Ch. 66: Help

10 2 0
                                        

Kheena's POV

"Briana? Akala ko ba't sinundan mo si Chris?" Nagugulohan at seryoso ko'ng tanong

"Hindi ko siya nakita nong sinundan ko siya, alam niya yatang may sumusunod sakanya" nagaalala niyang paliwanag

"Shit!" Napamura nalang ako at naghintay sa pagbabalik ni Kate

"Wala talaga tayong kwenta" narinig ko'ng bulong ni Jacky na nagpabuntong hininga sa'kin—sa'aming lahat

'Oo.. Ulineun sseulmoga eobsda'

(Ulineun sseulmoga eobsda = we're useless)

Steph's POV

Parang ako nakikipaghabol-habolan sa mga apoy na kanina pa'ng nagliliparan sa paligid ko. Maraming usok, apoy at mga gamit na nagsisisunog na

'I hate to admit it, pero tangna lang! Nagaalala ako soobraaa sa ugok na yunnn!'

"H-help.." natigilan ako sa pagmumura kay Chris sa isip nang marinig ko ang boses na yun. Agad naman ako'ng napatingin kung saan-saan para mahanap lang yung boses na yun. Alam ko namang hindi siya malayo dahil naririnig ko ang hinihingal niyang boses

Nilibot ko ang paningin ko at pilit na hinahanap siya kahit sumasakit na ang mata at ilong ko sa usok

"H-he-help.. t-tul.. ong" natigilan ako sa isang gilid nang mahagip ng paningin ko ang isang pigura na mukhang naipit sa isang kahoy—na hindi ko alam kung saan nanggaling

Lumapit ako at binaliwala ang mga bwesit na usok at sumugod kahit na nahihirapan ako

"C-chris.. ikaw ba yan?" Pilit kong magsalita habang iniisa-isang tanggalin yung nakaharang papunta sakanya

"S-steph?" Mahina at nahihirapan niyang sabi

"Oo, p-papunta na ako" hindi parin ako tumitigil sa pagtanggal ng nasusunog na mga bagay sa daan "M-malapit na ako.. ililigtas kita" kahit nahihingal na ay pilit kong gisingin at buhayin ang diwa ko at baka pag mahimatay ako ay pariho kaming mamamatay ngayon

"D-dito" lumapit ako kung nasan yun at nakita siya—sa sobrang inis sa di ko maintindihang dahilan ay agad kong tinanggal yung nakaharang sa paa niya at agad siyang kinarga

"A-aray" angal niya pero binaliwala ko lang yun. Di ko naramdaman ang bigat niya at ang bigat ng galit ko lang ang nararamdaman ko ngayon

"Magtago ka na, Kiko at sigurado akong pagbabayaran mo ang lahat ng ito" nanggigigil kong sabi habang naglalakad sa usok at nagsasayawang apoy

At dahil swerte daw ako sabi ng mga magulang ko, nakaligtas kami at nakalabas

"KATEEE!" agad kong narinig ang pagtawag sakin ng mga kaibigan ko at sa isang iglap ay nasa harap ko na sila at niyakap ako

"Ano ba!?" Inis kong sigaw na nagpatigil sa kanila at agad nagsi-alisan sa pagkayakap sakin

Agad ko silang iniwan dahil nasa likod ko parin si Chris dahil binuhat ko nga siya dibaaa

"Huy! Bilisan niyo at itong bwesit na'to muna ang unahin niyo!" Sigaw ko sa mga nurse nang makalapit ako sa isang ambulansya. Nagsi-takbohan naman sila dahil mukhang nakilala nila ako

"M-miss Lopez, kami na po ang bahala sainyo" sabi ng isa habang tinutulangan akong pahigain si Chris sa isang stretcher, pero dahil nabebwesit ako ay patapon ko siyang nilagay dun na kinagulat ng mga nakakita

"A-aray!" Sigaw ni Chris na sininghalan ko lang at pumasok na sa ambulansya

"Bilis!" Sigaw ko dahil walang gumagalaw sa mga nurse—dahil yata sa padabog ko'ng paglagay kay Chris sa stretcher tss

Nang marinig nila ang boses ko ay agad-agad silang nagsi-takbohan at nagsi-galawan na

Mabilis ang pangyayari at nasa Hospital na kami at halos lahat ay nakatingin sakin tss! Lahat naman sila ay binigyan ko lang ng death glare ko. Wala akong panahon sa mga chismisan nila at sigurado akong pagmalaman to nila Mom at Dad ay magaalala yun—lalo na si Kuya! Sigurado akong malalaman niya ang tunay na dahilan ng pangyayaring ito at baka magpa-book pa yun agad pauwi dito tss!

Mabilis nanaman ang pangyayari na binaliwala ko lang kanina at ngayon lang nagsink in sa utak ko na nakatulog pala ako at heto ako.. nasa isang VIP Room na sigurado akong sila Mom and Dad ang nagsabi, at sigurado akong alam na nila—

"Babyyy!"

'Sabi na nga ba tss!'

"Baby, are you okay na ba? May masakit ka pa ba? Tell me, baby. Mom and Dad is sooo worried about you, baby" naparolled eye ako

"Mom, wag kang OA. Nan deo isang agiga aniya" singhal ko na nagpanguso sakanya

(Nan deo isang agiga aniya = i'm not a baby anymore)

"Yes, you are" singit naman ni Dad na maslalong nagpasinghal sakin

"Dad, Mom, hindi naman diba umabot ng isang araw akong nakatulog?" Pagbabaliwala ko sakanila

"Uhm.. one and a half days" napasinghal nanaman ako at agad na tumayo

"What are you doing?" Nagaalalang tanong ni Dad

"I'm going to punch someone" seryoso at maawtoridad kong sabi na nagpatigil sakanila kaya nang matanggal ko lahat ng mga kaek-ekan na nakalagay sakin ay umalis na ako at hinanap ang kwarto ng bwesit na ugok na yun!

Nakita ko naman agad yung kwarto niya na dalawang kwarto lang ang layo sa kwarto ko at agad na in-open yun—at nakita si Alex na pinapakain si Chris

'Tss! May panahon ka pang tumawang ugok ka ah! Lagot ka talaga sakin!'

Agad ko siyang sinugod na nagpatigil sa kanilang dalawa. Nagugulohan at may halong ngisi akong tiningnan ni Alex, while this crazy jerk is smiling at me!

"Good afternoon, Q—" di ko na siya pinatapos at agad siyang sinuntok! "Arayy!" Sigaw niya

"Steph?!" Nagugulat at nagaalalang sabi ni Alex. Agad kong inayos ang mukha't hospital gown ko at nilingon si Alex

"Oh?" Walang gana kong tanong

"Anyare sayo? Ba't mo yun ginawa?" Binaliwala ko lang siya at nilingon naman si Chris na nakahawak parin sa sinuntokan ko

"Masakit ba?" Tanong ko sakanya, tumingin naman siya sakin

"S-seryoso ka ba? Hindi lang masakit—sobrang sakit!" Angal niya, sininghalan ko lang siya bago umalis doon

"Masakit talaga—sobrang sakit.. ng nakita ko" di na ako bumalik sa kwarto ko at umalis na at pumunta ulit sa School's Parking Lot para kunin ang kotse ko, buti nalang at hindi nadamay ang SPL at pagnasira talaga yung kotse ko ay malalagot talaga silang mga letche silaa!

Sumakay na ako at agad na pinaharorot iyon paalis, hindi na ako dumeretso sa Bahay at pumunta sa ibang lugar—sa ibang lugar para mawala ang inis sa isip at puso ko tss!

'I hate this feeling! Tangna lang at pag ito magpatuloy, lagot na!'

***

Ano kaya ang nangyayari kay Steph? Magagamot ba ito ng panandaliang paglayo niya?

***

Author's Note:

Ito naaa, pangbawiii hahaha! Busy sa lahat ng school works ehh. Vote and comment, my babiesss!

The Gangster Love Story (EDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon