Ch. 70: Flashback 2

7 2 0
                                    

Steph's POV

"What is happening, Kate? What do you mean gang?" Seryosong tanong ni Noona nang makalapit siya saamin

"Nothing big—kaya if you want to stop me, don't" sabi ko sakanya na kinabuntong hininga niya

"Then I'll join too" biglang nanlaki ang mata ko at naramdaman naman yung iba na nagsi-lapitan na din

"KAMI DIN!" Sigaw nong iba, napatingin naman ako kay Pula na nakangiti na saamin

"The more, the merrier!" Sabi niya "By the way, I'm Vohn" nilahad niya ulit yung kamay niya kaya isa-isa namin itong kinamayan at pinakilala ang isa't-isa

"Pero alam niyo naman yata ang salitang gang, diba?" Tanong niya saamin

"OO NAMAN" sabi nong iba pwera saamin ni Noona na tumango lang

"Ede alam niyo ang raranasin niyo, diba?"

"OO NAMAN" sabi nanaman nila pwera saaming dalawa ulit

"Okay lang ba sainyo na masaktan? Magkapasa? At iba pang masasakit na—" di siya pinatapos ng mga kaibigan ko

"OO NAMAN" Natawa nalang ako ng palihim

"Ano akala mo saamin—di katulad ni Kate na malakas? Ulol, nagkakamali ka!" Sabi ni Noona

"Oo nga. Di mo ba alam na siya ang nagtetraining saamin para lumakas?" Sabi naman ni Kyla

"Oo na hahahaha! Tara na, ipapakita ko sainyo ang hide out natin" sabi ni Pula—Vohn pala

Wala kaming angal na sinundan siya kahit ang tagal. Nasa nowhere na kami ngayon pero di parin kami tumitigil hanggang sa ilang minuto pa ay tumigil na din si Vohn sa isang malaki pero luma at sirang bahay

'Ito na yata to'

Biglang may dalawang naglalakihang mga lalaki ang biglang lumabas na may dalang mga tanso at lumapit saamin. Tiningnan nila kami ng mabuti bago tumingin kay Vohn

"Oo, sige na. Papasukin mo na kami" sabi ni Vohn kaya agad na tumango yung dalawa at umunang maglakad papasok kaya sinundan naman namin

Pagpasok namin ay madilim ang paligid kaya nagtaka ako

"Ex'Act" pagbanggit ko ng pangalan ng grupo naming pito na may makahulugan na sigurado namang naintindihan nila. Alam ko kasing ito ang unang dadaanin namin bago official na makasali sa grupo kaya pinapahanda ko sila. Di naman ako nagkamali at nakaramdam ako ng patalim sa likod ko kaya agad ko iyong inikot at tinapon kahit saan

Kahit madilim ang paligid ay malakas parin ang pandinig ko—lalo na ang pakiramdam ko kaya madali akong makakita o makahanap o makapansin ng mga tao sa paligid ko, mapadilim man o hindi

Lahat ng mga napapansin kong tao ay agad kong sinugod at pinagsusuntok, pinagtatadyakan, pinagiikot at iba pa! Hanggang sa umilaw at lalo naming nakita ang mga kalaban na nakahiga na at may mga dugo na sa iba't-ibang parte ng katawan at mukha

"Grabe! Sino sainyo ang sumipa sa pwet ko ha!? Bwesit na mga to!" Biglang sigaw ni Alliah kaya natawa kami

"Wowww!" Natigilan kami sa pagtatawa ng marinig iyon kaya napalingon kami don at nakita si Vohn na may mga kasama pang anim na mga lalaki na nakangiti saamin at nagpapalakpakan

"Grabe ang astig niyo!" Sabi nong lalaking may pinakamalapad na ngiti

"Oo nga, grabe! I'm speechless" sabi naman nong pinakamaliit sakanila

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon