Ch. 113: Thank you

7 1 0
                                    

Christian's POV

Automatic na napatigil ako sa ginawa ni Steph, hindi ko alam kung mahihimatay na ba ako o mabibingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi parin nagbabago. Malakas parin ang epekto niya sa akin kahit sa anong bagay

"Thank you" napaigtad ako, nangilabot pero sa magandang dahilan, at naramdaman ang mga nakapresong hayop sa loob ng puso ko na gustong kumawala. Parang sasabog na ang puso ko

'She hugged me! She really did!'

"Thank you, Christian" hindi ko alam kung bakit siya paulit-ulit na nagpapasalamat sa akin habang nakayakap parin "Thank you" sabi ulit niya bago kumalas pero ang mga kamay ay nasa magkabilaang balikat ko parin nakahawak, at sa hindi inaasahang pagkakataon nanaman ay ngumiti ito ng sobrang tamis sa akin

"What... the... f*ck..." mura ko "Is this a dream?" hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon kahit dapat sa isip ko lang sana, at sa pangatlong pagkakataon na hindi inaasahan ay tumawa ito at kinurot ang magkabilaang pisngi ko "Wow..." sabi ko kahit kinukurot parin niya ako sa pisngi at ini-istretch pa iyon pero wala akong maramdamang sakit, namanhid yata sa mga pinaggagawa nitong babaeng to

"What the f*ck is happening?" nabasag lang ang moment nang magsalita si Paul "Bagay nga kayo dahil pareho kayong baliw" dagdag pa nito, sabay-sabay naman silang nilingon si Paul at sinamaan ng tingin "What? Don't look at me like—fine, I'll shut up" sabi niya nang sikuhin siya ni Kheena

"Ehem" sabay-sabay naman kaming napalingon kay Steph nang tumikhim ito dahil akala namin ay magagalit nanaman ito eh kinapalan ko na nga ang mukha ko para gawin yung mga kahihiyan ko kanina tapos magagalit nanaman ito!? Alam kong posibleng mga gangsters din ang pitong lalaking ito pero wala akong pake alam eh sila yata ang nagpagalit sa QP ko!

Pero nang lingunin namin si Steph ay swabe na itong nakahiga sa kama at wala nang makikitang galit sa mukha nito

"Okay ka na ba?" ako ang unang nagtanong

"Yeah, thanks to you" hindi ko nanaman inaasahan kaya namula ako lalo na't nakatingin siya sa akin ng may ewan kong emosyon pero nakakalambot at nakakakilig ng puso "And you're blushing tss. Bading ka talaga" napanguso ako sa sinabi niya dahil hindi ko pa kayang samaan siya ng tingin dahil sa di malamang dahilan

"I'm not" nakanguso ko paring sabi, tumawa siya, hindi ko nanaman inaasahan

"You are" sabi nito

"No, I'm not"

"Yes... you... are..." sabi niya habang sinusundot ako kada word hmp!

"Ugh! I give up!" tumayo ako

"You mad?" natatawa paring sabi nito, binaliwala ko nalang siya at tiningnan ang iba. Pero lahat sila ay pare-parehong nagtataka at mukhang na weweirdohan sa amin, hindi ko naman sila masisisi dahil kahit sa sarili ko ay aaminin kong mukha kaming baliw na dalawa

'I hope we're crazy for each other—yieee! Kaya ako sinasabihang bading eh amp!'

"So... why are you still here? Hindi pa ba kayo aalis?" hindi na mababakas ang galit sa boses niya, parang kalmado na talaga siya na nakikiusap sa pitong lalaki at dahil don ay parang sinasabi ng puso't isip ko na tabihan si Steph at para ipakita sa pitong yon na akin siya kahit hindi 'pa' naman

"Hindi kami aalis hanggat hindi mo kami napapatawad" sabi nong may pulang buhok na lalaki, lahat sila ay nakayuko parin

"Hmm... wala naman na yata kayong gagawin dito kaya lumayas na kayo, and I wont accept your forgiveness"

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon