Steph's POV
"Actually, nagtitipon-tipon na kami non sa labas except kela Noona and Paul na binubura yung mga footage sa CCTV room, nang bigla nalang namin narinig yung mga gunshots at yon yata ang naging dahilan kung bakit nagsi-alarma ang mga nandon sa hide out" pangunguna ni Eris
"Huli na nang makita kami ng isa sa kanila at mukhang pare-pareho kami ng iniisip na libangin nalang ang mga nasa loob para hindi na dumami ang maging sangkot sa labanan niyo lalo na't nandon yung tatlo" dugtong naman ni Kyla, sina Crystal, Christian at Alex ang tinutukoy
"Wala namang nakatakas miski-isa sa mga hinayupak na yon kaya nagtaka kami kung bakit napakaraming nakahandusay sa area niyo" nakakunot noong sabi naman ni Briana
"Eh ano naman pa ang nakita niyo sa hide out?" pabuntong hininga kong tanong, ayaw ko nang masyadong magtanong sa detalye ng pakikipaglaban nila dahil sa huli ay wala namang malalang nangyari sakanila
Napabuntong hininga ako nang maalala ang sinapit ni Alex, eh kung tutuosin ay marami na akong experience na ganito at ganon din naman sina Alliah at Crystal. Kaso magkaiba parin pala pag may mga armas lalo na't mga baril iyon
Hindi naman uso noon ang gumamit ng mga baril ah, kutsilyo lang yata ang tanging armas na ginagamit ng mga kalaban namin dati tss
"Aside sa mga baril, droga, bomba, ay may nakita din kaming mga pera sa parang stock room doon na ngayon ko lang napansin, located din iyon sa CCTV room nang kalikutin ko ang loob" sabi ni Noona, nagtaka ako ngunit mukhang naintindihan ko kung bakit doon nila inilagay—hindi naman kasi iisipin ng iba na may mga pera sa isang CCTV room
Naririnig ko ang pag-uusap nila ngunit ako itong nagtanong at nagsabing sabihin ang mga nangyari sa loob pero heto, nangibang planeta nanaman ang isip. Napunta nanaman sa mga pagtataka, sa nangyari kay Alex, at sa galit kina Vohn ngunit hindi ko naman sila masisisi. Pumunta man sila o hindi, hindi parin sigurado na buhay parin sana ngayon si Alex, o kung sino man sa amin. Pero meron parin akong nararamdaman pagkainis sakanila. Aaminin ko na iniisip ko parin kung pumunta sana sila, nagpakita, ay buhay pa sana ngayon si Alex. Pero wala naman na akong magagawa at ako naman ang dapat sisihin dahil ako ang nagdala ng ganitong problema at sinama ko pa sila
'Napakatanga mo naman Steph!'
"Kate?" nataohan ako nang marinig iyon, lahat sila ay nakatingin na pala sa akin na may pag-aalala at pagtataka
"Hmm?"
"Hindi ka naman nakikinig eh" pabuntong hiningang sabi ni Noona
"Sorry" sabi ko lang at napabuntong hininga din
"You should rest, mukhang hindi ka parin okay" sabi ni Paul habang ang isang kamay ay nakahawak sa braso ko. Gusto kong magsabing kaya ko pero bigla nalang gumalaw ang katawan ko at napansin nalang na nakahiga na pala ako habang isa-isang tinitingnan ang mga kaibigan kong magpaalam at lumabas
Kheena's POV
Umalis muna kaming lahat sa kwarto ni Kate para bigyan muna siya ng alone time at ang iba naman sa amin ay bibili ng pagkain at ang iba naman ay aasikasuhin ang mga hinayupak at mga traydor na nasa prisinto parin at kumuha pa ng abogado nila, ha!
"Sige, Noona, Paul, kayo nalang ang bahala sa mga gung-gong na yon ah? Gusto ko sanang sumama pero you know naman na pagkain muna... pero para kay Kate noh! Hindi lang sa akin hehe!" sabi ni Kyla
"Tss, ewan ko sayo" sabi ko lang at nakatingin lang sa papaalis na bulto nila
"Sama ako sainyo!" hindi ko naiwasang mapatalon ng konte nang marinig iyon galing mismo sa tenga at likuran ko
![](https://img.wattpad.com/cover/132812128-288-k612024.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Love Story (EDITED)
Novela JuvenilEverybody knows that gangsters are the bad guys in our world, but it doesn't mean only guys can be gangsters, right? That's why this story is for the bad girls, the gangster in our full of weak people in this world. Stephanie Kate M. Lopez nga pala...