Ch. 63: Chris and Jules

7 3 0
                                    

Steph's POV

"YOU" natigilan ako pero di ko pinahalata at napakunot noo sa sinabi nila

'Ako? Ano nanaman ba ang ginawa ko't bumabalik sila!?'

"I think something is wrong" seryosong sabi ni Noona

"Parang may gusto silang balikan" dagdag naman ni Kyla na ngayon ko lang ulit nakitang seryoso—actually lahat sila

"Eh, kung ganon. Ano naman?" Tanong naman ni Jacky, biglang nagkaroon nang katahimikan

"May ginawa ka ba'ng ikinagagalit nila?" Tanong ni Eris na nilingon naming lahat

"Wala naman ako'ng natatandaang ginawa kela Kiko o Kaloy ah. Pati na din sa mga alaga nila. Ano kayang binabalak nila? Tss! Mga bwesit!" Napasinghal ako

"Ganon ba? Eh bakit parang may mali? bakit parang.. gusto nilang maghiganti?" Si Briana naman ang nagsalita na seryosong-seryosong nakatingin sakin. Natahimik kami ng ilang minuto bago basagin iyon ni Paul na mukhang kanina pa nagiisip at kinokonekta ang mga nalalaman

Siya kasi ang palaging nakakaisip ng dahilan sa lahat ng aming mga kalaban—dati, na mukhang bumalik na tss!

"Mukhang naghihiganti nga sila" sabi niya na di ko maintindihan dahil wala naman talaga ako'ng maisip na dahilan para higantihan nila ako. Binigay ko nga ang lahat ng kailangan nila bago ako umalis sa grupo tss!

"Nagkakamali kayo" naguguluhan ko'ng sabi

"Kate, kilala mo ako. Hindi ako nagkakamali sa mga iniisip ko" binigyan niya ako ng matalas na tingin na nagbibigay hiwatig na totoo talaga ang sinasabi niya at alam ko yun

"Pero.. mukhang nagkamali ka ngayon" napabuntong hininga ako "Wala naman ako'ng ginawa" matigas at seryoso ko'ng sabi na nagpatahimik sakanya—sakanila

"Kate, mukhang tama nga siya" sabi ni Noona

"Eh—pano?"

"Malalaman nalang natin yan pagmakaharap na natin sila" sabi naman ni Alliah na pinapatunog yung mga daliri niya habang iniikot pa ang ulo niya

"Wag muna tayong magpadalos-dalos. We don't know yet kung ano ba talaga ang kailangan nila kay Kate at kung ano ang plano nila. Let's just wait, hindi pa naman malala eh" napataas ako ng kilay

"So, what you mean is that we'll wait until it's more difficult na, Kheena?" Seryoso at madiin ko'ng sabi

"That's not what I meant. Ang gusto ko lang sabihin ay wag muna tayong susugod dahil lang bumalik sila. Hindi pa yun malaki para tayo ang unang sumugod. Bumalik lang sila at sinabing ikaw ang kailangan, but that doesn't mean na may gagawin silang masama kahit aaminin ko'ng may pag-asang meron talaga"

"Eh sino ba kasing sinabihan ng mga mokong yun na kailangan nila ako?" Nakakunot noo ko'ng sabi sakanila

"Naleul" biglang sabi ni Eris

(Naleul = me)

"I was waiting at the Lobby when the guard called me at sinabing may naghahanap daw sakin. Di ko nga alam kung pano niya ako nakilala but then, when I went outside. Dun sa main entrancehindi sa Parking Lot, ay dun ko nakita agad si Kaloy na nakasandal sa may gate habang si Kiko naman ay nagsisigarilyo. All that they said was 'we're back for Kate' at umalis kaagad sila" paliwanag ni Eris na kinakunot noo ko

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon