Steph's POV
7 na ng umaga kaya naligo na ako para makapaghanda mamaya sa mass.. doon din kasi kami magkikita ni ate Christine ehh..
Kinuha ko yung string bag ko at nilagay dun yung wallet ko, phone ko at etc.
Umalis na ako sa kwarto at kumatok sa mga kwarto nila pero kahit isa sa kanila ay walang sumagot, natutulog pa yata sila kaya bumalik muna ako sa kwarto at nagsulat sa isang sticky note at nilagay dun sa pinto ko
Going to church <3
Yung nakalagay dun wahahaha!
Tiningnan ko muna yung relo ko 8:15 am na pala kaya pumunta na ako kaagad sa PL at sumakay sa car ko, tinext ko muna si ate Christine before ko paandarin yung car
Me: Otw na me. Wer na u?
Pagkatapos ko isend yun ay pinaandar ko na yung car..
15 minutes later...
Malapit na ako sa Simbahan kaya naghanap muna ako ng mapaparadahan ng sasakyan.. pagkatapos ko i-park yung car, kinuha ko muna phone ko at tiningnan kung may text siya, hindi naman ako nagkamali
Christinemybebss: Wait mo'ko sa labas, malapit na ako
Lumabas na ako ng car at nilock muna yun at pumunta na sa labas ng Church. Marami-rami na din yung tao kasi 8:31 na, 9 am kasi yung mass ehh..
Naghintay na ako sa labas ng Church.. marami din akong nakita na mga kakilala ko at mga classmates pero binaliwala ko lang sila. Nagtataka na yata yung mga yun dahil isang demonyita ay nagsisimba tss!
Ilang minuto pa ay may taxi na huminto sa harapan ko, pinagmasdan ko lang yung babaeng pababa ng taxi—
'Ate Christine koooo!'
Napangiti ako habang tinitingnan siya na nagbabayad dun sa driver hanggang sa humarap na siya saken habang nakangiti!
'Grabe, ang ganda talaga niya!'
Tinitigan ko siya ng matagal pero ng marealize ko na hindi lang pala si ate Christine ang punterya ko dito kundi ang Diyos din at magsimba ay umiwas na ako
Inaya ko na siya papasok sa loob at naghanap ng upuan, kahit ilang minuto nalang at 9 na ay may mga vacant seats pa naman
'Grabe, naghihinayang talaga ako pagnakikitang may mga space pa ang mga seats dahil syempre.. sa unang panahon ay sobrang rami ng nagsisimba na halos mapuno at sa labas na ng simbahan ang iba para lang makapagpasalamat at humingi ng tawad sa Diyos, pero ngayon.. ewan ko na! Kahit ganito ako kasama, may pananampalataya parin ako sa Diyos'
Nagsimula na yung mass kaya ginawa ko ang lahat na makakaya ko para makinig, baka kasi di ko mamalayang nakatingin na pala ako kay ate Christine at naglalaway na tss..
Hanggang sa nag ama namin na kaya nahawakan ko yung malalambot niyang kamayyy! pinilit ko ngang di iparamdam sakanya ang kilig ko at yung nervousness ko tss! napapawisan na nga ako at alam ko'ng pula na yung face ko ngayon sa pagpipigil
Natapos na yun kaya binitawan ko agad siya kasi nahihiya ako
"Anyare sayo, Kate?" Tanong niya
"W-wala" napaiwas nalang ako at nagnod naman siya
Nakinig nalang ulit kami hanggang sa matapos ang mass kaya naglakad na kami papunta sa kotse ko
"So.. where we goin' na?" Tanong ko
"Ikaw bahala" sabi niya
"Ikaw na"
![](https://img.wattpad.com/cover/132812128-288-k612024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Teen FictionEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...