Ch.31: Feelings 1

32 4 0
                                    

Steph's POV

Nabored ako sa kakakinig kaya inikot-ikot ko ang paningin ko hanggang sa napahinto ito sa dalawang tao na naguusap..

Si Crystal at Christian..

Nakita ko silang magkausap at lumipat pa talaga si Christian para makatabi si Crystal. Biglang may kumirot sa puso ko nang makita silang magkasama

Hanggang mag2nd subject na, parang di nila yun napansin dahil habang nag gegreet sa teacher namin ay silang dalawa lang ang nakaupo. Hindi naman sila napansin ng teacher namin dahil natatakpan sila ng mga nakatayo. Masaya silang nagusap-usap ng biglang napunta na sa tawanan. Ang saya-saya nilang dalawa habang tumatawa at naguusap kung ano man yun at wala akong pake!

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon. Sumasakit bigla ang dibdib ko. Parang may tumutusok sa puso ko habang nakatingin sakanila..

'bakit ba ako nagkakaganito? Tss!'

"Kate, are you okay?" Tanong ni Briana

"Ye.."

"Really? Kung may masakit sayo, sabihin mo lang" nagaalala niyang sabi

"Thank you nalang.." sabi ko at tumingin ulit sa kanila

'Ang saya talaga nila! Pagnapapatingin ako sa kanila bigla ko nararamdaman ang sakit ng puso ko, parang may tumutusok nito tss! OA ko masyado! Sakit ba to? Anong sakit? Sa puso ba o sa feelings? Shit! Don't tell me na s—'

Napahinto ako sa pagiisip nung tumunog ang bell. Nakita ko nanaman silang dalawa na nagtatawanan habang sabay na naglalakad tss!

'Am I jealous? No! Never! But.. why?'

"Kate!"

"Huy Kate!"

"Kateeee!"

Bigla akong nataohan sa sigaw ng sino man yun

"Oh?" Sagot ko sakanila

"Kanina ka pa namin tinatawag! Ano bang nangyayari sayo!?" Sigaw ni Noona, Alam kong nagaalala lang siya kaya ganyan siya

"Sorry.." Yan nalang yung lumabas sa bibig ko

"Tss.." singhal niya

"Kanina pa siya ganyan eh.." sabi naman ni Briana "Ayaw niyang sabihin kung may sakit ba siya o ano.." dagdag pa nito

"Eh, ano ba kasi ang nangyayari sayo?" Tanong ni Kyla

"Wala.." nagiwas ako

"Oh see.. Hindi siya okay kaya dalhin na natin siya sa Clinic!" sabi naman ni Alliah

"Ano bang nangyayari sainyo?!" nakakunot noo kong sabi

"Tara na nga. Dalhin na natin siya sa Clinic!" Sabi ni Jacky

"Yuko nga!" Sabi ko

"Noona! Ano ba kasing nangyayari sayo?" Tanong ni Eris. Siya lang ang tumatawag sakin ng Noona

"Eh, ayaw ko dun, promise okay lang ako" sabi ko at tumayo "Let's just eat okay? Gutom lang siguro ako" dagdag ko at nagsmile sakanila.. a fake smile..

Habang naglalakad papuntang private table maraming nakatingin samin (as always tss!) Umupo nalang kami sa mga upuan namin at nagorder

Habang naghihintay ay may nakita akong familiar na mukha, dalawang familiar na mukha.. nakatingin lang ako sakanila habang silang dalawa naman ay nagtatawanan at masayang naguusap

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon