Ch. 89: Hide out 2

11 2 0
                                    

Steph's POV

Hindi kami tumigil sa mismong hide out at imbis ay tumigil kami 2 km away from the hide out at itinago ang mga motor namin sa gilid ng kalsada kung saan hindi ito mapapansin

Sa may gubat kami dumaan at naglakad papunta sa hide out para hindi mahalata. Nang medyo makalapit ay pinagmasdan muna namin yung hide out habang nakatago kami sa mga bushes na nasa gilid nito

"8 silang nasa labas" sabi ni Alliah, tumango lang ako at sinenyasan silang dalawa na gawin ang naka ayon sa plano kaya naghiwa-hiwalay na kami

Mabilis pero tahimik akong tumakbo papunta sa likod ng hide out. Nang makarating ay nilibot ko ang aking paningin at napa tango nalang dahil tulad ng inakala ko ay meron nang cctv sa paligid

'Impressive tss'

[Kate, meron silang cctv] biglang sabi ni Noona, nakasuot kasi kaming tatlo ng earpods para makapagcommunicate sa isa't isa

[Oo nga, ngayon ko lang napansin] sabi naman ni Alliah

"Kaya nga eh. Nasan na pala kayo?"

[Andito pa ako umaakyat] sabi ni Noona

[Ako naman ay nasa—oh nakikita kita, Noona] sabi naman ni Liya

Pinatunog ko muna ang leeg ko bago maingat na tumakbo habang iniiwasan ang cctv at umakyat at agad na lumundag ng tahimik

"Papasok na ako" pagbabalita ko sa dalawa habang naglalakad na ng maingat para makahanap ng daang pwede kong pasokan

Napangisi naman ako nang may makita akong bukas na bintana kaya maingat akong naglakad patungo doon habang dikit na dikit ang likoran ko sa wall

Palihim akong sumilip sa may bintana at don ko napagtanto na nasa training ground ang punta ng bintanang ito. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi na ganon yung training ground dito at marami na talaga ang nagbago. Tulad ng training ground namin sa resort ko ay meron na din silang mga areas sa mga different weapons

'Tss. Para saan naman tong mga armas na to? Magpapatayan ba talaga kami? Mga gago talaga oh'

Hindi na ako nagtaka nang makitang meron pang nageensayo at mga gising pa ang iba

'Meron ba silang pinaghahandaan na laban? Bakit parang determinadong-determinado sila sa pageensayo?'

Meron ding nagiinoman sa gitna at mga naglalaro ng baraha. Ang iba naman ay nagbibilang ng pera na nagpakunot talaga sa noo ko dahil marami yon at ang iba naman ay binibilang yung mga druga tss

[Kate, nasan ka?] napahawak ako sa tenga ko nang marinig si Liah sa kabilang linya

"Bakit?" Bulong ko habang palihim parin na nakatingin sa loob

[Nandito ako sa second floor, iniwan ako ni Noona] sa boses palang niya ay alam kong nakanguso na ito

[Nandito din ako sa second floor. Meron ditong parang office, bukas ang bintana kaya nakapasok ako agad] bigla namang nagsalita si Noona sa kabilang linya

"Anong office?" Kunot noo kong tanong

[Basta office, mamaya nalang at maglilibot muna ako] napasinghal nalang ako at nagsimulang mag-isip ng gagawin para makapasok

'Saan ba pwedeng makapasok? Hmm..'

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng palihim parin at hinanap muna kung saan yung cctv, hindi naman nagtagal ay nakita ko kung nasan yon nakapwesto kaya sunod ko namang hinanap ang mga pwedeng pasokan at labasan. Sobra sa 20 ang nasa loob ng training ground pero alam kong kanina pa sila doon kaya hindi magtatagal ay aalis na din yung iba at yung mga nakainom naman ay makakatulog na

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon