Ch.32: Feelings 2

19 4 0
                                    

Steph's POV

'Ano ba 'tong nangyayari sakin? Parang ano ehh.. parang nagseselos—w-wait! Ako? Si Stephanie Kate Mendoza Lopez? Nagseselos? Wtf! Nooooo!!! Hindi ako to ahh.. Hinding-hindi!'

Wala pa ang teacher namin kaya ang iingay nanaman ng mga kaklase ko

'Tss! hindi talaga marunong makinig sa isang banta ko! Buti nalang at wala ako sa mood para pagalitan sila tss!'

Tumayo ako at kinuha yung gamit ko at umalis

'Wala akong pake kung may klase at maslalong wala akong pake sa mga teachers na magrereklamo tss! late sila nang late, pake ko?! di nga ako matingnan ng maayos tapos sila pa tong sumbongero't sumbongera!'

Nagisip ako kung saan ako pwedeng tumambay.

'Tss! Bawal sa rooftop at for sure mahahanap ako ng mga kaibigan ko dun tss! ano pang silbi ng gusto kong mapag-isa kung nandun sila? oh diba, kabobohan na ang tawag dun! Tss!'

Naglakad lang ako nang naglakad habang iniisip ng mabuti kung saan ako tatambay

'Bawal din sa tambayan namin, baka mahanap nila ako eh. Gusto kong mapag-isa ngayon. Gusto kong magisip-isip sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kong mapaliwanagan ang nararamdaman ko ngayonnn!'

Lumibot ako ng lumibot hanggang sa maalala ko ang isang lugar kung saan walang taong nakakaalam maliban saken..

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating iyon. Maganda dito. Walang tao. Walang maiingay. Walang problema. Peaceful ang lugar na'to. Dito ako noon tumatambay nung mag-isa lang ako, pag wala sila Briana at Crystal, pagbusy si ate Christine, pag may ginagawa si Alex at syempre pag mag-isa lang ako. Yung walang kasama at walang kaibigang dadamay sakin pag may problema ako

'Hayst'

Itong lugar na'to ay yung pinaka likod ng school kaya walang nakakaalam dito at mahirap hanapin ang lugar na to dahil sa lawak ng school ko. Di pa din kasi to maayos eh

Kinuha ko yung jacket ko sa bag ko at linagay yun sa may grass. Malalaki na ang mga damo dito dahil di na napuputulan dahil wala namang pumupunta sa lugar na to

Humiga ako at tiningnan ang mga ulap. Mahilig kasi akong tumingin sa langit pag nalulungkot ako. Yung ulap yung nagpapakalma sakin at paggabi naman ay ang mga bituin ang tinitingnan ko at ang buwan. Mahilig akong magstar gazing. Nung bata kasi ako may nakilala akong batang lalaki. Kaklase ko siya since kinder to grade 2. Umalis kasi sila ng parents niya dahil may business sila sa ibang lugar, sabi niya sa Korea daw. Kaklase namin siya nila Noona dati. Palagi kaming nagiistar gazing. Palagi kaming magkasama at walang nakakapaghiwalay samin maliban sa parents niya. Bigla tuloy akong nalungkot sa mga alaala namin dati..

'Kamusta na kaya siya? Naalala pa ba niya ako? Babalikan pa ba niya ako?'

Maslalo akong nalungkot sa naisip. Mula kasi nung umalis sila ay di na sila nagparamdam

'Baka nga talaga di na niya ako babalikan tss! sigurado akong nakalimutan niya na ang mga pangako namin sa isa't-isa. Malamang! mga bata pa kami nun eh tss! bwesit na kabataan! kaya ayaw ko na sa mga bata eh tss!'

"Steph.."

"Steph, gising na"

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, ayun tuloy.. nagulat ako at nagkauntugan ni—

"Christian?" nagulat ako ng makita siya

"Aray.. ang sakit nun ahh" sabi niya habang tumatawa

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon