Ch. 94: Impossible

6 1 0
                                    

Steph's POV

Dumeretso ako sa bahay ng parents ko at wala pa akong ligo kaya doon nalang ako maliligo at magbibihis dahil may mga damit pa naman ako doon. Ayaw ko bumalik sa bahay ko, hindi dahil sa naiinis ako kundi dahil nagtatampo lang naman ako. Well.. kahit naiinis ako ay dahil lang sa tampo kay Briana

Napabuntong hininga ako bago paulit-ulit na bumusina sa gate ng bahay. Nang makita ako ng guard ay nag sorry siya ng paulit-ulit habang binubuksan ang gate

"S-sorry p-po talaga, ma'am" paulit-ulit niyang sabi pero binaliwala ko lang siya at pumasok sa loob. Agad naman akong binati ng mga maids pero binaliwala ko lang sila at dire-diretso sa kwarto ko

Naligo, nagbihis, at nag-ayos ako bago bumaba

"Stephanie, my baby!" Bungad agad sakin ni Mommy kong parang bata kung umasta pero love ko padin "Buti at bumisita ka, I missed you!" Niyakap niya ako nang napakahigpit at hinalik-halikan kaya agad akong kumawala na nagpanguso sa kanya

"Mom.." singhal ko na laong nagpanguso sa kanya

"I just missed my baby, bawal ba?" Parang batang inagawan ng lollipop ang itsura niya, napabuntong hininga ako bago hinug siya

"There, happy?" Sabi ko bago kumawala at pumunta naman sa living room, sinundan naman niya ako habang nakangiti na "Where's Dad?" Tanong ko habang nakaupo sa sofa at binubuksan ang tv

"Nasa Korea dahil pinatawag ng jobumonim mo" tumango-tango lang naman ako habang nililipat ang channel

(Jobumonim = grandparents)

"By the way, last school year na nang Mamita mo dahil babalik na siya sa Korea" automatic na napalingon ako sakanya

"Mworago?" Nakakunot noo kong tanong

"Miss na niya ang oe harabeoji mo na nag-iisa sa Korea"

(Oe harabeoji = maternal grandfather)

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko dahil alam ko namang masmabuti yon para kay Mamita lalo na't ang gulo na nang school dahil sa akin. Si Mamita ang mama ni Mom and she's a Korean. Sigurado akong malungkot din si Papsie—ang oe harabeoji ko na asawa ni Mamita dahil mag-isa lang ito sa Korea

Both of my grandmothers are Korean at kaya lang naman nandito sa Pilipinas at naging Principal ng sarili kong school ang oe halmeoni—si Mamita ay dahil hindi pa ako pwede at wala naman kaming ibang family na matitiwalaan sa posisyong yon. Busy din si Tita Tracie sa café niya at ayaw ni ugly hyung kaya no choice si Mamita

"Who will replace her then?" Tanong ko

"Your oppa" agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Mworago!? Pakiulit nga at parang nabingi ako"

"Your oppa"

"What the f—" naputol ang pagmura ko sana nang tingnan ako ng masama ni Mom

"He volunteered. Gagraduate naman na siya this school year at ayaw niya daw munang asikasohin yung company kaya yon" biglang nag-init ang buo kong katawan

'What are you planning this time, hyung!?'

"Hindi ba pwedeng iba nalang? Sisirain lang ni hyung ang school ko eh!"

"Stephanie, it's oppa, not hyung. Lalaki ka ba?" Napasimangot ako dahil pariho lang naman yung dalawang yon. Kung babae ka ay ang dapat mong itawag sa nakakatandang lalaki ay 'oppa' pero kung lalaki ka ay ang dapat mong itawag sa nakakatandang lalaki ay 'hyung' eh pariho lang naman ang meaning non eh, 'kuya' parin tss! Tulad din ng 'noona' and 'eonni'. Kung babae ka ay ang dapat na tawag mo sa nakakatandang babae ay 'eonni' pero kung lalaki ka ay ang dapat mong itawag sa nakakatandang babae ay 'noona' tss! Pariho lang naman yon eh!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon