Ch. 101: Me time

5 1 0
                                    

Christian's POV

Agad akong napaupo sa sahig nang makaalis si Steph. Wala akong pake kung may makakita sa akin pero t@ng€na lang!

"W-what the hell did I j-just do?" tanong ko sa sarili habang mulat na mulat ang mata at nakatitig lang sa sahig

'But it is true naman, you didn't do anything wrong. Tama ka so wag kang magsisi dahil lang mahal mo yung tao at wag kang magsisi dahil tapos na, hindi mo na mababalik ang ilang segundong lumipas, tanga!'

"B-but... what if i hurt her more than I expected?" tanong ko naman sa sarili ko

'Bobo! Tanga! Inutil! Malamang sa malamang na nasaktan mo siya ng super duper ultra mega kill dahil sa mga sinabi mo tapos ngayon ganyan pa itatanong mo sa sarili mo!?'

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pero nagtatalo ang puso at isip ko sa mga yon. Pero tama din naman ang isip ko, tama lang naman diba ang ginawa ko. Gusto ko lang namang mamulat si Steph sa lahat ng sinabi ko kaya sana maintindihan niya ako. Totoo namang kailangan niyang respetohin ang matatanda eh hays

"Anong eksena yon?" dahan-dahan napaangat ng ulo at si Kristoff ang unang sumalubong kasama yung matanda

"Narinig mo?"

"Baliw, pano hindi maririnig eh ang ingay niyo" tumawa pa ito pero napasimangot lang ako at napalaylay ang mga balikat ko

"Tama din naman ako diba? Hindi naman porket may nararamdaman ako sakanya ay kakampihan ko siya kahit masama ang ginawa niya diba?"

"Wag ka ngang magemote dyan!" sabi niyo bago tumawa

"Ijo, okay lang naman ako kaya intindihin mo din siya" napalingon naman ako sa matanda

"Po? Bakit po? Alam kong takot lang po kayo sakanya dahil ang pamilya niya ay—"

"Dalawa kaming may kasalanan, ijo" pagpuputol niya sa sasabihin ko bago ikinwento ang nangyari dati, ang kasalanan niya sa mga kaibigan ni Steph at ang nangyari sa kanila ni Steph

"P-pero... kailangan ka parin niyang respetohin" napayuko nalang ako kahit kinakain na ako nang pagsisisi. Hindi pala talaga dapat salita lang nang salita ng wala man lang ebidensya hays

Marami pang sinabi si Lolo Dindo, yung matanda sa akin na lalong nagpaintindi sa akin at kahit ganon ay alam ko namang kasalanan nilang dalawa pero hindi parin tama ang ginawa ni Steph pero kailangan ko ding magsorry sakanya dahil sa mga sinabi ko

"Anong sadya mo pala dito?" ngayon ko nalang ulit naalala kung bakit kami pumunta dito kaya sinabi ko sakanya at agad naman siyang bumalik sa kwarto para maghanda

Lolo ni Kristoff si Lolo Dindo at alam na daw niya nong una pa yung about sa away nila ni Steph pero sa huli ay pinabayaan niya nalang at wala naman daw siyang magagawa at naiintindihan din naman daw niya. Hindi ko parin maintindihan kung bakit kahit katiting na respeto ay hindi man lang ibigay ni Steph pero nong balikan ko ang pagtatalo namin kanina ay alam kong pariho lang kami ni Steph na wala ding respeto. I should respect her din naman dahil hindi ko alam ang story niya hays

Ilang minuto lang ay lumabas na si Kristoff kaya lumabas na kami nang bahay at dumeretso sa kotse ni Steph ngunit nakalock na lahat ng pinto at tinted pa yung mga windows, kumatok nalang ako at baka nakatulog sila sa kahihintay

Ilang minuto pa ay bumukas na iyon kaya pumasok na kami

"Sorry, nabusy lang" sabi ni Kheena habang nilalagay sa bulsa niya yung phone niya

"Si Steph?" tanong ko habang luminga-linga sa loob, narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Kheena kaya hinintay ko ang sasabihin niya pero wala siyang sinabi at pinaandar nalang ang makina

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon