Ch. 76: We're Doom

5 2 0
                                    

Jacky's POV

Walang ginawa ang mga kasama ko kundi ang mag-inarte. Wala kasi kaming dalang kotse o ano mang sasakyan na pwede naming gamitin papunta sa bahay nila Crystal at Ate Christine na magkatabi naman yung bahay, pero yung dalawa ay nag-away pa kung anong sasakyan eh wala nga kaming masasakyan eh!

"Tumigil nga kayo at magtataxi muna tayo papuntang hotel para kunin yung kotse k—ay wag yung baby ko, sayo nalang Kyla"

"Mworago!? Aniyo—" di ko na siya pinatapos sa pag-aangal at tinakpan ang bibig niya

"No buts! Gusto mo bang isumbong kita kay Kate?" Pananakot ko pa, umiling naman siya "Good" nakangisi kong sabi at tinanggal yung kamay ko sa bibig niya

"Taxi!" Sigaw naman ni Eris at pumara-para pa hanggang sa may humintong taxi kaya nagsi-pasok na kami

Nang makarating sa hotel ay nag-away pa kaming tatlo kung sino ang magbabayad pero sa huli ay si Eris kaya habang naglalakad papuntang parking lot ay nakabusangot yung dalawa

"Ako na magdadrive kaya chill lang kayo, okay?" Sabi ko bago sumakay sa driver's seat, nakita ko namang naghilaan pa yung dalawa dahil nag-aagawan sa passenger's seat dito sa tabi ko

'Hayst! Ba't ba kasi tong dalawang to pa ang pinasama sakin ni Kate? Ang i-immature!'

Lumipas ang isang minuto, dalawa, tatlo, apat, lima, anim and a half minutes at ang ending ay nong bubuksan na sana ni Kyla yung pinto dahil mukhang siya yung nanalo ng passenger's seat ay ni-lock ko agad iyon

"Umupo kayong dalawa dito sa likod! Ang tatagal niyong mga bata kayo!" Sigaw ko, nakita ko namang tinawanan ni Eris si Kyla na nakabusangot lang. Pumasok na din naman sila kaya agad kong pinaandar yung kotse papunta sa bahay ni Crystal

Pagdating namin ay dumeretso agad kami ng pasok sa gate at sa main door, walang katok-katok kahit pinagtitinginan kami ng mga maid at tinatawag nong guard. Dumeretso kaming tatlo sa harap ng kwarto ni Crys dahil alam ko naman at minsan kaming tumatambay dito nila Kate

Kumatok lang ako nang kumatok at sumabay pa yung dalawa kaya sure akong maiinis si Crystal hehe

"Ano ba!? Wait lang! Nagmamadali? Nagmamadali?" Sarcastic na sigaw ni Crystal mula sa loob, natawa naman ako. Kumakatok parin kaming tatlo hanggang sa bumukas ito kaya tumigil na kami, nagulat naman si Crys nang makita kami

"Hi, Crystal! Long time no see!" Masayang bati agad ni Eris at bineso pa si Crystal na tunganga parin

"Huy, Crystal! Okay ka lang?" Natatawa kong tanong pero nakatunganga parin siya

"Akong bahala sakanya" singit naman ni Kyla at tinulak ako para maging kaharap niya si Crys

TOINKK!

Nanlaki ang mata namin ni Eris nang pitikin ni Kyla ang noo ni Crystal nang malakas!

"O-ouch! What happened?" Tanong naman ni Crys habang nakahawak sa noo niya

"See? Piece of cake!" Sabi naman ni Kyla

"Don't do that again, Ky!" Saway sakanya ni Eris

"Oo nga, sinaktan mo si baby cheeks!" Sabi ko naman at pinitik yung noo niya

"Aray!" Singhal niya

"Para quits na kayo!" Sabi ko at tinarayan siya

"Ba't kayo nandito? It's about Steph ba? Anong nangyari sakanya? Bigla kayong nawala kanina eh—oh my gosh! Yung school, ano na pala ang nangyari? Where is Steph? Is she okay? Don't tell me—oh no! What happened to her!? Is she o—" tatlo kaming sabay na pinitik siya sa noo "Ouch! What was that for?"

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon