Ch. 97: Conclusion

5 1 0
                                    

Steph's POV

Agad kong sinalo si Christian habang kay Noona naman ay si Bri. Wala kaming ginawa kundi panuorin lang ang dalawa kanina and honestly, wala akong maisip na dahilan para magganonan sila sa harap namin at mukhang may pagkakaintindihan sila sa mga mata nila na ewan

'Ewan talaga'

Napabuntong hininga ako at inakay si Chris para ihiga sa sofa at ganon din ginawa ni Noona kay Bri

"What just happened?" si Eris ang bumasag sa katahimikan ngunit lahat kami ay nakatingin lang sa dalawa na... natutulog? Mukhang napagod yata sila sa kaiiyak

"Wala akong ideya sa eksena nila" sabi ni Jacky

"Nado" sabi naman ni Ky habang tumatango-tango pa

(Nado = me too)

"No idea, either" sabi naman ni Crystal at ang iba naman ay tumango lang bilang sang-ayon

"Hmm.." napatingin ako kay Paul dahil don ngunit nakatingin ito kay Noona na nakatingin din sa kanya at mukhang nag-uusap pa gamit iyon, wala pang limang segundo nang sabay nila akong lingunin at mukhang napansin nilang may nakatingin sakanila

Ngumiti ng napakapangit si Paul na para bang yon ang paraan niya ng pagsabing 'wala-kaming-iniisip-na-kung-ano-ano-hihi-promise-wala-talaga-don't-mind-us-hihi' at nakita ko kung pano mapafacepalm si Noona

'Hindi obvious, Paul. Hindi talaga tss'

Wala akong sinabi ngunit tinitigan ko sila sa mga mata nila na alam kong naimtindihan nila ang gusto kong ipahiwatig bago naglakad at sinundan naman nila ako. Buti at hindi napansin ng iba ang pag-alis namin dahil busy sa pagbbrainstorming sa kung ano ang dahilan kung bakit ganon ang naging eksena nong dalawa kanina

"Malhae" sabi ko agad nang makarating sa kitchen. Mukhang may alam ang dalawa at wala akong maisip na dahilan, hindi ko alam kung dinadoubt ko ang iniisip ko o sadyang pagdating kay Christian ay minsan nawawalan ako ng understanding o pansin sa paligid ko

Hindi na nag-aksaya ng oras ang dalawa at sinabi nila ang "conclusion" nila about sa dalawa. Nagulat ako, of course. Paul even teased me dahil hindi ko man lang napansin but I don't have time to defend myself dahil pinrocess ko sa isip ko ang lahat ng mga nangyari between Chris and Bri. I went back to the past events kaso lahat ng yon ay ang naalala ko lang—at ang ayaw kong aminin kahit sa sarili ay ang...

'Ugh! Fck that jealousy! Fck word! Who even invented those tss!'

Rinig ko ang paulit-ulit na pagsabi nila Noona and Paul na hindi pa sila sigurado dahil it's only their conclusion chuchuchu but I just ignored them at nagtravel nalang sa sariling isipan nang kung ano-ano

2 hours and so ako nagpalutang-lutang sa isipan ko. Nireminisce ko yung mga pinagdaanan ni Bri at ang life story niya but still, wala akong pwedeng gawing ebidensya sa so called conclusion nila Noona at nong nalaman naman ni Bri na ampon siya ay yon lang yon. Wala nang iba. Hindi siya nagtanong sa parents niya dahil nong makauwi siya galing sa 2 months naming pagrebelde ay alam na din pala ng fam niya na alam na niyang ampon siya

Hahanapin sana ni Bri ang totoong parents niya kaso ayaw ng grandparents niya na malaman ng iba na ampon ang maghahandle sa company ng mga Alegre kaya nabawasan din naman ang pagtatrato nila ng masama kay Bri, but she didn't care naman na kung ano ang trato ng pamilya niya sakanya

Aside sa pagrerebelde ay walang nagbago sakanya. Mabait parin siya sa fam niya kahit anong backstab ng mga aunts and uncles niya

"So... pano?" napabuntong hininga ako bago humiga sa kama

Days past hanggang sa inannounce na magiging online class kami dahil sa nangyayari sa school. Okay lang din naman sa amin dahil pwede naming pagsasabayin ang pag-aaral at pagpaplano sa Cyphers

Hindi pa din kami tumigil sa paghahanap kela Vohn at pinuntahan na namin lahat ng addresses na nasa files kaso wala talaga

'Tangena talaga yung mga yon, saan kaya sila nagtatago, mga bwesit!'

Kay ate Christine naman ay ganon din kaso wala naman kaming nasagap na balita patungkol sa paghahanap sa kanya o kung kinidnap ba siya o ano. Ang iniisip nalang namin is may pinuntahan sila ng magulang niya dahil pabalik-balik kami sa bahay nila kaso pati fam niya ay wala doon tapos nagtanong din kami sa mga kapit bahay at nakita daw nilang umalis sila kaya nabawasan naman ang pag-aalala namin

Kaso nagtataka parin ako kung bakit merong mga nakatagong tao na nagmamasid kela Jacky nong unang punta nila sa bahay nila ate Chris. Pero sabi naman ni Paul na mas okay daw yon dahil baka daw kadadating lang ng mga sino mang taong yon sa bahay nila ate Chris para sana kunin siya kaso baka daw maagang umalis sila ate Chris kasama ang pamilya niya sa kung saan man sila pupunta. It has a point din naman kaya, whatever

"Hoy, Kate! Ano ba? Sagotin mo na yan para maipasa mo na lahat! Magnenext subject na, di ka pa tapos!" nataohan ako nang bigla akong isiko at singhalan ni Alliah

"Ano ba!? Nag-iisip ako!" singhal ko at tiningnan ang phone ko, sinesend kasi ang mga answer sheets or test or etc sa email tapos syempre sasagotan namin at isesend yon sa email ng teacher bwesit

'Masgusto ko pa ang face to face dahil pwedeng hindi ko na yon sagotan at ang importante lang naman ay present ako tss!'

Attendance namin ang pagsagot ng mga test chuchu pagkatapos naming magzoom with our classmates and subject teacher tss

"Kopya nalang, ang tagal mo pa!" singhal pa niya pabalik, napasinghal din ako kaso hindi na nagsalita at kinopya nalang yung sakanya. Lahat sila ay sinend na yung sakanila, ako nalang ang hindi pa

"Akin na, ako na magsasagot" napahinto ako at nilingon ang nagsalita "Akin na, baka bawiin ko pa" dagdag pa niya habang nakangisi

"Tss" inismiran ko lang siya at bumalik sa pagkopya sa mga answers ni Alliah. Kaya ko namang sagotin tong mga to kung di lang okupado sa isip ko ang nangyayaring kabwesitan sa buhay ko at wala din akong planong humingi ng tulong sa lalaking ito

"Binabaliwala mo nanaman ako, Queen Panda" napahinto nanaman ako bago ibinigay kay Alliah ang phone ko

"Send mo nalang" sabi ko pa bago umalis, narinig ko pa ang pagmura ni Liya pero binaliwala ko lang siya at dumeretso sa kwarto

Since that day, yung iyakan nong dalawa ay binaliwala ko muna sila. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang so called conclusion nila Noona sa dalawa ngunit merong posibilidad din naman dahil sa pag-aakto ni Briana, kaso mas sobra pa ang mga actions niya kesa dati at si Chris naman ay tulad parin nag dati na para bang wala man lang nangyaring misteryosong iyakan sa pagitan nila ni Bri

Umiling-iling ako para mawala sa isip ko ang dalawa. Kailangan ang Cyphers including sila Vohn lang dapat ang bigyan ko nang pansin, bwesit!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon