Ch. 103: Discussion

4 1 0
                                    

Steph's POV

Nasa loob kami ng hotel at kumakain. Usually maingay pagganito dahil kela Alliah at Kyla ngunit ngayon ay hindi dahil mukhang binabasa nila ang atmosphere ko

'Tss ang o-obedient naman ng mga kaibigan ko'

"Kate, sabihi—" pinutol ko agad ang sasabihin ni Bri, pinili kasi niya yung seat na malapit sa akin tss at tulad ng sinabi niya ay magpapahard to get talaga ako tss!!!

"Sundan niyo ako" tumayo agad ako, agad-agad naman silang tumayo pwero kela Chris, Alex, Kristoff, John, at Mike na mukhang nagulat at di alam ang gagawin, nilingon ko sila na lalo nilang kinagulat "Hindi kayo sasama, continue eating" sabi ko lang at di naman nila alam kung uupo na sila o ano pero isa sa kanila ay umupo agad dahil makapal naman ang mukha ni Alex kaya walang makakapigil sa kanya

"Geh! Masgusto ko pang kumain kesa gulo wahahaha—Aray! Crystal naman!" binatokan kasi siya ni Crystal

"Respeto naman! Hindi porket kaibigan ka ay pwede mo nang gawin ang lahat—hoy! Kaibigan tayong lahat dito ni Steph kaya walang special treatment!" singhal ni Crystal, palihim akong na amaze at mukhang nawawala na ang sweet Crystal. Siya din kasi ang palaging sumasaway kay Alex saan man mula nang magstay ang lahat sa bahay ko "Hehe... s-sorry, Steph" sabi niya pa sa akin na para bang na aawkward dahil nagkakamot pa siya sa batok niya

"You should stay with them too" sabi ko lang, nagulat naman siya

"H-huh? Bakit?"

"Walang magbabantay sa kanila" sabi ko lang bago tumalikod at naglakad na, sumunod naman yung Exact including Paul

Pumunta agad kami sa basement at binuksan yon gamit yung susi

"Lock it" sabi ko pa, ni-lock naman ni Paul yon dahil siya yung nasa hulihan habang si Eris naman ay binuksan yung light switch

Pinakiramdaman muna namin yung paligid bago naglakad ulit papunta naman sa gilid kung saan nakapwesto yung metal designed door. Sa gitna non ay may nakaharang na tela, tinanggal naman ni Kyla iyon at bumungad sa amin yung device na lock sa pintoang ito

Tinanggal din ni Ky ang takip ng device na yon at merong dalawang gagawin para ma-unlock yon. Ang fingerprint scanner at passcode naman sa baba non. Lahat naman ng fingerprint ng Exact ay makaka-unlock non at kung alam pa nila yung napakahabang password ay makakapasok talaga sila

"Umatras ka muna ng sampong hakbang, Paul. Hindi mo pwede malaman ang password" sabi ni Noona

"Tss, ede wow!" nakasimangot na singhal ni Paul bago umatras

"Oh my gosh, I missed this!" sabi naman ni Eris at lumapit doon sa lock device "Ako na sa passcode hihi!" tumingin pa siya sa akin bago pumindot, wala namang maririnig na sound tuwing pumipindot kaya hindi malalaman ng iba na nasa malayo kung ilan ang letters ng password

"Ako naman sa fingerprint yieeee!" lumapit na din si Kyla at nagscan

Pagkatapos ay binuksan na namin yon at ako ang unang bumaba at binuksan na din agad ang ilaw na sunod-sunod na nagsi-ilawan at isa-isa na tumambad sa amin ang training areas

"Wow! Nakakamiss!" sigaw ni Kyla na kasunod kong bumaba at agad na tumakbo paikot

"Wahh! Sunod-sunod na nagbalikan yung mga alaala natin dito sa utak ko!" si Jacky naman at gaya ni Ky ay tumakbo din ito paikot

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon