Ch. 58: Intrams Prob

10 3 0
                                    

Kheena's POV

'Nasan na ba yung Kate na yun at di na bumalik? wala ba talaga siyang pake kay Chris para gawin niya to? Tss!'

"Where's Steph?" Nagaalalang tanong ni Crystal

"Nasan na ba yun?" Sabi naman ni Alliah

Andito kaming lahat including Briana sa loob na ng isang napakalaking Room na nirequest ni Kate. Tama nga siya, kasya kaming lahat dito at komportable pa dahil para lang siyang living room na ang daming gamit at merong malaking sofa

"Huy Briana, gwaenchanayo?" Napatingin kaming lahat kay Eris na kausap si Briana

(Gwaenchanayo? = are you okay?)

Nagulat naman ako sa pustura ni Bri na tulala sa ere at parang ang laki-laki ng problema sa nababasa kong emosyon sa mukha niya, nagtaka tuloy ako

"Huy, Briana!" Tawag ni Kyla "Bri!" Tawag ulit niya "Huy, Briii!" Ulit nito "BRIIII!" Sa malakas na sigaw ni Ky ay nataohan na din sa wakas si Bri

"H-huh?" Lutang niyang sabi

"Ano ka ba! Saan nanamang planeta ka nakakonekta at lutang ka?" Inis na sabi ni Kyla

"U-uhh.. k-kasi—" Di na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may kumatok at dahan-dahang bumubukas yung pinto—

"Tita?" Tanong ni Jacky. Bigla kasi dumating ang Mom ni Kate

"Where's my baby girl?" Nagaalalang tanong ni Tita

"U-uhm.. T-tita, hin—" Di ko pinatapos si Jacky sa pagsasalita kasi alam ko na kung anong sasabihin niya pero ayukong maslalong magalala si Tita dahil sa kung ano at pano sinabi ni Kate sakanya yung nangyari at bakit ganito si Tita nagaalala. Na miss understood yata niya yung pinagsasabi ni Kate kung tinawagan man siya nito

"Bumalik po sa School" mahinahon kong sabi

"Why?" Nagtataka niyang tanong kaya nag-isip ako ng dahilan

"Naiwan po kasi niya yung gamit niya at yung kotse niya sa School" paliwanag ko kaya bumuntong hininga si Tita

"Oh my God, Akala ko kung ano na ang nangyari kay Stephanie at pinapapunta niya ako kaagad dito sa Hospital" nagtaka naman ako dun pero di ako nagpahalata

'So tinawagan niya talaga si Tita para kay Chris ah? Tss! Huli ka balbonnn!'

"Eh kasi po, Tita.. Ayaw ng Doctor dito na icheck up ang kaibigan namin ng walang nakakatanda" paliwanag ko nalang

"Ahh kaya pala. So sino ba yang kaibigan niyo at sobrang worried ang baby ko?"

'Tss! sobra talaga? Hmm..'

"Tita, si Christian Lee po, classmate namin" sabat naman ni Crystal kaya napatingin si Tita sakanya

"Hmm.. his name sounds familiar" sabi pa ni Tita na para bang nagiisip "Oh well, baka nabanggit na sakin ng baby ko yun hehehehe" parang kinikilig pa na sabi ni Tita

Nag-usap lang kami tungkol sa nangyari at maya-maya ay lumabas si Tita para kausapin yung mga nurse and doctors para simulan na ang pagcheck up ng maayos kay Chris baka kasi may iba pang dulot o sakit siya ehh

'Hindi naman ganon kalala yung nangyari kay Chris ah? Bakit naman kailangan may parents or guardian pa? Tss!'

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa bumukas ulit ang pinto at nakita namin si Kate na salubong ang kilay na di man lang kami pinansin at dumeretso sa sofa

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon