Ch. 52: Mamita's Request

28 4 0
                                    

Steph's POV

"Huy san ka galing!?"

"Huy bakit di ka pumasok kanina?"

"Nagcutting ka noh?!"

"Bakit di ka samin nagsabi!"

"Pinagaalala mo kami eh!"

Yan yung paulit-ulit na sigaw nila saken tss!

'Hindi ba nila alam ang pinagdaanan ko kanina!? Malamang hindi nila yun alam kasi nga secretttt tss!'

Nagkibit balikat lang ako at sinuot yung earphone ko at nagmusic nalang. Naririnig ko parin ang mga sigawan at pagdadabog nila pero binaliwala ko na lang yun

Alam kong nakatingin na samin yung mga classmates namin kaya inangat ko yung ulo ko at tiningnan sila ng masama kaya agad silang napaiwas

Maya-maya, biglang nagtayuan yung mga nasa unahan ko pero ako heto nakaupo parin habang nagmumusic. Biglang may kumalabit sakin but pake ko kaya nagscroll lang ako sa phone ko at naghanap ng bagong song

Biglang may tumanggal sa earphone ko mula sa likod kaya napalingon ako dun habang nakaglare

"What!?" Inis kong sabi

"Kate, magbubunotan na para sa intrams" sabi ni Briana

"Tss! Whatever" Taray ko at umupo nalang ng maayos. Wala naman akong pake sa intrams eh. Wala namang pangbabae na basketball kaya wala akong sasalihan. Sa badminton baka pwede pa but I'm lazy, malapit na yung intrams and I don't care kung anong team ako basta gusto ko kateam ko din si ate Christine

Bumunot na ako. Sinabi ni Ms. Luzon na wag muna buksan para sabay-sabay but syempre di ako nakinig. I have my own rules kaya walang makakapigil saken wahahaha!

'Sooo... I'm on the blue team tss! Blue Warriors yung name nito, I know hahaha! buti nalang GSW fan ako kaya hindi jeje yung name na warriors mwahaha!'

"Pstt! Kate, what team ka?" Narinig kong sabi ni Liah. Like me, alam kong binuksan kaagad nila hahaha naysss!

Bago ako magsalita biglang may tumawag saken

"S-steph, pinapatawag k-ka daw ni Ms. Principal" sa mukha palang, alam kong natatakot siyang tawagin ako. Masaya naman ako kasi pinapatawag ako ni Mamita hehehe! I miss her na ehh

Bago ako tumayo, hinila ako ni Liah

"Huy! anong meron?" Tanong niya

"Dunno" nagkibit balikat lang ako at tinanggal yung hawak niya sa uniform ko at naglakad na palabas

Pagdating ko sa Principal Office, nakita ko agad si Mamita na nakangiti habang nakatingin saken

"Mami—I mean, Ms. Principal.." nakalimutan kong andito pala kami sa School kaya bawal ko siyang tawaging Mamita hehehe!

"Hahaha! it's okay, my dear. I missed you na, kaya pinatawag kita" napangiti naman ako

"Hehehe! same here, Mamita" tumakbo ako palapit sakanya at hinug siya "Yiieeee! namiss kita, Mamitaaa! di na kita masyado nakikita hmp!" napanguso ako at bumitaw na

"Eh ganun na talaga, we're both busy these past few weeks kaya we have no time together" napasimangot kaming dalawa

"Oo nga Mamita, parang lately ang busy mo at ang haggard mo na minsan" comfortable ako pagkausap ko si Mamita kaya sanay na din siya sa pakikipagusap ko sakanya na para bang kabarkada ko lang siya hahaha!

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon