Ch.14: Late

30 7 0
                                    

Steph's POV

"Pwede na po siyang umuwi" sabi nung doctor

Pinuntahan ko muna si Briana at tinulungan siyang magayos ng gamit. Hindi siya nagsasalita habang nililigpit yun. Di ko kinaya ang tahimik na bumubuo sa kwarto. Kaming dalawa nalang kasi yung naiwan dahil pinapasok ko yung apat dahil nagexcuse lang daw sila ng sandali

"STEPH"

"BRIANA"

Sabay pa talaga kami kaya natawa kami

"SIGE IKAW MUNA" sabay nanaman kami

"IKAW NA" Sabay ulit kami

"HAHA SIGE!" Kaylan ba kami matatapos dito sa pagsasabay hahaha

"Ikaw muna" sabi niya. Buti nalang di nako nagsalita

"Uhm.. Kasi.. Er--Sorry.."

"Aishh! Kalimutan mo na yun. Tingnan mo, Okay na ako eh"

"Eh Kahit n--"

"Di ka ba talaga makikinig!" Sinamaan niya ako ng tingin

"Sabi ko nga eh.. Shut up na nga ako dito oh" sabi ko

Pagkatapos naming magayos pumunta na kami sa Parking Lot at hinatid ko na siya pauwi. Babalik nalang siya mamaya sa School. Ayaw ko na nga sana siyang pumasok pero matigas talaga ulo nun eh!

Nang makarating kami sa bahay nila, nagwave siya kaya nagwave back din ako

'Sana all, nagwawave back :<'

"Thank you! kita kits na lang mamaya hehehe" sabi niya kaya napabuntong hininga ako

"Wag ka na lang kasi pumasok, maiintindihan ka naman ng mga teachers" nagaalala kong sabi, nangungumbinsi

"Steph!" banta niya at bumuntong hininga "okay na ako, promise" ngumiti siya kaya wala na akong magawa kundi tumango nalang "Sige na, baka mga recess ako dadating hehe para diretso kain" dagdag niya pa na kinatawa ko

"Tss! ewan ko sayo hahaha!" pinaandar ko na ang kotse ko at dumeretso sa bahay, gutom ako eh hehe!

Pagdating ko sa Bahay, naligo kaagad ako at nagbihis. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina. Exacto nakita ko si Yaya na nagluluto

"Ma'am malapit na po tong matapos" sabi ni Yaya

"Yahh! I'm hungry.." Nagagalit lang ako sa kanila pag nagugutom ako, tss!

"Ito na po ma'am.."

Kinuha ko kaagad yung pagkain at kumain. Pagkatapos ay nagtoothbrush brush kaagad ako at nag ayos. Bago ako umalis tiningnan ko muna ang relo ko 2:12 na pala. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papuntang School. Pagpark ko ng kotse ko, nilock ko kaagad yun at lumakad na papasok. Walang masyadong estudyante dito sa labas kasi nagkaklase na, eh pano.. Late na ako eh hahahaha! Yan yung tunay na gangster!

Habang naglalakad lahat nang nasasalubong kong estudyante yumuyuko, ang iba naman umiiwas, ang iba naman hindi mapakali hahahaha!

Pagkadating ko sa room ay pumasok lang kaagad ako ng diretso kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat kaya ayun nanaman ang bulungan everywhereee! Nagulat yung teacher namin ng makita ako, ako naman.. ito kalma lang na umupo sa upuan ko. Napansin ko ang mga titig nila sakin kaya lahat sila ay sinamaan ko ng tingin kaya umiwas sila, tss!

"Ang aga mo naman" sarcastic na sabi ng nasa tabi ko, gago to ah nakangiti pa tss!

"Syempre, ako pa" taas noo kong sabi, bigla naman siyang natawa "what!?" Tinaasan ko siya ng kilay

"Wala.." umiwas siya ng tingin tss!

"M-miss.. I mean.. Ms. Lopez, w-why are you l-late?" Pansin ko kaagad na takot siya, pautal-utal kasi eh

"So what!?" tinarayan ko siya, tumayo ako "do you want to be fired!?" Nakacross arm kong sabi, nagtataray hahaha!

"S-sorry m-miss.. Di ko po s-sinasadya" yumuko siya. Napansin ko na nakatingin nanaman sila sakin kaya tiningnan ko sila isa-isa

"Isa pa! Pag may nakita pa akong nakatingin sakin.. makakatikim talaga kayo! Gusto niyo!" Galit na galit na ako eh, di ko na kaya!

Umiwas kaagad sila ng tingin at yumuko. Umupo kaagad ako, yung katabi ko naman ay nakayuko na din hahaha takot pala siya eh..

"Oh, napayuko ka din pala!?" asar ko

"K-kasi naman--ah wala!" Tumigil siya at yumuko ulit. Nilibot ko ang paningin ko. Di ko alam kung sino ang hinahanap ko pero bigla akong huminto sa likod

"Hey Crystal~" sabi ko kaya tumingin siya sakin

"H-hello" nagfake smile lang siya. Alam kong natakot din siya eh

"Sorry.." Sabi ko sakanya

"Okay lang" yumuko ulit siya kaya pinabayaan ko nalang yun at umupo ng maayos

Kahit naglelesson yung teacher namin pansin ko takot na takot siya, siya kasi yung teacher namin na pinakatakot sakin eh. Nakaharap si miss samin pero iniiwasan niyang tumingin sakin kaya pinabayaan ko nalang siya at nagearphone nalang

'Wala din naman akong matutunan kahit anong pilit ko sa sarili ko. Tulad ng love, bawal mong pilitin ang sarili mo sa taong ayaw sayo'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon