Ch. 102: What do you want?

5 1 0
                                    

Christian's POV

"So nasan daw siya?" inunahan ako ni Paul sa gusto ko din sanang itanong

"Wala naman siyang sinabi" pabuntong hiningang sabi ni Kheena

"Hey, don't worry. I'm sure na okay lang si Kate kung nasan man siya" napatingin kaming lahat kay Briana

"What if pumunta siya sa hide out ng Cyphers?" kunot noong sabi ni Kheena

"Baliw, I doubt that" sabi naman sa kanya ni Paul

"I said 'what if' pabo tss" singhal naman ni Kheena kaya napasimangot si Paul

"Guys, chill. Kate won't do something na makakapahamak sa kanya" sabi nanaman ni Bri kaya nilingon ko siya

"Not sure" sabi naman ni Pul kaya sa kanya naman ako lumingon "You know that he is stubborn and crazy kaya it's impossible na hindi siya susugod kahit mag-isa lang siya"

"At ngayon ay dito ka papanig sa akin? Ikaw yata tong crazy eh" singhal ni Kheena at naglabanan sila ni Paul ng masamang tingin

"A-ah... ano ang ibig niyong sabihin?" lahat kami ay napalingon sa nagsalita at nakalimotan nga pala naming nandito si Mike

"Nothing, dear" nakangisi namang sabi ni Bri sakanya at kita ko ang pagpula ng tenga ni Mike

"Alam mo, Bri, naweweirdohan na talaga ako sayo" kay Paul naman ulit kami tumingin

"At bakit?" nakataas kilay na sabi ni Bri

"Yan! Yang mukha mo, yang pananalita mo, yang ugali mo, yang actions mo—lahaaattt! All of the above! Para kang sinaniban ng iba't ibang tao" sabi ni Paul at napatingin naman ako kay Bri at aaminin kong sang-ayon ako sa sinabi ni Paul. Hindi ko nga alam kung bakit nadadala ako sa mga actions na ginagawa niya kaya napapaiyak nalang ako o nakakaramdam nang kung ano-ano—basta! Ang hirap iexplain

"Look, you're misunderstanding me. May mga bagay na kailangan nating gawin para maapektohan yung isang tao at gumawa ng galaw. Hindi natin malalaman ang mararamdaman ng isang tao kung walang gagalaw sa kanila, at dahil walang gumagalaw sa kanilang dalawa ay ang gagalaw nalang para sakanila ay ang mga malalapit sa kanila, gets?" napa-isip ako sa mga sinabi niya ngunit wala akong maintindihan

"Hmm..." sabi lang ni Kheena

"Okay..." sabi lang naman ni Paul at nagkatinginan pa sila ni Kheena

"Are you two mocking me?"

"At ngayon ay nageenglish ka pa eh sa pagkakaalam ko ay pariho kayong tatlo nila Liya at Ky na mga no to speakening dollar tss" nakangising sabi ni Paul

"People change nga" sabi naman ni Kheena "I hope na mahanap mo na ang kapayapaan sa puso mo, Briana" sabi naman ni Kheena at hindi ako sure pero may ngisi din akong nakikita sa labi niya

"Kayo talaga! Hindi niyo ba alam na nagpapa-impress ako kay Mike tss!" padabog itong umalis habang kami naman ay nakatingin parin sa kanya habang naglalakad paalis

"Wow" sabi naman ni Paul "Totoo ba yon?"

"Mukhang bumabalik na ang Bri the hunghang" nakangising sabi ni Kheena na ikinatawa ni Paul pero kami naman ni Mike ay walang kaalam-alam sa pinagsasabi nila

Steph's POV

"Kate?"
"Steph?"
"Saan ka galing?"
"Saan ka pumunta?"

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon