Ch. 106: First priority part 1

5 1 0
                                    

Steph's POV

Ilang kilometro pa ang layo namin sa hideout at lahat kami ay nasa labas ngunit nakatago sa gilid ng damohan at mga puno para hindi kami mapansin, malapit lang din naman yung mga kotse namin

"Listen, our first priority is to get rid of the weapons with their bombs. Also, no killing, okay? We can just injure them and after, we'll call the police, period" sabi ko

"So ang mga police na ang bahala sakanila and their disgusting drugs?" tumango ako sa tanong ni Eris "Then why should we get rid of their weapons if we can make it our advantage cuz the police might investigate it and it might lead us to their leaders by making Jacky the bait?"

"Hoy!" angal ni Jacky

"Eris, are you sure na ang mga weapons na yon ang makakatulong sa atin na mahanap ang leader nila? Obvious namang hindi iyon nakaregister eh" sabi naman ni Bri

"W-wait... so ang ibig niyong sabihin ay susugod talaga kayo sa sinasabi niyong hide out? at dahil may mga armas at drugs sa loob tulad nga ng sinabi niyo ay imposibleng walang nakabantay doon, so anong mangyayari sa inyo? Pano kung malalakas sila?" lahat kami ay napalingon kay Chris

"Ops, andito nga pala kayo" sabi ni Bri bago lumingon sa akin "Hindi ba natin muna sila iuuwi?"

"Walang magbabantay sakanila dahil gustong sumama ni Crystal sa atin sa pagharap kela Vohn at nakalimutan kong nandito nga pala sila dahil sa dami kong iniisip" napapikit ako dahil kanina pa lumalabo ang mga mata ko at sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Alam kong hindi reasonable ang excuse ko pero ayaw kong malaman nila ang nangyayari sa akin at magiging hadlang lang to sa plano

Ilang minuto kami nagplano sa gagawin namin hanggang sa malapit nang magdilim ang paligid at matapos kami. Sila Crystal, Chris and Alex lang ang naiwan para magbantay sa van at para ligtas na din. Sinama namin si Paul dahil maalam din siya sa paghack ng mga achuchuness at pinasama ko nalang siya kay Noona, kung tutuusin ay hindi pa masyado ganon kagaling si Paul sa pakikipaglaban, sadyang mayabang lang ang dating niya pagkasama kami. Malaki man ang kanyang katawan ay hindi iyon naging dahilan para lumakas siya, pero minsan ay nakikita ko siyang magpractice sa bahay

Madali akong nakapasok agad sa loob at patuloy lang sa palinga-linga para maghanap ng CCTV upang madali kong tingnan ang area na sinasakop non at makaiwas doon, ganon lang ang pinaggagawa ko. Actually, maraming tao ang sa hide out. May nagbabaraja, nag a-arm wrestle, nag iinoman, nagtatagayan, naglilibot at iba pa. Ngunit, dahil marami sila ay advantageous din iyon para sa amin dahil maaari nila kaming hindi mapansin dahil sa kanya-kanyang ginagawa

Before kami sumugod ay nagsibihis muna kami ng all black na suit na nilagay ko sa kotse before kami umalis, balot na balit kami pati din ang mukha namin dahil naksuot din kami ng mask at ang tanging makikita lang ay ang mga mata namin at ang nakalabas naming buhok

[Marami paring tao ang nasa training ground nila skl, and by the way, hozeyy—ano bang ginagawa ni Paul at ang tagal namang mag-go signal? Atat na akong pumasok kaso nakakapagod i-avoid ang mga CCTV amp!] rinig ko through my mini earpods, lahat kami ay nakasuot din neto, at ang nagsalita ay si Briana

[Wait lang ah, at kararating lang namin tss] boses naman yon ni Noona, siya kasama ni Paul

[Hehe, hindi naman ikaw ang sinisisi ko Noona] sabi pa ni Bri, wala na akong narinig hanggang sa marinig ko nalang ang boses ni Paul na pasinghal na nagsabi ng 'go'

"Marami bang tao sa loob ng office na tinutukoy mo, Noona?" tanong ko habang nakasiksik ang katawan sa madilim na sulok, malapit sa office at paminsan-minsan ay sinisilip yung guwardya sa labas

[Wala namang tao sa look pero may bantay sa labas na pinagtataka ko, meron din akong nakikitang malalaking boxes mula sa CCTV] sabi nito

"Arasseo" sabi ko lang at nag-isip ng paraan kung pano ko mapapatulog ang gwardya nang hindi malalaman nito na pinasukan sila pagkagising, ngunit lalabas na sana ako sa tinataguan ko nang biglang may seksing babae na lumapit sa gwardya habang may dala-dalang beer at nang-aakit itong nginitian at pinapalapit gamit ang mga daliri

'Tss. Iba talaga ang kamandag ng isang Jacky Moscare tsk tsk'

Before makaalis nang tuluyan ay binigyan siya ng okay-sign ni Jacky mula sa likuran habang ang isa naman niyang kamay ay inaakit ang gwardyang walang kaalam-alam

Lahat kami ay nakaitim na suit except kina Jacky at Eris na palagi namang panlaban sa mga pang-aakit, nakaduot sila ng mga fitted na dress na hindi nalalayo sa mga babaeng nagbibigay ng serbisyo sa mga hinayupak na to

Nang hindi ko na talaga makita pa sila Jacky at masigurong wala nang tao ay pumasok ako sa loob at walang paliguy-ligoy na hinanap ang boxes na tinutukoy ni Noona. Nang mahanap ay agad ko yung binuksan at kasabay nang pagmura ko ay ang pagmura din nila Noona sa kabilang linya

[Anong meron? Anong meron?] ang boses ni Liya ang narinig ko

[Share naman dyan. Jusmeee! Napakaboring magdeactivate ng mga bomba eh lumalabo na ang paningin ko ughh!] singhal naman ni Kyla, siya kasi ang magaling sa pagdedeactivate ng mga bomba o kung ano mang pwedeng sumabog

"M16A2 rifles galing pang US" mapakla akong napatawa nang makita ang logo sa loob

[Bakit? Anong ganap? Anong M16 churva rifles?] boses naman ni Bri ang narinig ko pero walang sumagot sakanya kahit tanong nang tanong ito

Binaliwala ko nalang muna ang mga baril na nakahelera at di ko matukoy kung legal ba itong binili o hindi, bahala na. Lumapit nalang ako sa mga cabinet, mesa at binuksan lahat ng mga nabubuksan at binasa ang mga nandoon. Totoo nga ang sinabi ni Noona, nakita ko ang mga documents about me, my fam, and my feiends. Napabuntong hininga ako at binalik nalang iyon pagkatapos basahin

Wala na akong masyadong ginawa doon at paulit-ulit lang ang buntong hininga ko. Hindi ko din sinasagot ang mga tanong sa kabilang linya dahil nakaramdam ako ng kaba

Bumalik ang kaba ko na baka madamay nanaman ang kompanya, madamay ang school at mga estudyante, madamay ang bahay ko at pagmamay-ari ko tss, at ang pinakakinakatakotan ko ay baka madamay nanaman ang pamilya't kaibigan ko. Bumalik ang kaba ko nang maalalang hindi pa ako sigurado kung ayos lang ba si ate Christine dahil kahit reply man lang sa mga text ko ay hindi pa niyo nagagawa

'Hays. Sana walang mangyaring masama'

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon