Ch.6: Classmates

51 10 0
                                    

Paul's POV

Napagisipan ko na magaral sa SKL University kung saan si Steph nagaaral, parang may tumutulak sakin na bantayan siya eh. Sinabi ko din sa Prinsipal na kung pwede ay sa section nalang din ni Steph ako i-assign at pumayag naman dahil sa first section nalang daw ang tumatanggap pa ng transferees dahil puno na sa ibang sec

Habang hinahanap ang classroom ko parang lahat ng students, especially girls ay nakatingin sakin tss! Yung iba ang aarte at pabebe tss para namang papatulan ko sila, ew!

Nasa labas na ako ng classroom, na classroom din ng Kate ko hehehe kaya nagtanong nalang ako sa isa sa mga girls na nandun

"Hey, miss.. Pwede bang magtanong?"

"uhm.. Sure!" malandi niyang sabi habang nakalip bite pa tss!

"Andyan ba si Kate--ay Steph pala?" nakalimutan kong kami lang palang mga close niya ang pwedeng tumawag sa kanya ng Kate tss! bigla siyang huminto at nagiba ang reaksyon niya, parang natatakot siya. Ah oo nga pala leader nga pala ng gangster itong si Steph nakalimutan ko tss!

"U-uhm.. S-sige.. W-wait lang.." Natatakot talaga siya hahaha! Tumalikod siya at naglakad papunta kay Steph. Hinintay ko lang silang dumating. Papalapit na siya pero naka yuko parin ang ulo ni Steph hahaha ang cute niya! Pagangat niya ng ulo ay nagulat siya syempre lumaki yung mata niya hahaha cute niya talagaaa!

"Paul!?" Nagulat nga siya

"Hi!" Sabi ko ng nakangiti

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya ng nakataas ang kilay

"Hahaha! wala kasi akong mahanap na magandang school eh" pasimple kong kinamot ang ulo ko

'Sa totoo lang nagtransfere ako dito para mabantayan kita'

"Tss!" sininghalan niya lang ako. Hayst lalo tuloy akong naiinlove sakanya tss!

'Stephanie.. Phanie.. Anie.. yie! yie! yie!'

Padabog siyang lumakad papunta sa upuan niya yata, mabuti naman at wala siyang katabi kaya dun ako pinaupo ng teacher namin, sineswerte nga naman hehehe!

~FAST FORWARD~

Andito na kami sa canteen. Umupo kami sa sinasabing tambayan nila Kate. Naririnig kong nagbubulungan yung iba pero rinig na rinig naman namin eh tss! Ang dami pang arte!

"Tingnan niyo yun guys oh.. diba nila alam na kela Steph yang tambayan na yan?" sabi nong babae habang nakatingin samin

"Sigurado ako pagmakita sila ni Steph malalagot sila tulad sa nangyari dati"

'Ano kayang pinagsasabi niyang dati? Tss'

"Oo nga, baka sobra pa ang gawin niya sakanila. Ang gagwapo pa naman nila kahit newbies tapos gusto nila kaagad ng gulo, hayst"

"Paul, anong pinagsasabi nila?" Tanong sakin ni Mike, isa sa mga kaibigan kong pinilit kong magaral din dito at di pa nila alam tungkol kay Steph kaya wala silang alam malamang

"Anong pwesto ng Steph na yan dito sa school na to? tss! Principal ba yun?" Tanong naman ni John pero binaliwala ko lang ang mga tanong nila.

"Ayan na siyaa!" naririnig kong sabi nung mga babae

"Lagot kayoo.." Sabi naman nung isa kaya dahil sa curious ay nilingon namin kung sino ang tinitingnan nila at sila lang pala, tss!

"What are you doing here?" mataray niyang sabi habang nakataas ang kilay, taray nitong gangster leader na to!

"Sino siya, pre?" Tanong sakin ni Mike

"Paul!" Tawag sakin ni Steph, nagglare siya sakin

"Yesss?" Sabi ko ng nakangiti

"Bakit di mo sakanila sabihin kung sino ako?" mataray na sabi niya

"Ehemm!" Umubo muna ako para maganda ang pagintroduce ko sa mahal kong reyna hehehe

"Meet Stephanie Kate Mendoza Lopez, siya ang may ari ng school na to" sabi ko pero paglingon ko kay Steph, nakataas ang kilay niya

"What?!" tanong ko

"Yun lang?!" sarcastic niyang sabi habang nakataas parin ang kilay niya

"fineee! Ugh!" pabiro akong napasinghal

"She's also the leader of a group of gangsters, siya nga pala ang Queenka dito sa school na to. Kinakatakutan siya ng lahat, siya ang may ari dito sa inuupuan natin, siya din ang babaeng nagpatibok ng puso ko, at siya ang babaeng minahal ko ng sobra" bigla silang nanahimik.

"Paulll!!" tiningnan niya ako ng masama at lalapitan niya na sana ako ng bigla akong tumakbo para asarin pa siya lalo

"Bawiin mo yung sinabi mo!" gigil niyang sabi habang hinahabol ako

"No thank you, totoo kaya yun" seryoso kong sabi

"maraming nakarinig, gago!" giit niya

"Edi mas maganda haha!" Tumawa ako ng tumawa kaya hindi ko namalayang napahinto na pala ako kaya di ko namalayang nasa harap ko na pala siya at umaapoy na ng galit ang kanyang mukha, lalo na ang mga mata niya, grr! Lumalabas nanaman ang totoo niyang ugali. Nakakatakot syaa!

"BAWIIN MO YUN!"

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon