Ch.49: Bestfriend

16 3 0
                                    

Crystal's POV

Kanina pa kami kumakain ULIT, ang kaibahan lang kanina ay dito naman sa Restaurant, hindi na sa cottage. Katabi ko si Kristoff at andito na rin sila Steph at yung iba pa

"Uyy! ang tagal niyo ahh.. San ba kayo galing?" Tanong ni Alliah samin

"Oo nga. Anyare sainyo?" Tanong din ni Eris

"Baka may ginawa kayo ahh" pangaasar ni Jacky kaya siniko siya ni Briana "Ouch!" Singhal niya dito

"Wag ka ngang maingay dyan!" Sigaw ni Briana at tumingin saken "So.. nasan na si Kyle?" Tanong niya, napalingon naman ako kay Kristoff na nakatingin lang sa pagkain niya habang ngumunguya, impossible namang di niya narinig yung mga sinabi nila diba?

Nilibot ko nalang yung paningin ko para hanapin si Kyle, kaya lang di ko siya makita

'Nasan na kaya si Kyle?'

Nasagap ng tingin ko si Steph na ngayon ay walang makikitang emosyon sa mukha habang kumakain

'Anyare sakanya?'

Umiwas nalang ako ng tingin at kumain ulit, baka may nangyari na di ko alam ahh. Tiningnan ko si Kheena/Noona na ngayon ay ngumunguya. Nasa left side ko siya habang nasa right side ko naman si Kristoff

"Uhm.. Kheena, what happened to Steph?" Bulong ko

"Hindi ko alam ehh.." nagkibit balikat lang siya

'Di niya rin ba alam? Impossibleeee!'

Steph's POV

Wala akong ganang kumain at lumulutang sa ibang universe ang utak ko. Hindi ako sure pero baka dahil kanina. Hindi ko alam kung nalungkot ba ako, but not sure pa o baka naman.. nakokonsensya ako? Yun ba yun o baka iba yung iniisip ko? Tss! Bahala naaa!

*FLASHBACK

Napamulat ako at napaangat ng ulo dahil sa ingay na naririnig ko kanina pa. Pagangat ko ng ulo, nakita ko agad ang likod ni Kyle, nakatalikod siya malapit sa kinaroroonan ko. Napatayo nalang ako, napansin yata niya yun kaya napatingin siya saken, but I just ignored him. Aalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin

"Steph.." nangunot ang noo ko nang tawagin niya ako sa malamig na paraan

"Oh?" Yun nalang nasabi ko pero nakatalikod parin ako sakanya

"Can we talk?" Napakacold ng boses niya

"Oo naman.."

'mukhang seryoso ang paguusapan namin ah'

Tumalikod nalang ako para harapin siya kaya nagtama kaagad ang mga mata namin. Napakunot noo naman ako ng makita ang seryoso at malamig niyang tingin sakin

"Ano yun?" Pilit kong itago ang pagaalala ko at pilit na mukhaing mataray ang dating

"May confession sana akong sasabihin sayo" napabuntong hininga siya "I know it sounds crazy but.. Di ko na kasi kayang itago to eh. Ang gago ko eh, you know why? Dahil nagmahal ako ng dalawang babae. Do you know who?" Natigilan ako at pumasok kaagad sa isip ko ang pwede niyang isagot

'Kyle.. please don't tell me na—'

"Si Crystal at.. ikaw"

'No.. please tell me na hindi totoo ang narinig ko!'

"I know na naguguluhan ka ngayon but I'll explain it to you clearly, right now" huminga siya ng sobrang lalim at tumingin sakin ng diretso "First of all, yeah. I love Crystal mula pa nong una and I really hate myself for doing some bad things to her para lang mapansin niya ako. Simula nong araw na nangyari yung accident, dun din ako nagsisi sa pinaggagawa ko at one time, sinubukan kong magsuicide but naalala ko na hindi yun ang tamang paraan para mapatawad niya ako, para mapatawad ang sarili ko.."

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon