Ch. 67: Kuya Keith

10 8 0
                                    

Kheena's POV

"Huy, ano ba!?" Sigaw ni Briana habang kinakatok-katok lahat ng door nong iba. Kami lang ni Briana ang nasa labas ng mga kwarto namin at handa ng umalis para bisitahin si Kate

"Wait lang!" Sigaw nilang lahat mula sa kwarto nila

"Bilis na kasi!" Sigaw ulit ni Briana habang tinatadyak-tadyakan naman ngayon yung mga pintoan nila

'Hayss.. Di ko alam kung ako lang ba, pero parang nag-iba si Briana. Palagi na siyang galit na noon naman ay palaging tumatawa lang at walang pake sa paligid, tahimik kahit na noon ay baliwala lang sakanya na pinagtitinginan siya ng mga tao pagmalakas boses niya o tumatawa siya, ako lang ba? O sadyang paranoid lang ako? Tss ewan ko'

"Ano ba yang kinagagalit mo at galit na galit ka na parang gustong manakit tss!" Mataray na sabi ni Jacky

"Oo nga, Bri. Anyare sayo?" Tanong naman ni Eris habang nakatabingi pa yung ulo niya

Tinitigan ko lang si Bri at hinintay ang kanyang sagot sa tanong nong dalawa. Bumuntong hininga muna siya bago pakalmahin ang sarili niya

"Ewan" sabi niya lang at tumalikod na "Hintayin ko nalang kayo sa kotse" sabi niya bago pumasok sa elevator

"Anyare dun?" Napalingon kami sa likod nang marinig yun

"Mukhang may red tide yung kaibigan natin" sabi ni Jacky kay Alliah

"Luh. Bakit?" Tanong naman ni Kyla

"Ang tagal niyo kasi eh" sabi naman ni Eris

"Gaja" sabi ko bago tumalikod at pumasok na sa elevator, sumunod naman agad sila

(Gaja = let's go)

Nang huminto ang elevator ay lumabas na kami at dumeretso sa PL. Nakita agad namin si Bri na nakasandal sa kotse niya

"You'll drive" sabi ni Bri bago ihagis sakin yung susi ng kotse niya kaya sinalo ko agad iyon kahit na gulat sa inasta niya

"Kasya ba tayong lahat dito?" Turo ni Kyla sa kotse ni Bri

"Sumakay nalang kayo, para malaman niyo" parang naiiritang sabi ni Bri bago sumakay sa loob

Nagtinginan muna kaming lima at sabay na nagkibit-balikat bago pumasok sa kotse ni Bri. Kasya naman kami eh

Sinimulan ko ng paandarin ang kotse at pinaharorot ito papunta sa Hospital

Pagkatapos i-park, agad kaming pumasok sa loob at tinanong agad ang kwarto ni Kate na nasa VIP Room daw. Agad kaming pumunta dun at nang mahanap ang tamang kwarto ay pumasok na kami

"Anong nangyayari dito?" Nagtaka kaming lahat nang makita sila Tita, Tito, mga Pulis at—

"KUYA KEITH!?" Sabay-sabay naming sabi, kaya nakuha nila ang atensyon namin

"Long time no see, yaghan" nakangising sabi ni Kuya Keith—Kate's hyung!

(Yaghan = weakling/weak)

"Wae yeogiiss-eo?" Tanong ni Alliah

(Wae yeogiiss-eo? = why are you here?)

Biglang nagseryoso ang mukha ni Kuya Keith—parehong mukha na ginagawa ni Kate pagseryoso siya

'Tss! Magkapatid nga sila'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon