Ch. 73: Jules

7 2 0
                                    

Kheena's POV

Nakatingin parin kaming lahat sa papaalis na kotse ni Kate nang biglang magsalita si Kyla na nagpatinag saamin

"S-sumabog ang kalahati ng s-school?" Nagugulat, nag-aalala, at di makapaniwalang sabi niya

"T-that's what I heard" sabi naman ni Eris na sapo ang noo

"Gaja" sabi ko nalang at naglakad na papunta sa kotse. Sumunod naman sila kaagad kaya nang makapasok na silang lahat ay mabilis na pinaandar ko ang kotse pero hindi parin sapat ang bilis na iyon para maabutan si Kate

"Parang mapapasabak nanaman tayo neto ah" sabi ni Paul sa kalagitnaan ng byahe

"Narinig mo naman yata si Kate diba? The real game begins now daw" sabi ni Briana bago pinakawalan ang malakas at mahabang buntong hininga

Napatahimik kaming lahat kaya sa daan nalang ako nagfocus at hindi naman nagtagal ay nasa school na kami—sa front door kami pumasok

"Shit" mura ni Jacky habang inililibot ang paningin sa paligid

"Grabe—" di natapos ni Alliah ang sasabihin ng bigla kaming hinarangan ng mga Pulis

"Hanggang diyan lang kayo" sabi nito pero binaliwala lang namin iyon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad

"Saan kaya pumunta si Kate?" Narinig ko namang tanong ni Alliah kaya lahat kami napatigil sa gitna ng quadrangle

"Wait. Maybe she's in—" natigilan ako nang makarinig ng malakas na kalabog kaya lahat kami ay hinanap kung saan iyon nanggaling

"Mula sa office ng campus officers yon ah" sabi ni Paul kaya lahat kami ay nagtatakang tumitig sa isa't isa

"Ba't naman pupunta don si Kate?" Tanong naman ni Kyla

"Baka may kukunin? Tara na nga para malaman natin" sabi naman ni Bri kaya agad kaming nagsitakbohan papunta don. Bukas naman ang pinto kaya agad kaming nakapasok na kinagulat namin dahil sa tumambad saamin

Steph's POV

Pagdating ko sa school ay marami nang fire fighter na syempre, ano pa ba ginagawa ng mga fire fighters diba? So I immediately went inside kahit pinipigilan ako ng mga pulis, but me? Stephanie Kate Mendoza Lopez, susunod sa kanila? Well, hell no! So lahat silang humarang saakin ay pinagsusuntok ko

'Tss. Nakakasayang ng oras!'

Agad na akong lumusong sa loob at nakitang nagsimula ang sunog sa may gym hanggang sa high school building at kalahati naman ng college building ang nasunog

BOGSHH!

Agad akong napalingon sa office ng mga officers ng campus

'What was that?'

Dahil sa curiosity ay naglakad ako papunta don. Nang makalapit ay nakita kong nakabukas ito kaya narinig ko ang ingay sa loob

Dahan-dahan ko namang binuksan ng malaki ang pinto nang alam ko at sigurado akong di maririnig ng sino mang nasa loob don

"Shit! What the heck! Shit! Shit!" Narinig kong mura nang taong nakatalikod sa akin habang pinaguumpog ang ulo niya sa desk sa harap niya. Nagtaka naman ako dahil sa itsura niya. He was wearing a leather jacket and pants. Well yun yung napansin ko agad dahil syempre nakatalikod parin siya sa akin

Napakunot noo nalang ako dahil I know him—I really do, at mukhang makikilala ko pa siya ngayon

Naglakad na ako palapit sa kanya at mukhang napansin naman niyang may tao kaya napalingon siya sa akin with his wide eyes, tinitigan ko lang siya at nabasa ang pagtataka, takot, at katapusan ng buhay niya dahil sigurado akong di na siya makakalabas ng buhay dito

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon