Ch.13: Spy

37 9 0
                                    

Steph's POV

Tumawag si ate Christine. Nagulat ako sa mga salitang sinabi niya. Sa una, di ako naniwala na si ate Christine yun pero nakilala ko din siya. First time ko siyang narinig na ganun, may tinatago pala siyang ganung aura. Di ako makapagsalita dahil sa gulat, dahil sa mga mura niya..

Nung nalaman ko na nasa Hospital sila ay pumunta ako sa iba't-ibang Hospital para mahanap sila, Ang daming Hospital kasi dito tss!

Pang Lima ko na tong Hospital, nilapitan ko yung nurse

"Uhm.. excuse me, may patient ba dito na ang pangalan ay Briana Alegre?" Tanong ko

"Wait po, miss. Ichecheck ko lang" kinuha niya yung notebook at hinanap yung pangalan "uh.. Ito po siya" tinuro niya yung pangalan ni Bri

"Andoon pa ba siya sa Emergency Room?"

"Ah wala na po.. By the way, ano ka po ng patiente?"

"Best friend niya ako"

"Ahh sige.. nasa room 105 siya, sa third floor"

Pagkasabi niya nun ay tumakbo na kaagad ako dun papunta sa elevator. Paghinto ng elevator sa 3rd floor ay hinanap ko agad yung room niya, Nakita ko naman kaagad yun pero tumago ako. Ayaw ko kasing makita nila ako. Sumilip ako sa bintana sa room, Nakita ko si Briana na nakahiga parin. Di ko namalayang tumutulo na ang luha ko, bigla namang bumukas yung pinto kaya napaatras ako

"K-kate!?" Gulat na sabi ni ate Christine. Tumakbo kaagad ako

"Kate!" Tinawag niya ulit ako

Christine's POV

Nakita ko si Steph kaya tinawag ko siya pero tumakbo siya palayo sakin. Tumakbo din ako para habulin siya

"Steph!" Sigaw ko. Huminto siya pero nakatalikod sakin

"Kate.." Lumapit ako sakanya at hinawakan ang balikat niya

"I'm sorry" pabulong niya yun sinabi pero narinig ko

"B-bakit?"

"Dahil ang sama kong kaibigan" tumawa siya ng peke at humarap sakin, Kahit tumatawa siya umaagos ang mga luha niya

"Kate--"

"Hindi! Totoo naman ah! Masama akong kaibigan!" Sigaw niya, mabuti nalang walang masyadong tao dito

"Hindi yan totoo!" Sigaw ko

"Hindi mo ba napapansin?! Kaya kayo nasasaktan dahil sakin!"

"Ikaw lang ang nagsasabi niyan! Ikaw ang nagpapasaya sa amin, pero di mo lang napapansin" umiwas ako ng tingin

"Tingnan mo nga kung anong nangyari kay Briana.. Ako ang may kasalanan nun!"

"Kate.." yumuko ako "Alam kong nagaalala ka lang kay Briana pero wag mong sisihin ang sarili mo" kalma kong sabi

Huminto siya "s-sorry talaga" yumuko siya. Di ko kayang nakikita siyang umiiyak. Hinug ko siya at binulungan

"Ang Kate na kilala ko ay yung hindi umiiyak" nagulat siya

"Sorry"

"Please.. Pumasok ka dun. Alam kong magiging masaya si Briana na paggising niya, nasa tabi ka na niya" ngumiti ako, tumango lang siya

Kasama ko na si Steph papunta sa room ni Briana. Nung nakapasok na kami, nagulat sila dahil kasama ko na si Steph

"S-steph??" Gulat ni Alex

"Steph!" Hinug ni Crystal si Steph "Sorry dahil ang OA namin huhuhu!"

"Oo nga, sorry.." nakangusong sabi ni Jacky

"S-sorry din" sabi ni Steph

"S-steph?" Tumingin kami sa nagsalita, ngayon lang namin napansin na gising na pala si Briana. Agad-agad namang lumapit si Steph ky Briana

"S-sorry talaga.." Yumuko si Steph

"Ano ka ba? Hindi mo to kasalanan" ngumiti si Briana

"Kahit na! Kasalanan ko lahat ng to" tumutulo na ang luha ni Steph

"Shh.. Wag kang umiyak Steph, ayaw kong nakikita kang umiiyak" pinunasan ni Briana ang mga luha ni Steph

"Sorry.." sabi ni Steph at hinug si Briana.

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon