Ch.22: Abnormal

35 7 0
                                    

Christian's POV

"YAHH! SINO SIYA?!" Sabi nung lalaki, tinaasan lang siya ng kilay ni Steph pero may halong gulat din

"What are you doing here!?"

'Taray talaga nitong babaeng to tss!'

"Yah! Sagutin mo muna yung tanong ko!" Iritang sabi nung lalaki at tumingin sakin ng masama kaya napalunok ako

"He's just my friend.. I think?"

'Friends na ba kami? I can't imagine it hahaha!'

"Really!?" Tinaasan niya ng kilay si Steph

"Yahh! Why do you even care!?" taray ni Steph

"Tss! Pinapasok mo ba siya sa kwarto mo?"

"Uhm.. o-oo" umuutal niyang sabi

"Yahh! Bakit!? Siya pwede! Pero kami hindi?! Unfair mo talaga!" Para siyang bata, nagpout pa

"Yah! Don't do that, your so ugly hahaha!" asar sakanya ni Steph

"Tss.." singhal naman nito

"By the way, Paul. Bakit di ka na pumapasok?"

'Ah so Paul pala ang pangalan niya'

Bigla namang ngumiti yung Paul daw ang pangalan kay Steph

"Bakit? namiss mo agad ako?" asar niya kay Steph na tinaasan lang siya ng kilay

"Eww! You wish!" umarte pa siyang nandidiri at biglang tumingin sakin "oh.. by the way, si Christian nga pala, classmate natin siya" Tiningnan naman ako ni Paul mula sa ulo hanggang paa

"Ah.. so siya pala yung pumalit sa upuan ko, noh?"

'Anong ibig niyang sabihin??'

"Yeah.." Walang ganang sabi ni Steph

"Oh eh, bakit naman siya nandito?" tanong niya kay Steph

"Eh kasi su—"

"May activity kasi kaming ginawa" singit ko, bigla namang napalingon sakin ng nakakunot ang noo si Paul

"Ahh.. okayy.." Sabi ni Paul habang tumatango-tango pa. Bigla namang lumapit sa may tenga ko si Steph na kinagulat ko at may binulong

"Ikaw na lang gumawa ng activity natin ha" bulong niya at agad na nginisian ako

"Tss! Fine.." napipilitan kong sabi "Sige na, alis na ako" umalis na ako dun at baka ano pang gawin sakin ng titig nung Paul na yun, tss!

Nasa labas na ako ng gate ng marinig ko si Steph na tinatawag ako pero nagmaang-maangan ako at binaliwala lang siya at nagpara ng taxi. Sumakay agad ako nang may humintong taxi sa harap ko.

Steph's POV

Tinawag ko si Chris pero binaliwala lang niya ako

'tss! gago yun ah!'

Di ko na maaninag si Chris sa labas ng gate kaya nilingon ko nalang si Paul na nakataas ang kilay sakin kaya pinagkunotan ko siya ng noo

"Yahh!" sigaw niya dahil tumalikod ako sakanya at lumakad ng dire-deretso, papasok sa bahay ko. Dinala ako ng paa ko sa kusina at kumuha ng apple sa ref. Di ko na naramdaman ang presence ni Paul kaya umakyat na ako sa taas para manood ng movie sa kwarto ko, pero natigilan ako ng makita si Paul na nakasandal sa labas ng pintuan ng kwarto ko!

"Bakit nandito ka pa!?" Tinaasan ko siya ng kilay at napakagat sa apple ko

"Eh gusto kong pumasok diyan eh" turo niya sa pinto habang nakapout pa

'tss! isip bata talaga tong abnormal na to!'

"Ulol! Dun ka na lang sa guest room!"

"Eh ayuko dun eh!" maktol niya habang hinila-hila ako tss!

"Isip bata ka talaga eh noh? tss!" singhal ko at hinila siya paatras para makapasok na ako sa kwarto ko at nagtagumpay naman ako kaya pagpasok ko agad sa kwarto ay isinara ko na ang pinto at nilock. Narinig ko naman siyang magmaktol at magmura sa labas ng kwarto ko. Minsan pa nga ay katok nang katok o di kaya sipa nang sipa sa pinto ng kwart ko

'Tss! kahit kailan talaga! isip bata parin ang isang Paul Intal, at hindi na iyon magbabago tss!'

Ilang oras pa siyang nagdadabog at nagmamaktol sa labas pero buti na lang at matibay ang pinto ko at makapal. Kasing kapal ng mukha mo! jokee!

Bigla ko na lang narinig na may kausap si Paul at napagtanto kong sinusuway na siya ng mga maids hahaha!

'grabe talaga tong abnormal na Paul na to! hindi man lang mahiya!'

Binaliwala ko nalang ang abnormal na eksena ni Paul at binuksan ang tv para maghanap ng movie habang kinakagat ang apple ko hehehe!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon