I'm sorry for being rude and asking this favor, pero ngayon nalang po ako nagpray ng ganito at aaminin kong hindi na po ako nakakapray. Promise po na magpepray na ako always'

Napabuntong hininga nanaman ako ng paulit-ulit hanggang sa biglang may humawak sa balikat ko na kinaangat ng ulo ko dahil sa gulat

"Ang lalim ng iniisip mo, hindi mo napansin na katabi mo ako" sabi niya

"Kahit naman hindi malalim ang iniisip ko ay sure akong hindi parin kita mapapansin" sabi ko naman at nagtaka ako nang biglang magbago ang itsura niya at ngumiti siya ng napakapait bago lumingon sa ibang direksyon

'May sinabi ba akong mali?'

"Ganon ba?" Sabi niya na ganon parin ang istura at pagkangiti niyang parang nasaktan at nainsulto habang tumatango-tango pa

"O-okay ka lang?" Di ko napigilang magtanong at mag-alala sakanya. Ang weird nga ng puso ko dahil parang nalungkot ito at nasaktan din nang makita ang mapait niyang ngiti

'Ano nanaman ang nangyari sakin?'

Natigilan ako nang humarap siya sakin at tingnan niya ako sa mga mata ko. Nabasa ko ang lungkot, sakit, pag-alala, at confusion

"Briana? Okay ka lang ba talaga?" Hindi ko alam pero kung ano ang nabasa ko sa mga mata niya ay ganon din ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya

"Hindi ko din alam" sabi niya at tinitigan ako kaya nilabanan ko ang titig niya hanggang sa magulat ako nang biglang mawala lahat ng emosyon hindi lang sa mga mata niya kundi pati na rin sa mukha niya bago lumingon nanaman sa ibang direksyon

"Bria—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya

"I'm confused" sabi niya na talagang nagpatigil sa akin at tulad niya ay talagang confusion is also what i feel right now "What did you do to me, really?" Sabi pa niya na nagpatigil nanaman sa akin at napatitig sakanya na para bang nagugulohan na talaga "Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin but hindi naman ako ganito sayo noo ah. Wala pa akong nararamdam na  ganito nong una kitang makita ah" pagdidiin niya sa word na 'ganito' habang nakahawak pa sa banda kung nasan ang puso niya nakapwesto, lalo akong nagulat at nagtaka

"A-anong ibig mong s-sabihin?" Nagugulohan ko paring tanong, lumingon siya naman sakin at ayon nanaman yung apat na emosyon na nakita ko kanina sa mga mata niya kaya di ko alam kung bakit naging ganon nanaman ang nararamdaman ko

"Do I like you?" Tanong niya na para bang nagugulohan at nagtataka sa sarili, wala akong sinabi dahil wala akong masabi "Ha! Gusto ba talaga kita? Kung hindi, eh ano tong nararamdaman ko tuwing nakikita ka? Ano tong sakit at lungkot tuwing nakikita kitang nasasaktan, nalulungkot, at nahihirapan? Ano tong sakit at lungkot tuwing nakikita kitang nakangiti at nakatingin kay Kate? Ano to, Chris?" Kita ko ang lungkot at pagtataka sa mata niya at ganon din ako

"Bri.. h-hindi ko alam" napaiwas ako ng tingin bago bumuntong hininga dahil ewan ko ba kung ano nanaman ang nangyayari sa puso ko kung bakit nasasaktan ako na makita siyang ganito. Para bang kilala siya ng puso ko pero sa di malamang paraan

"I think hindi lang kita gusto" maya-maya sabi niya na nagpatigil nanaman sa akin "But.. never mind" sabi niya bago tumayo at dire-diretso paakyat

Naiwan akong tulala at nakamaang hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako

"Chris.."

"Christian.."

"Hoy, Christian Lee!"

Dahil sa gulat ay napaangat ako ng ulo ko at may natamaang matigas na o kung bagay ba iyon kaya napahawak ako sa ulo ko

"Aray! Gago ka talagang ugok ka!" Automatic na napaangat ako ng tingin nang makilala ang boses na yon

"Steph!" Masaya kong sabi at agad na hinila siya payakap sa akin na mukhang kinagulat niya dahil naging stiff ang katawan niya. Pero wa pakels muna ako dahil I will seize this moment that I'm hugging my Queen.. Panda

"A-ano ba!? Ano ba!? Nababaliw ka na ba!?" Maya-maya ay sigaw niya at walang hirap na kumawala sa yakap ko pero kahit ganon ay hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko lalo na dahil sa nayakap ko siya ng 2 minutes and 17 seconds hehe!

"Kanina ka pa ba dumating? Bakit ngayon mo lang ako ginising? Sana kanina pa dahil di ko namalayang nakatulog pala ako dito sa kahihintay—" naputol ang sasabihin ko

"Mworago!? Kaya ka natulog—I mean nakatulog dito ay dahil sa kahihintay sakin!?" Di makapaniwala niyang sabi, ngumiti lang ako habang tumatango pero ganon nalang ang gulat ko nang bigla niya akong pitilin sa noo nang napakalakas!

"Aray! Para saan naman yon!?" Maktol ko habang nakahawak sa noo kong pinitik niya

"Eh baliw ka talaga! Bakit mo ako hinihtay kung pwede mo naman ako makita paggising mo sa umaga! Gago ka talaga!" Sigaw niya kaya napasimangot ako

"Ikaw na nga tong hinintay tapos ganyan ka pa! At nakita naman kita paggising ko ah! Ano pa ba ang ikinagagalit mo at ikaw na nga tong inaalala ng tao tapos ganyan ka pa kung maka sigaw!" Sigaw ko na din dahil naiinis ako at hindi ba siya na sweetan don? Manhid talaga!

"Bakit mo ako sinisigawan!? Baliw ka ba!? Syempre oo! Gago ka ba!? Syempre oo! Ugok ka ba!? SYEMPRE SUPER DUPER ULTRA MEGA OO TALAGA! NABIBWESIT AKO SAYONG UGOK KAAAA!" Napaatras ako nang tumaas ang volume ng sigaw niya na nagpagising sa mga kaibigan niyang natutulog sa sofa at baka nga ay pati ang mga kapit bahay ay nagising din dahil sa sigaw niya

"H-ha!" Di makapaniwala kong singhal dahil sa mga sinabi niya "Sige! Baliw na ako! Gago na ako! Ugok na ako! ANO PA BA ANG GUSTO MONG I-DESCRIBE SA AKIN!? EDE OKAY! KUNG ANO SABIHIN MO SAKIN AY TATANGGAPIN KO BASTA WAG MO NAMAN IPAGMUKHA SAKIN NA AYAW MO AKONG MAGHINTAY O MAG-ALALA SAYO DAHIL HINDI KO YON KAYANG GAWIN AT NABIBWESIT AKO DAHIL KULANG YUNG SINABI MO AT TINANONG MO AT SINAGOT MO DAHIL KULANG YUNG TANONG NA 'NAG-AALALA KA BA? SUPER ULTRA MEGA KILL NA OO!' BWESIT!" Di ko napigilang mapasigaw nang tulad sa kanya na kinagulat niya at ng lahat, pero binaliwala ko nalang sila at padabog na umakyat "Siya na nga tong inaalala ay siya pa tong ayaw na inaalala eh hindi naman niya yon desisyon eh! At wala naman siyang choice dahil akin yon! Yon ang nararamdaman ko! At yon ang gusto ko at lalong lalo na nang puso't isip ko!" Singhal ko habang padabog na umaakyat at wala akong pake kung marinig man niya—nila ang pinagsasabi ko dahil talagang galit at naiinis ako sakanya! I can't even control my emotions dahil sa inis and yeah.. tampo na din hmpp!!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon