Ch.91: Physically Ill

6 1 0
                                    

Steph's POV

Napamaang ako at di makapaniwalang sinundan ng tingin ang nagdadabog na si Christian. Di din ako makapaniwala sa pinagsasabi niya at kanina ko pa pinipigilan ang sarili na hawakan ang chest ko kung nasan ang puso ko na kung tumibok ay parang may nagkakarera sa loob o di kaya ay kasama sa nagkakarera doon ay ang mga kabayo, cheetah, at si Flash!

'Bwesit na puso! Ano bang nangyayari sa akin!?'

Nang makita ko ang natutulog na si Christian kanina pagbukas na pagbukas ko palang nang pinto ay nagulat na ako at don nagsimula ang pagkabog ng puso ko. Habang nakatitig sa natutulog niyang mukha ay pinipigilan kong mapangiti dahil kahit papano ay aaminin kong namiss ko siya at nabibwesit ako dahil don! I also assumed that he fell asleep while waiting for us—for me, but still, I'm not 100% sure and l hate assuming when it comes to Christian dahil parang natatanga ako na basahin ang iniisip at kinikilos niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siyang mapangiti ng makita ako at lalo-lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang yakapin niya ako at nabibwesit ako dahil aaminin kong nagustohan ko yon, bwesit talaga! At nong sabihin niyang naghintay siya sakin kaso nakatulog siya, at nong sigawan niya ako at sabihin niyang inaalala lang niya ako ay talagang sumali na si Flash sa karera ng mga kabayo at cheetah sa puso ko! Hindi na yon tumigil hanggang sa padabog siyang umakyat habang nagsasalita ng kung ano-ano tungkol sa akin na pinilit ko pang hindi mapangiti dahil sa inasta niyang kakyutan at kahit gusto ko man siyang sundan ay parang na mighty ban ang paa ko at hindi ako makahakbang kahit iangat man lang ang paa ay di ko magawa at nabibwesit nanaman ako dahil don!

"Kate?" Nataohan ako nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko

"O-oh?" Nakamaang ko paring sabi habang nakatingin parin sa inakyatan ni Chris

"Kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka naman nagsasalita, okay ka lang ba?" Tanong pa ni Noona, tumango nalang ako "Are you sure?" Tanong niya pa, tumango lang ulit ako

"Parang hindi naman" sabi naman ni Alex pero hindi ko parin siya nilingon "Hindi ka man lang ba na touched sa sinabi ni Christian?" Tanong niya pa at automatic na gumalaw ang katawan ko at nilingon siya at naabotan kong siniko siya ni Crystal na katabi niya pero parang wala siyang naramdaman at ngumisi lang sa akin "Di mo ba siya susundan? O kung gusto mo ay ako nalang" painosente niyang sabi na kinakunot ng noo ko

"Alex, tumahimik ka nga" saway sa kanya ni Crystal pero binaliwala lang nito at nilabanan ang titig ko

"I think it's better if we should all get back to sleep and think of this scene as a dream" sabi bigla ni Eris pero hindi parin ako umiwas sa titig ni Alex

'Is she threatening me?'

Lalo akong napakunot noo dahil sa naisip at lalong naging determinado na titigan si Alex na ilang minuto ay napaiwas na ng tingin at natatawang itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko

"Fine, fine, I surrender" natatawa niyang sabi pero hindi yon nagpabago sa mukha niyang nakakunot parin ang noo

"Let's get back to sleep at mamaya nalang natin pag-usapan ang mga dapat pag-usapan" sabi naman ni Paul habang naguunat ng kamay at nagyayawn pa

"Oo nga, mamaya nalang at alas tres palang" sabi naman ni Kyla na kinukusot ang mga mata

"Matulog na din kayong tatlo at siguradong pagod na kayo" sabi naman ni Jacky habang isa-isa kaming tiningnan nila Noona at Alliah

"You should sleep in your room na din at malamig dito sa baba" sabi naman sakanila ni Noona, tumango naman silang lahat bago sabay-sabay na umakyat

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon