Ch.15: Them

43 8 0
                                    

Crystal's POV

Omo~! Nakakatakot talaga si Steph pagnagagalit, di tuloy ako makapagsalita sakanya ng maayos

Nagring na yung bell, ibig sabihin recess na. Lumapit ka agad sakin si Jacky at Briana na kinagulat ko

"Oh.. okay ka na ba Briana?" Tanong ko sakanya, nagsmile lang siya sakin at tumingin sa gilid

"Nasan na si Steph? Nakita mo ba, Crystal?" Ngayon ko lang napansing wala pala si Steph dito

'Saan kaya siya pumunta?? Hmm.. Baka nasa tambayan na..'

"Tara punta na tayo sa tambayan" sabi ni Jacky, nagnod lang kami ni Briana

Briana's POV

"Oh andito nanaman kayo?" Taray ko

"Bakit andito nanaman kayo?" Tinaasan ni Jacky si Paul ng kilay

'Wala si Paul kanina ah, bakit nandito siya ngayon?'

"Di ba wala ka sa room kanina? Bakit nandito ka?" Napansin din pala ni Crystal

"Gwapo kasi ako" nagwink siya

"Tss! anong connect?" Taray ko at umupo sa tabi ni Mike, doon talaga ako nakaupo sa upuan ni Mike pero dahil crush ko siya pinabayaan ko nalang hahaha charot!

"Ayiieee~" asar nila Paul at John

"Yahhh!" banta ko

"Eherm!" Napatingin kami kay Crystal at Jacky

"Ah oo nga pala.. Jacky si John at si Mike" pakilala ko

'feeling close ako eh hehehe!'

"Uhm.. okay" pilit ni Jacky itinago ang kilig ng magshake hands sila ni John hahaha! paglingon ko kay John, parang namumula siya kaya nakaramdam ako ng something wahahaha!

'Parang crush ni John tong Jacksingot namin ahh yiieee!'

Umupo si Jacky sa unahan ni John, sumunod naman si Crystal. Parang may kulang..

"Nasan pala si Steph?" tanong ni Paul

'Ah yun, siya yung kulang!'

"Hindi nga namin alam eh, eh ikaw, alam mo ba?" Tumawa kaming lahat sa biro ni Jacky maliban kay Paul na nairita

"Oh baka naman.. Namiss mo siya" pangaasar ni Crystal

"Ayiieeeee~!" asar naming lima, namula naman si ulol Paul hahahaha! di parin nagbabago yung feelings niya kay Steph. Grabe! mula pang grade 5 kami, crush na crush niya si Steph tss!

"Ugh! Shut up guys!" Naaasar na kasi siya eh, ayun tuloy nagwalkout hahahaa!

"Hahahaha! huy di niyo ba siya hahabulin?" Tanong ni Jacky sa mga kaibigan nito--pertaining to Mike and John

"Eh pabayaan mo siya" sabi ni Mike kaya tumawa kami

Bigla namang bumulong si John pero narinig ko kasi gitna nila ako ni Mike eh

"Pano ako pupunta eh nandito ka"

"AYIEE~!" Nagtinginan kami ni Mike, mukhang narinig niya yun eh, ayun tuloy sabay kaming napasigaw at natawa

"Aishh!!" Nagulat si John kaya napakamot nalang siya ng ulo

"Anong meron?" Tanong ni Jacky na lumapit pa talaga saamin

"WALA" Sabay nanaman kami ni Mike kaya natawa ulit kami

"Ayiieee! May di ba kaming alam?" asar ni Crystal

"Ulol!" Sigaw ko, natatawa parin

"Hihihihi!" Ang weird ni Crystal ngayon, Yung tawa pa naman niya ay parang tawa ng witch tss! nakakakilabot hahaha charot!

"Huy Yana! Di mo sakin sinasabi ah" di ko namalayang nasa harap ko na si Jacky, kung saan sinisik-sik niya ang sarili niya kay Crystal dahil si Crystal yung kaharap ko. Binatukan niya ako pero syempre mahina lang yun para saakin

"Yahh! What's your problem!?" kunwaring taray ko, nagmamaang-maangan hehehe!

"Eh di ba crAray!" binatukan ko nga siya hahaha! bagay lang sakanya, daldal eh!

"Ano ba Jacky!? umalis ka nga diyan! papansin ka eh!" naiirita na si Crystal pero may halong asar parin. Walang magawa si Jacksingot kaya bumalik siya sa upuan niya habang hinihimas yung braso niya at nakanguso hahaha!

Biglang nagring yung bell kaya napatayo kami

"Uhm.. Er--hatid na kita" sabi ni Mike habang kinakamot yung ulo niya, nahihiya pa eh hahaha!

"Sure" pilit kong itinago ang kilig ko pero ang ngiti ay hindiii!

"EHEM!" Napatingin kami kela Jacky na nakangiti hanggang langit, minamalesya yata nila eh! Pero okay lang, feel na feel ko naman eh hahaha!

"Yah!! Wag niyo ngang bigyang ng malesya! ihahatid nga lang eh!" kunyaring inis kong sabi para pa hard to get hahaha!

"Bakit? Nagsabi ba ko? Ayiieee ikaw ha~" nangaasar na sabi ni Jacky kaya tinarayan ko siya kahit deep inside kinikilig ako hehehe! "Sige na, bye~" nagwink siya sakin pero binaliwala ko lang yun at nilingon si Mike

"Sorry ha" nahihiya kong sabi

"Uhm.. b-bakit?" Nahihiya din niyang sabi

"Dun sa mga ulol na yun!" tumawa kami

"Uhm.. okay lang" Mula nun di na kami nagsalita hanggang sa makarating na kami sa room

"Er--bye~!" paalam ko

"Bye" tatalikod na sana siya nang tawagin ko siya

"Nahihiya ka ba sakin?" Bigla siyang namula sa tanong ko "Hehehe! joke lang! thank you ah" Nagwave ako, papasok na sana ako ng bigla siyang magsalita

"Uhm.. o-okay ka na ba ngayon?" nagtaka naman ako, napansin naman niya yata dahil muli siyang nagsalita "eh kanina daw kasi ay may nangyari sayo, okay ka na ba?" kinilig ako sa pagiging concern niya pero pinigilan kong ipakita sakanya

"Oo naman, thank you sa concern hehehe" napakamot siya sa batok "ah, sige na. Baka malate ka pa hehe. Thank you uli" sabi ko pero nagsmile lang siya sakin at umalis

Pagpasok ko palang ay nabibingi na agad ako sa katahimikan, bakit kaya? Tumingin ako sa upuan ni Steph. Ahhh kaya pala sila tahimik eh, mukha palang ni Steph umuusok na! bakit kaya? Ano nanaman kaya ang nangyari? Dumeretso nalang ako sa upuan ko habang tinitingnan ng masama ang mga estudyante kaya nagulat sila at umiwas sakin

'Tss! ano nanaman kaya ang nangyari kay Steph at umuusok nanaman ang mukha niya?'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon