Steph's POV
It's been 2 days since we planned everything. Sa dalawang araw ay naggather kami ng infos ulit kaso wala kaming mahanap talaga about sa leader, wala kaming lead kung saan unang maghahanap
Wala ding nagreply sa mga tinext naming number na nakalagay sa mga contact number na nilagay nila tuwing nakukulong sila tss!
"Hoy, nganga? Aalis na tayo maya-maya" nataohan ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Bri, binaliwala ko lang siya at lumapit sa iba
Naghahanda kami para sa reunion na magaganap mamaya at sana ay matuloy, hindi tulad ng reunion ng iba diyan na hanggang drawing lang—ano? Usto niyo bigyan ng crayons, beh?
Nang matapos ay lumabas na kami at tatlong kotse ulit ang ginamit namin at yon din yung palagi naming ginagamit pag marami kami dahil may anim na seats at tulad nang dati parin ang drivers, ako, Bri and Paul. Sinama nalang namin si Alex at Christian dahil gustong sumama ni Crystal at close din naman siya kela Vohn at walang magbabantay kela Alex kung sasama si Crystal sa amin. Nakauwi naman ng mabuti sila John, Mike, at Kristoff sa kanya-kanya nilang bahay
"Kailangan talagang tatlong kotse? Di ba pwedeng dalawa nalang? Kasya naman tayo kung dalawa lang eh" sabi ni Alex
"Oo nga, sayang ang gas" sabi naman ni Chris pero hindi ko parin siya lilingonin tss!
"Hindi natin alam kung may sasakyan ba yung pito kaya masmabuting handa, mahirap na kung palakarin lang natin sila" sabi ni Paul
"At kung magpakita nga sila, lahat sila ay doon sa kotse ko" sabi ko naman, tumango silang lahat pwera kay Alex at Chris na nagtataka
"Sinong anim? Meron ka pang papatirahin sa bahay mo? Orphanage lang ganern?" sarcastic na sabi ni Alex, siniko naman siya ni Crystal
"Mga old friends namin sila" sabi ni Noona
"U-uhm... b-babae?" pinigilan ko talaga ang sarili na hindi siya lingonin
"Lalaki sila, Chris. Lalaki in tagalog and boy in english" pagdidiin ni Paul na para bang nang-aasar
"A-anim?"
"Yes. Anim silang kaibigan nila Kate na sasakay lahaaat sa kotse ni Kate, at ano kaya ang gagawin nila—"
"Paul!" saway ni Noona at sinapak pa si Paul sa gilid ng tiyan
"Aray!" singhal ni Paul
"Tama lang yan sayo!"
"A-aray t@ng€na masakit talaga!"
"A-ako nalang magdadrive" pagsusuggest ni Chris, napatingin lahat sakanya pwera sa akin
"Nice!" sabi naman ni Paul at dahan-dahang naglakad habang hawak ang gilid ng tiyan niyang tinamaan "Ang sakit talaga p*ta!" mukhang hindi naman nagbibiro si Paul dahil sa mukha niya pero binaliwala ko lang siya at nanguna na sa pagpasok sa kotse
"Di kayo bati ni baby Chris ko? Pahard to get ka din sakanya?" nagtaka ako nang pumasok si Bri sa loob ng kotse ko
"What do you mean, Bri?" tanong ni Noona
"Why are you here?" pagbabaliwala ko sa sinabi nila
"Dahil dito ako sasakay syempre"
"Akala ko ba ikaw magdadrive don?" tanong ni Noona
"Gusto ni Eris magdrive eh" kibit balikat niyang sabi at hindi na ako nagsalita pa at nagfocus nalang harapan ko. Binuksan ko na ang makina at pinaandar iyon, ganon din ginawa nong iba
It's been 2 hours but there is no sign of them yet at ayaw kong maghintay ng matagal ngunit naalala kong kasalanan ko din naman dahil hindi ko sinabi ang oras bwesit!
"One more hour at didiretso na talaga tayo sa hide out" sabi ko sa tawag, tatlo lang kasi kaming lumabas ng kotse at naghintay sa gilid ng kalsada kung saan ko tinanggap yung offer ni Vohn bilang gangster leader nila
'Hays... memories bring back tss'
"Hoy, bili tayo kikiam!" ayan nanaman ang maingay na Bri at hindi na naghintay nang sagot at agad-agad na tumakbo papunta sa nagtitinda ng mga street foods
Hindi nagtagal ay binigyan niya kami ni Noona at sayang naman kung di ko tanggapin eh grasya to. Nagpabalik-balik siya sa tindahan at sa kotse para bigyan yung mga kaibigan namin, bumili din siya ng tumig at binigyan din kaming lahat
"Thanks kahit nakakapanibago" sabi ni Noona nang makabalik na si Bri at tapos na din sa wakas ang pabalik-balik niya
"Ganon ba talaga? Pangit ba tingnan?" ngumuso pa ito
"Hmm" tumango si Noona na lalong nagpanguso sakanya, palihim naman akong napangisi
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa mag 1 hour na ay wala kaming nakita sa pito na lalong nagpainis sa akin
"T@ng€nang yan" mura ko at umayos ng tayo "Gaja" sabi ko at naglakad na palapit sa kotse habang tinatawagan ang iba na sinagot naman agad "Let's go to the hide out" sabi ko lang at pinatay na yon
Christian's POV
[Let's go to the hide out] pagkarinig ko non ay nakaginhawa ako ng maluwag
'So that means wala yung pitong lalaki? Thank you po, papa God!'
"Narinig niyo naman yon so arat na!" sabi ni Paul
"Close mo din ba sila, Paul?" narinig kong tanong ni Crystal pero hindi na ako nakalingon sa gawi niya dahil nagbubukasan ng makina na yung iba kaya ginawa ko na din at sa harap lang nakatingin hanggang magsi-andaran na
"Hindi, kilala ko lang sila dahil alam mo namang close na close na close na close na close na close kami ni Kate kaya alam ko lahat" pagdidiin nito na para bang pinaparinig at inaasar nanaman ako, pinigilan ko naman ang sariling magpakita ng reaksyon o emosyon
"Sino ba yang anim?" tanong naman ni Alex
"Well... they are cool, handsome and amazing talaga legit!" hindi ko naramdaman o narinig ang pagpaparinig o asar ni Crystal so baka totoo nga talaga ang sinasabi niya
'May nagustohan na kaya si Steph sakanila? O baka may gusto ba sila kay Steph? Sa Queen Panda ko? Hays...'
"Talaga? Ireto mo ako!" parang kinikilig na sabi pa ni Alex
"Sige!"
"So sino sa tingin mo ang bagay sa akin?"
"Uhm... well, baka si Colle or si June"
"Waaahhhh! Kinikilig na ako bwesit ka!" at narinig ko ang tunog ng pagpalo ni Alex kay Crystal
"Aray! Masakit! Kay Samm ka nalang, bwesit ka!"
"Samm?"
"Oo, siya ang pinakacool sa lahat at may pagka-Steph din yon kaya bagay silang magsama hihi" nakinig lang ako sakanila pero sa daan parin nakatingin
"Really? Nakakatakot naman pala siya"
"Oo, pero may pagkatorpe hihi"
"Torpe? Like Christian?"
'Tss! Bakit ba naging pinsan ko ang isang to bwesit!'
"Napapansin ko kasi ang pasulyap-sulyap niya kay Ste—hoy!" natapakan ko kasi ang preno
"S-sorry"
"Grabe! Malaki talaga ang tulong ng seatbelt" sabi naman ni Paul bago lumingon sa akin, umiwas naman ako ng tingin at pinaandar ulit ang kotse "Kung nagseselos ka, let it out, bro. Masmahihirapan ka lang—kaso nga lang magmumukha kang bading wahahahaha! Bahala ka masaktan diyan, tapos na ako sa labanang yan wahahahahaha!" kahit naaasar na talaga ay pinigilan ko ang sariling hindi ipakita iyon
'Hays! QP, akin ka lang please!'
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Ficção AdolescenteEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...