Ch.26: Bonding

23 4 0
                                    

Kheena's POV

'Bakit andito kami sa Mall? tss! okay na to kesa naman sa pumunta kami dun sa pesteng lugar na yun tss!'

Pumasok na kami sa Mall. Si Kate yung nasa unahan namin habang kami naman ay nasa likod niya

"Bakit tayo nandito, Noona?" Bulong sakin ni Eris

"Hindi ko nga din alam eh" bulong ko din

"Kung nagtatanong kayo kung bakit tayo nandito ay dahil magbobonding ulit tayo. Para mabawasan naman ang stress niyo.." nakatalikod parin siya ng sabihin niya yun at naglalakad ng diretso ng bigla siyang huminto kaya napahinto din kami. Nilingon niya naman kami at ngumiti ng malawak "Eh pano naman kasi, ang iingay niyo dun" nakangisi niyang sabi at muling tumalikod at naglakad ulit

"Grabe! nakakaasar siya" nakanguso sabi ni Alliah

"Tss! sinabi mo pa" sabi naman ni Kyla

"Di ko talaga kayo magets" naguguluhan na sabi ni Briana

"Oo nga" ngumuso si Jacky pero binaliwala lang namin sila at muling naglakad hanggang sa huminto kami sa isang boutique. Pumasok dun si Kate kaya pumasok nalang din kami

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Kyla

"Mall namin to, remember? kaya you're free to choose some clothes that you want" sabi ni Kate "Just like before" dagdag niya pa

Naalala ko, dito kami dati bumibili ng mga damit namin o minsan naman ay libre. Mayaman naman kaming lahat eh, may mga sariling business and company din. Meron din kaming sariling Mall pero malayo dito. Si Eris ay nasa America lahat ng business ng parents nila. Kami naman ni Kyla at Alliah ay sa Korea yung mga business ng parents namin pero may lupa naman kami dito at iilang Malls at Hotels pero malayo nga dito. Sila Jacky, Kate at Briana iba't-ibang bansa yung business ng parents nila, especially Kate. Number 1 kasi sa buong mundo yung company nila kaya halos lahat ng lugar ay may business sila dun. Hindi din kaming apat nagaaral dito, dun kaming apat sa Korea dahil dun kami pinaaral ng mga magulang namin, kahit nga si Eris ay pinaaral sa Korea kahit sa America talaga ang base nila. Si Kate naman syempre sa School niya, isa lang sana siya na magaaral dun kaya lang sinabihan namin sila Jacky at Briana na dun nalang magaral para di ulit magrebelde yung mokong na yun hayss..

"Tapos na ba kayo?" Tanong samin ni Kate habang nakasandal sa pader

"Nae!" Sabi nila kaya nilingon ko sila

'Grabe! Ang rami ng kinuha nila tss!'

"Oh, ang rami naman niyan Jacky! mahiya ka naman kay Kate" asar ni Kyla

"Eh libre eh.. minsan na nga lang kami ulit i-libre ni Steph eh" pagdidiin ni Jacky sa 'Steph'

"Bakit? di ba kayo nililibre ni Kate nung wala kami?" tanong ni Alliah

"Oo!" sabay namang sabi ni Jacky at Briana kaya tinarayan sila ni Kate

"Tss!" singhal ni Kate at tumingin sakin "oh Noona, tapos ka na bang mamili?" Tanong niya

"Yeah.." sabi ko

"Okay, iwan niyo na muna dito yang pinamili niyo. Doon naman tayo sa accessories" sabi ni Kate tapos nilingon ang mga sails lady "Huy! bantayan niyo ng mabuti to ah, kung hindi, you'll all be fired!" singhal niya sa mga sails lady na ngayon ay nakayuko na

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon