Ch.9: Danger

44 10 0
                                    

Crystal's POV

"S-sino k-kayo?" Ramdam ko ang takot ni Briana habang sinasabi yun, ganun din kasi ako

Kahit di namin makita kung nasan na kami, ang alam ko lang ay naka layo na kami sa parking lot at hanggang ngayon ay hila-hila parin kami ng sino man tong prettynapper na to!

Bigla kaming huminto at unti-unti nilang tinanggal ang mga kamay nila sa mukha namin at nagulat ako kung sino ang mga prettynapper na to!

"P-paul!?" Gulat na gulat ako, ano bang trip niya ha!

"Huy bakit niyo ba kami hinila ah!" Sigaw naman ni Briana, halatang nainis siya pero di siya kiniboan ni Paul pero malalaman mo sa mga mukha nila na natataranta sila, especially Paul

"Ano bang nangyayari?" Naiirita na ako tiningnan ko siya sa mata pero umiwas lang siya

'Ano bang meron?'

"Huy! Magsalita ka naman!" Sigaw nanaman ni Briana pero hinila ulit nila kami. Yung dalawa niyang kaibigan ang kasama niya

"Ano ba--" naputol yung sasabihin ko nang takpan nung matangkad niyang kaibigan ang bibig ko.

"Sshh.. Wag kayong maingay kasi--" biglang nagsalita yung isa pero huminto din "di niyo pwedeng malaman" bigla siyang naging cold sa pagsasalita

Tiningnan ko si Briana sa likod ko at bigla akong natawa sa reaksyon niya. Para siyang bata na nakakita ng magandang laruan, kumikislap kislap yung mga mata niya eh hahahaha!

Nung napansin niya na tinitingnan ko siya at tinatawanan ay tinaasan niya ako ng kilay at nag 'what-look'  pero binaliwala ko lang siya at tumingin ulit kela Paul

"Ano ba talaga yun?!" Naiirita kong tanong

Nakita kong may binulong yung matangkad kay Paul at nakita ko namang nagnod si Paul dito at tumingin ulit samin

"Sige, pero di niyo ba talaga nararamdaman o nakikita sila?" Nakakunot lang ang noo ko dahil sa pagtataka sa tanong ni Paul

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko

"May nagmamasid sa inyo kanina pa"

'Ahh gets ko na pero sino?'

"P-pano niyo n-nalaman?" nilingon naming lahat si Briana, parang natatakot siya na nagagalit

"Alam mo din ba?" Tanong nung isang lalaki

"Uhmm.. Y-yes" umiwas siya ng tingin

Briana's POV

Alam din pala nila yun. Akala ko, ako lang ang nakakapansin nun

"Pano niyo nalaman?" tanong ko

"Eh kanina pa kaming nandon eh, tagal niyo kasing umalis" sabi ni paul na pinanlisikan ko ng mata

"Ano?! Eh bakit di kayo lumapit?!" nangigigil na sabi ni Crystal

"Kasi naman ito si mi--" biglang siniko nung lalaki si Paul

"Nahihiya daw kasi siya sayo" sabi nung matangkad sakin

"Ano ba!" napakamot sa batok yung isa

'Tss! Di ko sila maintindihan.. pero tingin ko crush ako ni crush hahaha! sana all..'

"What do you mean?" pilit kong maging pormal kahit kinikilig ang loob ko sa impossible na iniisip ko huhuhu!

"W-wala hehe" sabi nung crush ko hehe at siniko ng pasikreto yung matangkad "diba?" nginitian niya ng makahulugan yung matangkad na crush ni Jacky

"Hehehe! oo naman" peke ang tawa niyang sinabi tss!

"Tsk! Paano kasi, wala si Jacky kaya sad si John ahhh.." Nagfake cry si Paul para asarin yung matangkad pero sinamaan lang siya nito ng tingin, siya yata si John, yung crush ni Jacky hehehe

"Back to our topic!" Sabi ni crystal na parang naiirita na "gusto ko ng umuwi!" maktol niya

"Sige uwi nalang kayo, bukas na lang namin sasabihin" sabi ni Paul, nakita naman naming bumulong yung crush ko kaya napatingin ulit samin si Paul habang nakangiti

'Siguro.. sinasabi ni crush kay Paul na crush din niya ako at para tulungan siya nito manligaw. Wahh! grabe ang sweet ni crush hehehe! Feeler ko noh, tss!'

"Tara sabay nalang kayo samin kasi nagaalala si m--"

"Ano baa!!" biglang singhal ni crush, grabe ang hot parin tingnan ni crush kahit nagagalit hehehe!

"Ano yun Paul?" Tanong ko pero nginitian niya lang ako

"Wala hehehe, gusto lang namin na safe kayong umuwi" sabi niya

"Okay"

Bumalik ulit kami sa parking lot. Nasa unahan namin si Paul, sa likod niya kaming dalawa ni Crystal at sa likod namin naman ay yung dalawa. Daming arte pa nila sa position namin tss! para safe daw, tss!

Tumingin muna si Paul sa paligid bago lumapit sa kotse niya na mag-isang naka park nalang. Nangingilabot tuloy ako!

"Briana.." Bulong ni Crystal

"Hmm?"

"Parang maraming mata ang nagmamasid parin satin" Natigilan ako kaya napatingin silang lahat sakin

"May problema ba?" tanong ni John

"W-wala" sumakay kaagad kami. Si Paul Ang nagdadrive, syempre kotse nya hahaha. Si John ang nasa front seat katabi ni Paul. Ako naman ay nasa gitna nila Crystal at ni crush hehehe!

Pinaandar na ni paul yung kotse niya. Si Crystal muna ang hinatid kasi masakit na daw ulo niya, kaya pala di siya nagiimik kanina tss!

"Briana" tawag ni Paul

"Hmm?"

"Kilala mo na ba sila?"

"Ikaw palang at si John"

"Ahh! how sad naman" napatingin siya sa lalaking katabi ko at nagsmirk, nangaasar nanaman. Nilingon ko naman yung katabi ko at nakapout siya, yiiee ang cute niyaaa!

"Bakit?" ayaw kong maging feeler pero feeling ko crush ako ng crush koo! yiieeee! joke!

"Ah wala. By the way si Mike pala" nakangiti si John ng nangaasar pero umiwas ako

'Alam ba niyang crush ko si Mike daw ang name kaya kanina pa siya nangaasar? ganun ba ako ka obvious?! tss! stupid!'

Nilingon ko si Mike na yun pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana kaya napanguso ako at di ko namalayang nakadating na pala kami sa bahay ko. Pababa na ako nun nang biglang may sumigaw

"Byeee!" Sabi ni Mike na nakasmile at nagwave pa, para siyang bata hehehe nakakatuwa! ang cute niya!

I waved back and smile din

"Ayiieee!" asar samin nung dalawa pero sinamaan lang din naming dalawa ni Mike yung dalawa kaya natigilan sila at sabay na natawa habang umiiwas tss!

Tumalikod na ako at napangiti sa ginawa ni Mike yiieee!

'Mike ahh! baka pagkamalan kitang may gusto sakin niyan. Baka umasa ako tss!'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon