Ch.12: Hospital

42 9 0
                                    

Steph's POV

"Papayag ka lang ba dun?!" Sigaw ni Briana

"Sure ka? wala kang balak gawin sakanya? Tutulong kami kung gusto mo" sabi naman ni Crystal

"O baka naman.." pasuspense pa si Jacky at nginitian yung dalawa at tumingin sa isa't-isa

'Tss! Mga loko-loko, kung anong iniisip—'

"Gusto mo siya! Yiieeee!" asar nilang tatlo. Lahat tuloy ng studyante ay napalingon sa amin, lahat naman sila ay binigyan ko ng evil glare!

"Yahh! You're so crazy!" Tumayo ako "Kung ganyan-ganyanin niyo ko, dun na lang ako kela ate Christine, tss!" Nagdabog ako pero syempre biro lang yun hehe!

Dumeretso na lang ako sa room at nagulat ng makita yung gagong newbie sa upuan niya, natutulog yata tss! Di na masyado malapit yung upuan namin kumpara kanina, Buti naman at napagisipan niyang umiwas tss!

"Ang gwapo pala nitong gagong newbie sa malapitan--wait! What the hell did I say!?" Sinampal ko yung sarili ko

Di ko maiwasang tumingin ulit sakanya nang biglang gumalaw siya at unti-unting minumulat ang mata, nagulat pa siya ng makita ako kaya umupo kaagad siya ng maayos na kinataka ko

"S-sorry" nahihiyang sabi niya

"It's o--wait? Did you just said sorry to me?" Natatawa kong sabi

"S-sorry" napayuko siya na kinangisi ko

"Wow! Mabuti naisipan mong magsorry sakin hahahaha!" tumawa ako ng nakakaasar

Tumikom lang siya at umayos ulit ng upo. Kakausapin ko sana siya ng biglang magbell at dumating yung science teacher namin

"Okay guys! I have to group you into two, for your project this week" bungad niya kaagad

"Ito yung mga magpartner.. Mr. Cruz and Ms. Valdez, Mr. James and Ms. Mendador, Mr. Lee and Ms. Lopez..." Marami pangsumunod pero pinabayaan ko lang yun dahil sa gulat, nilingon ko si Christian at nagulat din siya

"Iba-iba yung gagawin niyo kaya walang mangungupya. Mamayang labasan ko na lang sa inyo sasabihin kung ano ang gagawin niyo. Pumunta nalang kayo sa room ko"

Pagkatapos nun ay naglesson siya at may pinasulat. Of course di ako sumulat, ako pa!

Hinintay kong maglunch. Andito kami nila ate Christine at Alex ngayon sa private table namin ng grupo ko. Di ko kasama yung tatlo, baka maubusan ako ng pasensya sa kanila tss!

"Oh bakit mo kami pinapunta dito?" tanong ni ate Christine na nagtataka

"Oo nga! Sabi mo bawal kami dito!" Paalala ni Alex

Di ko sila pinapapunta dito kasi nagseselos yung tatlo kahit alam naman nilang bestfriend ko tong mga to eh. Di ko sila pinasali sa grupo ko dahil alam kong mahihirapan sila sa mga ginagawa namin. Si ate Christine kasi ayaw niyang makita akong nasasaktan, oh diba kinilig kaagad ako nyehehe! kahit maliit lang na sugat papagalitan kaagad ako, para siyang mommy ko hehehe! Ito naman si Alex ay takot sa dugo kaya ayaw niya talaga yung mga away-away

"Eh ano naman? May angal?" Siga kong sabi, tumigil naman kaagad sila hahaha galing ko talaga

Di ko mapigilan matawa kaya napatingin silang dalawa sakin na nakataas ang kilay

"WHAT!?" Sabay talaga sila tss!

"Nothing.. Pft!" Pinigilan ko ulit yung matawa

"Yahhh!" Sigaw ni Alex

"Ano ba kasing nakakatawa?!" Sabi naman ni ate Christine

"Pft! Wala nga!" Sigaw ko naman

"TSS!" Sabay nanaman sila

"Huy!" May narinig akong familiar na boses mula sa likod ko, Nakita ko namang napalunok sila Alex at ate Christine habang nakatingin sa likod ko kaya nilingon ko yun at nakita yung mga yun

"What!?" Tinaasan ko sila ng kilay

"Bakit sila nandito!?" singhal ni Briana

"Di ba sabi ko sayo.." Singhal din ni Crystal kaya napatingin yung mga studyante saamin kaya sinamaan ko sila ng tingin kaya umiwas agad sila. Tumayo naman ako at tiningnan sila

"Yahh! What do you think your doing?!" Tinaasan ko sila ng kilay "why are you yelling?! Did you forgot who I am? I'm the leader here so what the fuck are you doing?! I own this table, especially this school! Damn! Don't do anything that make me angry. Kung ayaw niyong mapariho yung dati. Just.. Let them sit here, for once! They're also my bestfriend! They're special to me just like the three of you! tss!" Nagdabog ako palayo sakanila, di ko na kaya eh kaya nagwalkout nalang ako tss!

Narinig kong tinawag ako ni ate Christine pero binaliwala ko lang siya at tumakbo lang. Ayukong pumunta sa rooftop kasi alam nila na dun ako pumupunta pagnagagalit ako o malungkot ako.. Kaya pumunta nalang ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko yun at dumeretso lang, di ko alam kung nasan na ako, basta ang gusto ko lang ngayon ay lumayo sa kanila, lumayo sa problema

Crystal's POV

'Shit! What the hell did we do?!'

Mula nung tumakbo si Steph naistatwa kaming apat dito. Di namin alam kung anong gagawin namin. Nakita ko si ate Christine na tumakbo papunta sa dinaanan ni Steph. Sumunod naman sakanya si Alex. Di ko namalayang tumatakbo na din pala ako. Lahat kami ay napahinto sa Parking Lot. Tiningnan ko si ate Christine

"Ano bang ginagawa natin dito?!" Iritang tanong ni Jacky. Tinaasan naman siya ng kilay ni Alex

"Tss! Hinahanap namin yung kotse ni Steph!"

"Eh pa--" naputol yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si ate Christine

"Wala dito ang kotse niya" sabi niya

"Saan kaya yun pumunta?" nagaalala naman bigla si Briana

"Oh shit! nagaalala na ako" di mapakaling sabi ni ate Christine, first time ko siyang narinig na magmura

"Aahh!" Napalingon kami sa likod, si Briana.. N-na t-tumba!? Shit!

"Briana!" Sigaw naming lahat

Dinala namin si Briana sa clinic para dun muna icheck tapos nung sinabihan kaming dalhin na siya sa Hospital ay dinala nga namin siya sa Hospital

"Shit! Damn Briana, please hang on there" tinap ko yung balikat niya

Pumasok sila sa Emergency Room

"Please wait here for a while" sabi nung nurse at nagmamadaling pumasok sa Emergency Room

"Oh my!" Di mapakaling sabi ni Jacky

"Shit di ko na kaya!" Sigaw ni ate Christine. Kinuha niya yung phone niya sa bulsa at may tinawagan

Christine POV

Kinuha ko yung phone ko, hinanap ko yung name ni Steph sa contacts at tinawagan kaagad siya ng makita ko yun. Nagriring yung phone niya pero ilang beses niya rin itong rineject pero inaccept din niya sa ika 13th call ko

"..."

"Damn! Where the hell are you!? We are damn worried!"

"..."

"Di ka ba talaga magsasalita!?"

"..."

"Fine!" bumuntong hininga ako para mabawasan ang galit, inis, alala at iba pang emosyon "Just.. Briana is.. Uhm.. We are at the Hospital. Briana is in the Emergency Room right now. If you want to come. Uhm.. Just.. Hurry up.." Inend call ko agad yun

The Gangster Love Story (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon