Ch. 59: Intramurals

10 3 0
                                    

Steph's POV

It's been two week and a half na since Chris fainted, and dami ngang nangyari nong gumising si Chris kinaumagahan. As always, ako nanaman ang napansin niya agad at inasar pa na ako daw ang sobrang nagaalala sakanya kahit si Bri naman at si Alex ang sobra tss!

Bumisita din si Alex nong umagang yun at ang daming sinabi na para bang Nanay ni Chris at sinermonan pa

'Ganun na ba sila kaclose para magganunan? Tss! I dont care!'

Si Bri naman, tulala palagi kay Chris. Nakicreepyhan na nga si Chris sakanya pero binaliwala niya nalang. Simula din non ay palaging tinatanong ni Briana si Chris kung kamusta na ba siya o blablabla! Pati din si Alex na may dala pang mga prutas kahit nasa School na kami tss!

'Ako nga, di niya pa binibigyan ng fruits tapos si Chris—tss!'

"Round of applause to the.. Green Athenssss!" Sabi ng MC na si Maxine, yung Pres ng School

Magpeperform every teams ng cheer dance at una ang Green Athens, one of them are Jacky, Eris, Alliah and Kristoff, sila lang yung kilala ko dun at wala ng pake sa iba

3rd day na ng intrams ngayon, marami ng sports ang natapos at iba pang contest nong 1st and 2nd day ng intrams. Tulad ng sinabi ni Dianne ay hindi nga kami pwedeng sumali kaya heto kami ngayon, nakaupo at nagbibigay ng bwesit na mga scores sa lahat ng mga contest, sports and etc. sa event na to tss!

"Huy! Wag mo nga akong isipin at magfocus ka sa cheer dance, nageeffort sila tapos binabaliwala mo lang" naparolled eye ako sa pagpapapansin ni Chris! As always, ang feeler nanaman niya tss!

"Wag ka ngang feeler dahil hindi ikaw ang iniisip ko! Wag ka na ding maingay at magbigay nalang ng score!" Pagtataray ko, siya kasi talaga yung halos naglalagay ng score na dapat ako ang maglagay, wala naman akong pake dahil hindi lang naman ako ang judge ng mga contest and activities eh at sigurado akong hindi nila malalaman na si Chris ang pinapasulat ko ng score sa mga contestant, wala kasi akong time para sa mga walang kwentang ginagawa ng mga students. Nanonood lang ako pag may kakilala ako pero minsan hindi hahaha! Gusto ko din yung nandon si Ate Christineee!

"Bigyan mo nga ng pansin yung mga kaibigan mong nagpiperform, choosy ka kasi pagdating sa mga panonoorin tss" papansin niya nanaman tss! Nilingon ko siya at nginitian ng pilit

"Pwede ba, wag mo akong pakealaman at baka matapon kita sa ibang planeta" sabi ko habang nakangiti na parang nagpapaintindi

"Grabe ka talaga, Queen Panda. Kaya love kita eh dahil mahilig kang mantapon sa ibang planeta" napataas naman ang kilay ko

'What does he mean? Di ko siya magets!'

"Ano bang pinagsasabi mo at di ko magets!?"

"What I mean is, love kita dahil mahilig kang magpatapon ng tao sa ibang planeta"

"So?"

"Yun lang hehehe!" Napamaang ako sa sinabi niya

'Nambibwesit ba tong ugok na to?! Nakakagigilll!'

"Joke lang hahaha! What i mean is, love kita dahil pinapatapon mo lang sa ibang planeta ang mga mahal mo, alam mo kung bakit?" Nangunot ang noo ko habang nakataas ang isang kilay

'Wala naman akong sinabing mga mahal ko lang ang pinapatapon ko sa ibang planeta ah tss!'

"Why?" Sabi ko nalang ng walang bahid na interest

"Dahil gusto mong masulo sila—ay! Ako pala yung pinapatapon mo sa ibang planeta para isolo mo—yiieeee! Ikaw ah" asar niya sakin habang kinikiliti yung bewang ko kaya napaatras ako

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon