Ch. 80: Weapons

5 3 0
                                    

Kheena's POV

Ilang minuto pa sila nagtulog-tulogan kaya nainis na ako at nagsalita

"Pagdi pa kayo dumilat ay sasakalin ko na talaga kay—" di ko natapos ang pagbabanta ko nang sabay-sabay silang tatlo na nagsi-upo, tumawa naman sila Kyla habang kami ni Briana ay napa-iling lang

"S-sorry, Kheena" sabi ni Chris habang nakayuko

"M-mianhae" sabi naman ni Crystal

"S-sorry.." sabi naman ni Alex at bumaba mula sa taas ng double deck at tumabi kela Crystal at Chris na nakatayo na ngayon sa harap namin habang nakayuko

"Dapat hindi kayo nakikinig sa pinaguusapan namin!" Sigaw ko kaya nabalot nang kaba yung tatlo

"Noona, jinjeonghae. Baka marinig tayo ni Kate" pagpapakalma naman sakin ni Bri, napapikit naman ako para kalmahin ang sarili bago dumilat at tinitigan yung tatlo ng seryoso

"Narinig niyo lahat?" Tanong ko, tumango naman yung tatlo kaya napapikit nanaman ako para pakalmahin ang sarili

"Bakit ba kasi kayo nakinig!?" Kunot noong tanong sakanila ni Bri "Walang mabuting maidudulot sainyo ang pakikinig" dagdag niya pa

"Dapat natulog nalang kayo" sabi naman ni Jacky

"S-sorry" sabi nong tatlo

"E-eh na curious lang naman kami about kay A-ate Christine eh" biglang sabi ni Crystal habang nakayuko parin "May feeling kasi ako na iba ang meaning niyo na wala si Ate Christine sa bahay nila. I know na iba ang meaning non, b-ba't di niyo sinabi?" Napabuntong hininga naman kami

"So you won't panic" sabi ni Eris sakanila

"M-may karapatan din n-naman kaming malaman yun eh. At baka m-may maitulong kami kahit papano" sabi naman ni Alex

"Kaya nga ayaw naming sabihin sainyo eh" sabi naman ni Kyla "Dahil alam naming gusto niyong mainvolve, pero bawal eh. Kahit anong tapang niyo ay hindi niyo parin sila kilala kaya wala kayong magagawa"

"Tama si Kyla. Mahihirapan lang din kami, lalo na si Kate pagmadamay kayo" sabi naman ni Alliah

"Sana kasi hindi nalang kayo nakinig" sabi naman ni Briana "Ayaw lang naman naming matakot kayo. Kapakanan parin ninyo ang inaalala namin, kesa sa sarili namin"

"S-sorry" sabi naman nong tatlo

"Kung ano man ang narinig niyo about sa plano namin ay wag na kayong magtangkang sumali. Delikado para sainyo kaya sana makinig kayo sa amin" sabi ko naman at bumuntong hininga "We should rest. May kailangan pa tayong gawin bukas" dagdag ko pa, tumango naman yung iba bago pumunta sa mga double deck "Sa isang guest room ka nalang, Chris" sabi ko sakanya, tumango naman siya at umalis

"B-bawal ba siyang matulog dito?" Napalingon naman ako kay Bri at kinunotan ng noo

"Lalaki parin siya, Briana. Masama parin iyon tingnan" sabi ko bago tumalikod at humiga sa bakanteng double deck

***

"Paul and Eris, ba't nandito pa kayo? Matagal ang process na gagawin niyo!" Sigaw ni Kate

"S-sorry" sabi nong dalawa at lumabas na

Kakagising palang naming lahat 15 minuets ago at nagmadalian sa pagligo, marami namang CR dito kaya hindi na kami nag-agawan pa. Lahat din kami ay kanya-kanyang galaw dito, pero ako ay kalmado lang at mamayang gabi pa kami pupunta sa hide out para madali kaming makapasok nang walang nakakapansin dahil sa dilim

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon