EPILOGUE

13 2 0
                                    

10 years later...

"Eomma, meoggo sip-eo!" maririnig sa buong paligid ang matinlis na boses ni Seokjin

(Eomma, meoggo sip-eo! = mom, i want to eat!)

"Baby, how many times did I tell you na wag kang sisigaw" pangsesermon ni Kyla sa panganau na anak nito habang ang asawa naman nitong si Jinrey ay kinakarga at nilalaroan ang bunso nilang si Kylie

"Hayaan mo na, para namang hindi ka ganyan dati paggutom ka tss" asar naman sakanya ni Alliah habang karga-karga nito ang anak na si Jeyki

"Cooper!!!" saway ni Briana sa anak nito

"Jaydee!!!" saway din ni Jacky sa anak nito kaya sabay silang napatingin ni Briana sa isa't isa at napailing-iling nalang sa naghahabulang mga anak

"Mike naman eh! Hindi kita pinakasalan at binigyan ng napakagwapong anak para lang makipagtawanan dyan—sawayin mo yang anak mo, jusmeyo kayo!!!" singhal ni Bri sa asawa na nakikipag-usap sa mga kaibigan nitong mga ama na din

"Sandali lang" sabi naman ni Mike sa mga kasama at napakamot nalang nang ulo habang lumalapit sa asawa na nakapamewang na

"Lahat talaga tayo ay under ng mga misis natin no—" hindi na natapos ni Kristoffer ang sasabihin nang marinig niya ang boses ng asawa. "That's my call, talk to you later, mga erp" nagtawanan silang kalalakihan bago umalis si Kristof at lumapit sa asawang si Crystal

"Gusto daw niyang magbihis, where's her bag?" tanong agad ni Crystal sa asawa na agad namang napailing-iling bago ibinigay ang bag. Alam niyang maarte ang anak niya pagdating sa pananamit kaya palaging may dala silang mga extra na damit para dito. Kahit kasi madumihan lang ito nang konti ay iiyak na ang anak nilang si Jetaime at magpapabihis

"Baba! Nasan si Jaymee!? Hanapin mo! Wag kang tatanga-tanga dyan!" inis na sigaw ni Jacky kay John na napakamot nalang nang noo at hinanap ang anak na babae, ang kakambal ni Jaydee

"Need something, hon?" tanong ni Vohn sa asawa nitong si Eris habang karga-karga ang anak nilang si Vienna na tingin lang nang tingin sa paligid

"No, you should talk with your friends. I'll call you if Vienna needs something" nginitian ni Eris ang asawa at kinuha ang anak dito

"Sure?" makikita ang pag-aalangan ni Vohn

"Oo naman" sabi ni Eris bago ito halikan sa pisngi at itinulak paalis, nakatingin lang naman sakanya si Vohn habang naglalakad patalikod kaya natawa nalang siya

"The nicest wife goes to..." agad na asar ni Briana habang kunwaring nilalagyan ng korona si Eris

"Baliw" natatawang sabi ni Eris. "You should let your husband kasi enjoy this day with their friends dahil minsan nalang nga sila nagkikita-kita eh" sabi pa nito bago ibinaba si Vienna. "Play with your friends" nakangiti pa nitong sabi sa anak na pinalubo naman ang bibig bago dahan-dahang naglakad papalapit sa mga batang nagkukulitan

Agad namang napansin ni Cooper si Vienna kaya inalalayan niya ito

"Aww!! They look cute!!!" kumikislap pa ang mga mata ni Briana nang sabihin iyon

"Arrange marriage niyo anak niyo, usto niyo?" biro naman ni Jacky kaya nagkatawanan silang tatlo

"Nasan na sila Steph at Noona?" biglang sumulpot si Crystal bitbit ang anak nito kasama si Alliah at Kyla na bitbit din ang sariling mga anak

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon